“Good morning class!” Masiglang bati ni ma’am sa amin. Aba, hyper ata si ma’am ngayon ah? Baka mamaya may surprise quiz ‘to, patay ako.

“Good morning, Ma’am Mendez!”

Tumayo si ma’am sa gitna at sinimulan ng magsalita. Medyo may diniscuss lang siya about sa Clash of the Bands this coming August at sa Teacher’s Day sa September. Dun talaga ako nag-focus sa Clash of the Bands dahil passion ko ang pagkanta pati narin ang piano. Natapos din yung pagdi-discuss niya about dun dahil may ipapakilala daw siya sa amin.

“So class.. Alam niyo naman siguro na may bago kayong makakasama dito, right? Isa siyang exchange student from Korea at nung isang araw lang siya dumating. Excellent student siya doon kaya siya pinadala dito. Fortunately, dito sa section natin siya napunta dahil nga halos lahat ng records niya fit na fit dito. Nag-excel siya sa lahat ng subjects including Korean and Japanese subjects. Mahilig siya sa music, and he also plays piano. MVP siya ng basketball team nila doon kaya naman ipinasok din siya sa varsity dito. Please, makisama kayo sa kanya alright? So let’s welcome him..”

Ang haba naman nung sinabi ni ma’am. Akala ko joke-joke lang yung sabi ni Immy na ngayon yung dating niya dito eh, totoo naman pala. Hala, magkakasundo kaya kami nun? Dibale, magkakaintindihan naman siguro kami. May sinenyasan si ma’am doon sa labas at ngumiti.

May biglang pumasok na napaka-gwapong lalaki. Halata sa mukha niya yung pagka-Koreano niya. Chinito eh. Tapos ang pogi pa, pero mukhang suplado eh.

Teka... Familiar sa’kin ‘tong lalaking ‘to ah!

Hmm..

Nanlaki yung mata ko nang maalala ko kung sino siya. Tumingin siya sa buong klase, na halos ika-himatay ng mga babae sa room namin. Biglang napako yung tingin niya sa akin. Nanlaki din yung mata niya tapos biglang nag-smirk.

“Annyeonghaseyo! I’m Kimlher Lee. One-fourth Chinese, Half-Korean, Half-Filipino. Don’t worry, I can speak Tagalog but not that much. Hope to be friends with you all!” Sabi niya sabay nag-bow.

SIYA SI MR. COAT-GUY!!

Yung lalaking nag-lend sa akin ng coat nung araw ng party!

Kaya pala familiar yung mukha niya sa akin dahil siya pala yung lalaking ‘yon! Waaaah, ang pogi niya. Tama nga si Immy, pogi nga talaga siya. Hindi ko kasi masyadong ma-appreciate yung mukha niya nung gabing ‘yon kasi syempre madilim eh. Pero ngayon? Mygoodness!

Pero teka.. Lee? Pang-Chinese ‘yon ah? Hmm, sabagay one-fourth Chinese daw siya eh. Kaya naman pala ang chinito niya sobra eh. Koreano na Chinese pa. Aba naman sumobra ata ang biyaya dito.

Nagpalakpakan naman yung mga classmates ko, mostly girls. Ngumingiti-ngiti lang si Kimlher dun sa gitna. Infairness, ang cute din ng name niya! Pero ang haba din eh, ano kayang pwedeng nickname sa kanya? Hindi naman pwedeng Kim, pang-babae ‘yon eh.

“Mr. Lee, you can go and sit beside Ms. Fuentes. So Chloe, as the president of the class, tour him around the school later, alright?” Sabi sa akin ni Ma’am Mendez kaya naman pati si Kimlher napatingin din sa akin. Nakita ‘kong nag-enlighten din yung mukha niya nung nalaman niyang ako yung katabi niya. Hmm, siguro nga namukhaan niya din ako.

“Waaaah, ang swerte ni Chloe!”

“Palit nalang tayo ng upuan Chloe!”

Nag-nod nalang ako kay ma’am at itinuon ang atensyon ko kay Kimlher. Ang pogi nga talaga niya kaso mukhang suplado tapod badboy eh. Kahit pogi siya, si Luke padin talaga eh.

Napansin ko na umupo narin pala ‘tong si Kimlher sa tabi ko at itinabi yung bag niya sa gilid ng desk. Yung upuan kasi namin hiwalay sa pinaka-desk. Gets niyo? Basta yung parang katulad sa mga Korean schools siya. Napansin ko din na parehas pala kami ng backpack neto.

“Uhm. Hi?”

Napalingon ako bigla sa kanya. Ako ba yung kausap niya? Sabagay kaming dalawa lang naman dito sa likod eh, kaya malamang ako nga ‘yon.

“Hi.”

“Do you remember me?”

“Yeah. You’re the coat-guy, right?”

Ano ba yan, napapa-english tuloy ako dito. Akala ko ba marunong ‘to mag-tagalog?

“Oh, great. I’m Kimlher Lee, and you are?” Ni-lend naman niya yung kamay niya para makipag-shake hands. Wala naman sigurong masama kung tanggapin ko ‘yon diba? Tsaka, gusto ko din siyang maging friend. Mukha lang naman pala siyang suplado pero madaldal pala ‘to. At isa pala, kalahi ko rin naman pala siya. Yeah, half-Korean din kaya ako. Di nga lang halata.

Tinanggap ko yung kamay niya at nag-shake hands kami. “I’m Chloe Fuentes.” Sabi ko sabay nag-smile sa kanya. At ginawa niya rin ‘yon. Waaaah, may dimples din siya! Ang cute niya.

“So, um, friends?” Tanong niya.

“Of course! Uhm, may nickname ka ba? Ang haba kasi ng Kimlher eh, no offense ha.”

Tinignan lang niya ako nung tinanong ko ‘yon. Naintindihan naman kaya niya yung tanong ko? Aish, bakit ko ba kasi tinagalog eh! Pero sabi ni ma’am meron naman daw.

“Kier. Kier nalang itawag mo sa’kin.”

Kier? Bakit naman Kier? Ah! Okay gets ko na. Yung ‘Ki’ na nasa unahan nung name niya tapos yung ‘Er’ sa may bandang huli ng Kimlher.

“Sure. Uhm, marunong kang mag-Chinese?” Out of the blue ‘kong tanong sa kanya. Malay mo naman diba? Eh sa one-fourth Chinese siya eh.

Natawa siya tapos umiling. “Yun nga eh. One-fourth Chinese ako pero hindi ako marunong nun. Mas sanay ako mag-Korean kasi parang halos simula nung pinanganak ako dun ako tumira.”

Ah kaya naman parang mas fluent siya sa Korean. Pero infairness, marunong pala talaga siya mag-Tagalog! Akala ko joke-joke lang yung sinabi ni Ma’am Mendez kasi kanina nag-Korean siya tapos nag-English.

“Oh, okay. Half-Korean din kasi ako eh, pero 2 years lang naman ako nag-stay doon.” Napatango lang siya tapos ngumiti.

“By the way, ikaw pala yung guide ko mamaya diba? Sabay na tayo mag-lunch ha? Don’t worry, my treat.”

KYAAAAAAA. Tumango ako sa kanya tapos sabay ngiti ng malapad. Natawa lang siya tapos pi-nat lang yung ulo ko. Waaaah, ang bait niya.

Magkakasundo kaya kami neto?

Strings AttachedDonde viven las historias. Descúbrelo ahora