Hinalikan ko muna ang noo niya bago lumabas ng room para makapag-usap kami ni braze. Umalis kami at pumunta muna sa mall para bumili ng damit at makapag-palit ako. At pagkatapos ay bumili na muna kami ng kape sa starbucks at doon na nag-usap.

Kwenento ko sa kanya ang buong nangyari, simula doon sa pagbibintang sa akin ng Black Rebellion hanggang sa nalaman ko ang nakaraan ni angelo at ang pag punta ko doon sa kanilang mansion, pero sa buong kwento ko ay hindi ko na sinabi pa ang pangalan ni krae dahil siya na rin mismo ang nagsabi na dapat ay kaming dalawa lang ang nakakaalam tungkol doon.

Simula pagka-bata ay magkasama na kaming tatlo nina brazen at axe kaya alam na rin nila ang ibang pangyayari na nangyari sa buhay ko, kasama na doon ang nakaraan ko sa Black Rebellion at kay waze.

"Anong naramdaman mo noong nag kita kayo?" tanong niya pagkatapos ng pag-uusap namin.

"Hindi ko maintindihan."

Natawa siya ng mapakla."Ang hirap talagang kalaban kapag 'yong tiwala mo ang sinira sa 'yo e. Mahirap mag panggap."

"Hindi na mauulit ang pagkikita namin, ayoko nang maulit pa. Kaya lang naman ako nagpunta doon ay para matapos na ang lahat at malinawan na sila at isa pa ay may kanya-kanya na kaming buhay, hindi na ako babalik pa sa tapos na."

Tumango si brazen."subukan niya lang rin manggulo ulit at talagang aabangan ko 'yon!"

Natawa ako."sira."

Nagkwentuhan pa muna kami sandali ni brazen at tinulungan niya na rin akong makahanap ng condo para sa tutuluyan namin ni axelle. Plano kong ipa renovate ang bahay at siguradong mga isang taon mahigit pa ito matatapos.

"Sobrang sayang rin ng mansion mo zaiynx! Diba ay regalo sa 'yo 'yon ng kapatid mo?! Tsk! Mga ugok talaga ang gumawa no'n!" ani brazen habang naghahanap kami sa internet."sana talaga ay mabulok sila sa kulungan!"

"Hayaan mo na, wala narin akong magagawa." Untas ko.

"Ay ito oh! Maganda dito! Malaki ang space ng unit at maganda rin ang quality! Siguradong secured na secured kayo dito!" Ani brazen habang nakatingin sa screen at tiningnan ko naman ang tinutukoy niya.

Natigilan ako sandali ng makitang doon rin sa lugar na 'yon ang penthouse ni krae.

"Mag-iinquire na ako zaiynx ah? At ito na rin kasi ang condo na pinakamalapit sa Harmenson!"

Tumango ako kay brazen."sige."

Nang maubos ang iniinom naming kape ni brazen ay bumalik na kami sa hospital para bantayan si axe, umuwi narin sina shan, vien at justin dahil may pasok pa bukas ngunit nagpaiwan si zan, krae at brazen at mabuti nalang rin at kinabukasan ay nagising na si axelle kaya agad ko siyang niyakap ng mahigpit at paulit-ulit na humingi ng tawad.

"I'm sorry, I'm sorry axe... Sorry... Hindi ko sinasadya na madamay ka, I'm sorry... Sana mapatawad mo pa ako, nang dahil sa akin ay muntik ka pang mapahamak, I'm sorry." Pag-iyak ko habang nakayakap sa kanya, niyakap niya rin ako pabalik.

"Gaga! Okay na rin naman ang pakiramdam ko! At isa pa ay hindi naman ikaw ang gumawa ng pagsabog na 'yon, parehas lang tayong biktima kaya wala kang kasalanan! At mabuti nalang rin talaga at walang masamang nangyari sa 'yo dahil talagang hindi ko alam ang gagawin! Huwag kang umiyak zaiynx dahil hindi naman ako patay!" Tawa niya habang nakayakap sa akin.

"I'm sorry," iyon lang ang tanging nasabi ko.

"Wala kang kasalanan!" bumitaw siya sa pagkakayakap sa akin."at hindi ako galit sa 'yo! Pero kamusta ang bahay mo? At iyong gumawa no'n zaiynx? Nahuli na ba?"tanong niya kaya tumango ako.

Napag-alaman namin kagabi na isinuko nila si angelo sa mga pulis, hindi parin pala kaya ni Vaughn ang patayin ang taong pumatay sa kapatid niya dahil kadugo niya parin ang gumawa no'n, at alam kong sobra rin siyang nahihirapan.

THE KRYPTON'S LOVE Where stories live. Discover now