KABANATA 7

710 33 3
                                    

Zaiynx POV

"Oh? Bakit?" Takang tanong ko kay krae. Nakasuot lang siya ngayon ng simpleng white V-neck shirt at taslan short.

"Ikaw lang mag-isa?"

Tiningnan ko ang paligid."may nakikita ka bang kasama ko?"

Natawa siya dahil doon."wala nga."

Tiningnan ko naman ang binili niya, apat itong canned beer."iinom ka?"

Itinaas niya ang hawak."Tara!"aya niya kaya noong makalabas kami sa convenience store ay umupo kami sa gilid. Binuksan niya ang binili at inilahad sa akin ang isa.

"Pumupunta ka rin pala dito! Dito ako tumatambay minsan e kasi konti lang ang tao para mag pahangin!"

"Napadaan lang ako dito," sagot ko at tama siya, dahil ang costumer lang sa loob ng store ay dalawa.

"Saan ka dapat pupunta?" tanong niya.

"Wala naman, magpapahangin lang rin sana."

Nagulat naman ako noong tiningnan ko siya ay nakatingin na siya sa dibdib ko."hoy gago ka!"asik ko sa kanya at babatukan ko na sana ngunit agad na dumako ang paningin ko sa madilim na parte ng lugar at inilag ang ulo ko, ang kasunod nalang na nangyari ay ang pag kabasag ng glass wall ng convenience store kong saan tumama ang bala na dapat ay para sa akin.

Sabay kaming napatayo ni krae dahil doon at agad ko ring naaninag ang pamilyar na sasakyan. Sinasabi ko na nga ba e! Sila rin 'yong sumunod sa amin ni axelle!

Bigla namang humarurot paalis ang itim na sasakyan.

"Let's follow them!" Sabay hablot sa akin ni krae.

"Ayoko! Dahil iyon nga ang gusto nila ang sumunod ako!"

"Then, how can you know what their motive is?!" aniya.

Huminga ako ng malalim dahil tama siya. Ilang beses na silang nagpaparamdam at hindi ko alam kong ano ang gusto nila. Kaya naman tumango ako at hinablot niya ako patungo sa wrangler niya.

Agad niya ring pinaharurot ang sasakyan at sinundan sila hanggang sa dumating kami sa downtown. Isa itong luma at abandonadong factory area at napakaraming mga malalaking sirang buildings at kahit na anong sigaw ang gawin mo dito ay walang makakarinig dahil wala rin namang nakatira sa lugar na 'to.

Huminto ang sinusundan namin sa isang malaking building kaya naman inihinto narin ni krae ang sasakyan niya sa hindi kalayuan at sabay na kaming lumabas at pumasok sa loob, hindi ko alam kong tamang desisyon ba ang isama siya dito pero wala narin naman akong magagawa at sa pag tapak pa lang ng mga paa ko sa building na 'yon ay agad kong naramdaman ang mga nakatutok sa amin, mula sa itaas ng tatlong palapag na building hanggang sa ibaba.

"As expected! Talagang matalas parin ang pakiramdam mo! Hindi ka parin nag babago zaiynx! Matinik ka parin!" kumunot ang noo ko sa nagsalita.

Agad ko namang nakilala ang boses."Vaughn..." Untas ko habang tinitingnan ang bulto ng isang tao sa harapan namin, hindi ko siya masyadong makita dahil sobrang dilim ng paligid.

"Long time no see zaiynx, ang tagal kong hinintay 'to..." Untas niya.

"Black Rebellion," narinig kong untas ni krae na katabi ko.

Kilala niya sila. Paano? Ang Black Rebellion ay isang Underground Organization at ang tanging may alam lang dito ay ang mga may connection sa Underground Society, ibig sabihin ba nito ay parte rin siya?

"Tatlong taon! Tatlong taon akong nag hintay para lang makita ka ulit!" Patuloy ni Vaughn kaya nabalik sa kanya ang atensiyon ko.

"Anong kailan mo sa akin? Ilang beses ka ng nanggulo ah," untas ko. Ngayon ay malinaw na sa akin ang lahat, sila nga ang may pakana ng pangyayari sa paligid ko nitong mga nakaraan.

THE KRYPTON'S LOVE Where stories live. Discover now