Umiling ako at mabilis na umiwas ng tingin. Fuck! Ang bilis ng tibok ng puso ko ngayon. Hindi ko halos maigalaw ang katawan, para bang namanhid ako at hindi makaalis sa inuupuan. Ngumisi siya ng makita ang reaksyon ng mukha ko. Pakiramdam ko'y umuusok ang pisnge ko sa ginawa niya. Tumalikod siya sa akin at binuksan ang wardrobe na nasa harap niya. Ngayon ang maputing pwet niya naman ang kaharap ko. Shit! Baliw na baliw siya!

"Are you gonna watch me wearing my clothes? Baka gusto mong isuot ang brief ko sa akin." he said playfully.

Umirap ako at halos patayin siya sa mga titig ko. Huminga ako ng malalim, kinalma ang sarili dahil kapag magpadala ako sa galit ngayon, baka masaksak ko siya ng patalikod. God, ayokong makulong dahil sa pagpatay sa isang ruthless CEO ng maraming negosyo. Ayokong makulong sa rehas na malamig. Kaya kung gusto ko pang mabuhay sa labas ng kulungan, kailangan kong kalmahin ang sarili.

"Hindi ka putol kaya gawin mo 'yan." malamig kong sabi.

Tumayo ako at pumasok sa banyo. Bahala siya sa buhay niya! Ayokong makipag-usap sa ganoong katao. Walang awa! Walang puso! Walang pag-iisip! Kung marunong ba naman siyang mag-isip, hindi niya sasabihin ang pangalan ko sa media! Hindi niya ako ipagkakanulo sa mga tanong na magdadala sa akin sa intrigang sisira sa buhay ko.

Inis kong binuksan ang shower habang hubo't-hubad ang katawan. Ang lamig mula sa tubig ay nagbigay ng kaginhawaan sa akin. Mabuti nalang at kahit papaano'y nawala ang inis ko dahil sa hinayupak na lalaking iyon. Ayokong ma-stress ng husto dahil sa kanya. Gusto kong lumigaya ang buhay! Dulot ng malalim na pag-iisip, hindi ko namalayan ang paligid. Halos mabungkal ako sa harap ng shower ng may humaplos sa baywang ko ng marahan. Mabilis akong humarap sa lalaking nasa likod ko.

Ang mata'y namumungay, ang labi'y namumula. Ang igting ng panga'y nagsasabing may gagawin siyang ikakaligaya ko ngayon. Umatras ako, pinilit kong sumiksik sa pader kahit na alam kong wala akong matatakasan. Bumaling ako sa pinto ng shower room, naka-lock at sinigurado niyang wala akong malalabasan. Huminga ako ng malalim, mula sa mukha ko'y lumipat ang namumungay niyang mata sa dibdib ko.

He was trying to touch me in my boobs when I escape his iron-clad hand. Mabilis akong lumusot sa gilid niya para buksan ang pinto ng shower room ngunit napagitgit lang ako sa makapal na salamin ng yakapin niya ako patalikod. Napaungol ako ng maramdaman ang matigas niyang kahabaan na tumutusok sa pwetan ko. Umiling ako at kinabahan na. Ano ang gagawin niya? Bakit niya ako pinasok dito sa banyo? At bakit hindi pa siya nakasuot ng damit niya? Hinarap niya ako sa kanya at tinignan ng malalim.

"Are you trying to escape me." malambing niyang sabi.

Dulot ng panghihina dahil sa ginagawa niyang pagkukulong sa akin, kahit ang paghampas ko sa balikat niya'y mahina na rin. Huminga ako at umiwas ng tingin sa kanya.

"W--what are you doing?" namamaos ang boses.

He sighed softly.

"I promise to myself not to pregnant you while were staying here in my penthouse but damn my word eating me…baby," in his very soft voice.

Kumunot ang noo ko. What does he mean? Pregnant me? Is he going to impregnate me?

"D--don't do it, Cavios!" may pagbabanta sa boses ko.

"Six fucking years is enough for your experience and freedom, Shekky! This time, ako naman." sabi niya.

Umiling ako.

"T--tapos na akong magmahal sayo, Cavios! It was done! I am done! Kaya ano pang silbi ng ginagawa mo ngayon huh?" mariin kong sabi.

He sighed.

"I know I'm at fault because I let your love faded, but I am willing to bring it back."

Tinulak ko siya para makahinga ng maayos.

Costiño Series 10: Forgetting You (HANDSOMELY COMPLETED)Onde histórias criam vida. Descubra agora