KABANATA 11

686 32 7
                                    

Zaiynx POV

Ikinuyom ko ang kamao ko ng dahil sa ginawa niya, kahit kailan ay hindi pa ako nasampal ng kong sino lang ng dahil sa isang malamyang dahilan! Kaya noong dumating ako sa classroom namin ay padabog akong umupo sa tabi ni krae ng dahil sa inis, kong hindi ako nakapagpigil kanina ay hindi lang sampal ang inabot niya sa akin.

"Anong nangyari sa 'yo? Bakit parang galit na galit ka? What happened?" Takang tanong ng katabi ko ngunit hindi ako sumagot dahil baka kapag nagsalita ako ay may masabi lang akong hindi maganda.

"Good morning students!" Agad kaming nagsitayuan ng dumating ang professor namin sa first subject kaya hindi niya na rin ako kinulit pa.

Hindi ako kumibo buong klase namin at no'ng tumunog ang bell ay nauna na ako at mag-isang lumabas, sa library ako dumiretso para magbasa para naman mawala ang inis ko. Hanggang ngayon ay parang hindi parin nawawala sa pisngi ko ang pag lapat ng palad niya! Nakakabanas!

"Tsk," inis kong binuklat ang hawak na libro at nag basa hanggang sa hindi ko namalayang naka-idlip na pala ako at nagising nalang ako ng maramdaman kong parang mayroong nakatitig sa akin at pag dilat ko sa mga mata ko ay ang napakalapit na mukha ni krae ang tumambad sa akin.

Agad na nanlaki ang mga mata niya at mukhang nagulat pa ng magtama ang tingin namin at agad na lumayo.

"Bakit hindi mo ako kinakausap, may problema ba?" halata sa boses niya ang pagkabahala.

Umiling ako."wala naman,"tiningnan ko ang relo ko at nakitang may three minutes pa bago ang klase.

"Tsk, you're pissed, why is it? Come on, tell me," untas niya na parang kilala niya na ako.

Umayos naman ako ng upo at sinuklay ang buhok ko gamit ang mga daliri. Parang ang kapal naman ng mukha kong ganituhin siya e ang laki ng naitulong niya sa akin.

Nilingon ko siya."Naisip ko lang na..."Hindi ko muna itinuloy at inisip munang mabuti kong ano ang tamang salita na gagamitin.

"Ano?"

Napabuntong-hininga ako. Sasabihin ko ba? Paano?

"Naisip ko lang na dapat tayo mag set ng boundaries sa isa't-isa."

"Huh? Why?" Takang tanong niya."and what do you mean by setting boundaries?"

"Basta,"tumayo ako at ibinalik ang librong kinuha kanina para lumabas na, wala na akong balik pang mag explain.

"Zaiynx hindi ko maintindihan,"Agad namang sumunod sa akin si krae at pababa pa nga lang kami ng hagdan ng makaharap namin si kyrie kaya sabay kaming napahinto.

"Oh, nandito ka lang pala krae," nilagpasan niya ako ng tingin na para bang hindi niya ako nakita at dumiretso kaagad ang titig niya kay krae.

Sarkastiko akong natawa sa isipan ko at nilagpasan siya at nagpatuloy na sa paglalakad. Nang makalabas ako ay naglakad na ako pabalik sa classroom namin at sa daan pabalik ay nagkita kami ni gavin kaya sabay na kaming naglakad habang nagkekwentuhan patungo sa kanya-kanyang building.

Kraeston POV

"Magkasama na naman kayo? I thought bumalik ka na sa classroom niyo,"puna ni kyrie ng makaalis si zaiynx. At hindi ko maintindihan kong bakit pakiramdam ko ay gusto ko siyang sundan lalo na dahil sa sinabi niya.

"I was just wondering kong bakit siya biglang nawala kanina and I find her here," I replied. Dahil pagkatapos ng klase namin kanina ay umalis nalang siya bigla ng walang paalam at bigla nalang rin pumasok sa isip ko na dito siya pumupunta kapag wala siya sa canteen.

"Did you find her accidentally or you find her intentionally?"

"What are you trying to say, ky?" my brows furrowed.

THE KRYPTON'S LOVE Where stories live. Discover now