Chapter 3

28 16 2
                                    

MASAYANG naglalakad si Ethan at Catherine sa Park. Napag desisyonan kasi nilang pumunta dito pagkatapos nilang kumain. Gabi na kaya hindi masyadong madaming tao.

"Palagi ka bang pumupunta rito?" Tanong niya sa dalaga.

"Hmm-mm" tumango ito.

"Ikaw lang mag-isa?" May pag aalala ang boses niya

"Minsan. Minsan kasi sasama yung mga kaibigan ko noon" anito

Hindi siya makapaniwala na may kaibigan pala ito. Palagi kasi itong nag iisa sa school kaya hindi niya alam na may kaibigan pala ito. Napatigil siya ng may naisip.

"Teka, bago ka lang ba dito?" Aniya

Tiningnan siya ni Catherine na para bang may binabasa ito sa kanyang mukha

Ilang minuto pa siyang tinignan ni Catherine nang sumagot ito

"Hindi mo ba alam?" Tanong nito

"Ang alin?" Balik niyang tanong

"Well, mukhang hindi mo talaga ako kilala eh. So I'll introduce myself infront of you again and my background" sabi nito na may ngiti
"I'm Catherine Hart Callan. The daughter of Oliver and Olivia Callan . I'm a transferee and I'm a ballet dancer, you saw it right? While I'm practicing before." Anito

Nagulat sya sa sinabi nitong anak siya ni Oliver. Biglang nilukob siya ng takot ng banggitin nito ang pangalan ng ama.

"Ethan?" Pukaw ni Catherine sa kanya

TUMIGIL sa pag sasalita si Catherine ng makita niyang nakatulala lang si Ethan. Kaya tinawag niya ito.

"Ethan?" Pukaw niya nito

Tumingin ito sa kanya na may takot sa mga mata,nakita niyang parang hindi ito makagalaw sa kinatatayuan kaya hinawakan niya ang kamat nito. Nag-alalang tumingin sya kay Ethan dahil sa malamig nitong kamay, hindi niya alam kung anong nangyari sa binata basta bigla nlang itong hindi na gumagalaw.

Hindi niya alam ang gagawin, nakatayo lng sila sa park. Pinukaw niya ulit ang binata

"Ethan?" Sabi niya habang niyugyug ang balikat nito.

Dahan-dahang tumingin ito sa kanya at may isang butil ng luha ang nahulog galing sa mga malulungkot na mata nito. Hindi niya alam kung bakit umiyak ang binata. Kaya pinapaupo niya ito sa bench sa gilid ng park at tinuyo ang luha nito gamit ang kanyang kamay.

"Ethan, okay ka lang ba? Bakit ka umiiyak? May nasabi ba akong mali?" Tanong niya sa binata

Umayos ng upo si Ethan at pinagkatitigan siya. Ilang segundo siya nitong tinignan at ngumiti kapagkuwan.

"Iuuwi na kita. Wag ka nang mag alala sakin, may na alala lang ako." Sabi nito na may malungkot na ngiti

Nagtataka ay pumayag nalang siyang iuwi na nito at medyo malalim na din ang gabi, hinatid siya nito sa gate papuntang dorm niya. Nagpa alam na ito sa kanya at sya naman ay tinignan muna ang binata hanggang sa mawala ito sa kanyang paningin at pumasok na din sya papunta sa kanyang dorm.

TULALA lang si Ethan hanggang sa makarating siya sa bahay niya. Ayaw na niyang matandaan pa ang mga nakaraan niya. Gusto na niyang makawala sa kanyang hindi magandang nakaraan.

Papasok na sana siya sa banyo para mag half bath ng tumunog ang cellphone niya. Tiningnan niya yun at sinagot niya naman kaagad ng makitang ang kanyang pinaka mamahal na ina ang tumawag sa kanya.

"Hello, Mama?" Sabi niya sa masayang boses

"Anak, kumusta ka na riyan? Ayos ka lang ba? Kumakain ka ba ng maayos? Sapat lang ba ang tulog mo, anak?" Sunod-sunod na sabi ng kanyang ina.

Napangiti nlang siya dahil sa mga tanong nito. Kahit kailan talaga, hindi talaga mawawala ang pag aalala nito sa kanya.

"Mama, ayos lang po ako. Ok lang naman po ako dito eh, at saka kumakain po ako ng maayos kaya wag ka ng mag-alala." Sabi niya na may ngiti sa mga labi

Narinig niyang huminga ng malalim ang kanyang ina

"Anak, may sasabihin pala ako sayo." Sabi nito na parang kinakabahan

"Ano po yon, Mama?" Kinakabahan na siya

"Anak, kailangan ka namin ng Papa mo rito sa Amerika, na ospital kasi siya noong isang araw pa at hindi ko kaya na ako lang ang mag asikaso sa business natin, kailangan kita rito." Huminga na naman ng malalim ang ina niya.
"May sakit sa liver ang Papa mo, hindi ko na alam ang gagawin ko anak. Please pumunta ka rito, tulungan mo ako sa business natin. Alam mo namang hindi ko to kaya mag isa, hindi ko na alam ang gagawin ko" sabi ng ina niya habang umiiyak na.

Huminga siya nang malalim para pakalmahin ang sarili. Ayaw niyang umiyak ang ina niya kasi ayaw niyang makita itong nasasaktan at nahihirapan.

"Okay Mama, I'll be there within this week. And Mama, ilang araw ba kailangan ko diyan para maka pag paalam ako sa sa dean?"

"Actually anak, tinawagan ko na ang dean ng paaralan mo. Sinabihan ko siyang ita-transfer na kita dito at dito ka na titira. Nakahanda na ang lahat anak pati ang flight mo, this Saturday at 8:00 pm ang lipad mo patungo rito sa Amerika." Sabi ng kanyang ina

Tumango siya na parang nasa harapan niya ang kanyang kausap at nagpaalam na rito para maka pag impake na siya.

Kahit ayaw man niyang umalis dito sa Pilipinas, wala siyang magawa kasi kailangan siya ng mga magulang niya doon. Ayaw niyang ma disappoint ito sa kanya.

High school palang siya ng mag plano ang kanyang mga magulang na mag migrate sa Amerika. Hindi siya sumama sa kanila kasi ayaw niyang umalis at ayaw niyang iwan ang kanyang kaibigan na si Jaselle. Pumayag naman ang mga magulang niya pro sa isang condition. Dapat niyang tanggapin na siya ang magmamana sa business nila kapag tapos na siyang mag aral.

Ayaw niya talaga ang mga business na yan pro para payagan siya ng kanyang mga magulang na manatili dito sa Pilipinas ay pumayag nalang siya.

Pagkatapos maligo ni Ethan ay nag impake na kaagad siya. Hindi naman masyadong marami ang kanyang mga gamit dahil hindi naman siya materialistic na tao. Matutulog na sana siya ng biglang naalala niya si Catherine.

Gusto niyang magpaalam dito bago siya aalis. Mamimiss niya ito kahit hindi pa sila gaano ka close. Ayaw man niyang aminin sa sarili pro gusto niya ang dalaga.

Dahil sa pagod galing pag iimpake ay hindi niya namalayan na nakatulog na pala siya.

A/N: Aalis na si ETHAAAANNNN!!!!!

Again: AloneDonde viven las historias. Descúbrelo ahora