Humarap sa akin si Ivan at biglang nag-smirk. Hindi yung normal na smirk, kundi yung evil smirk.

“You’ll pay for this.”

End of Flashback

Akala ko kapag sinumbong ko si Ivan, siya lang ang mapapagalitan. In the end, kasama pa ako sa penalty niya! Can you imagine that?!! Nakakainis. For sure, pipilitin niya akong sumama! Argh, kahit ano pa yan hinding-hindi ako papayag!

“Hi Chloe!”

“Hi Miss Chloe!”

“Bakit po kayo malungkot, Miss Chloe?”

Ayan na naman, bati na naman sila ng bati. OMYGULAY!! Ngumiti nalang ako sa kanila. Hindi naman sa hate ko sila or something, pero sawa na kasi ako sa mga ganyan-ganyan nila.

Bumalik ako sa senses ko ng mapansin ‘kong nasa tapat na pala ako ng room. Buti naman at hindi ako late. Kung sabagay, ikaw ba naman bigyan ng instant ligo ng kapatid mong may sapak sa ulo eh! Tignan ko kung hindi magising diwa mo! Aish, nakakainis padin talaga!

Napatingin ako sa upuan sa gilid ko. Bakit kaya wala pa si Immy? At nasaan ba yung mga classmates namin? Nandito kasi yung mga bag nila pero wala naman sila. Oh well, hayaan na. Binuksan ko muna yung backpack ko tapos pinasok yung ulo ko sa loob. Kulang kaya ako sa tulog. -____-

***

“Psst!”

Sino naman kaya ‘yon? Psh, istorbo.

“Chloe!”

Ano ba yan! Tawag ng tawag! Di ba niyan alam na gusto ko pang matulog?!!

“CHLOE GWEN JUNG FUENTES!!!”

Doon na ako napa-balikwas. Kilalang-kilala ko na kung sino ‘yung tumatawag sa’kin. Pati ba naman middle name ko eh, tinawag.

“Immy?” Tanong ko kahit obvious naman na siya ‘yon. Lumapit siya sa akin tapos inalog yung ulo ko. Aba’y, anong problema niya?

“Ay hindi! Si Emily ‘to.”

Emily daw? Eh siya din naman ‘yon eh. Immy lang talaga yung nickname niya. Nakakatamad kasi masyadong mouthful yung Emily eh.

“Bakit wala ka sa tabi ko?”

Nagtaka naman siya sa tanong ko. “Huh? Hindi sinabi sa’yo ni Ma’am Mendez?”

Ano ba yung dapat sabihin? Ano ba yan, feeling ko wala akong ka-alam-alam sa paligid ko. Masyado kasi akong stress dun kay Ivan eh. Kainis.

Umiling ako bilang sagot.

“Yung exchange student from Korea na daw yung magiging katabi mo para mas magkakilala daw kayo. Ituturo mo daw sa kanya lahat-lahat. At wag ka, tour guide ka niya ngayon. Kaya nilipat ako sa harapan mo. Parating na ‘yon sila Ma’am pati yung exchange student. Balita ko, pogi daw ‘yon!!”

O_________O

OMYGOSH!!

Ngayon nga pala yung dating nung exchange student galing Korea! Magkakaintindihan naman kaya kami nun? Marunong naman akong mag-Korean, kaya lang syempre hindi ko padin maiwasan matanong kay ma’am kung marunong siyang mag-Tagalog. Mamaya, mahirapan ako dun eh.

“Ano daw—”

Hindi ko naituloy yung sasabihin ko kay Immy dahil biglang pumasok na si Ma’am Mendez. Tumingin ako sa paligid niya pero hindi ko naman nakita yung exchange student. Baka naman hindi pa ‘yon dumadating? Hays, si Immy talaga.

Strings AttachedWhere stories live. Discover now