KABANATA 13

578 36 3
                                    

Zaiynx POV

"Thank you," sagot ko sa sinabi niya kahit pa pakiramdam ko ay kinikiliti ang tiyan ko.

Ngumiti siya at hindi na nagsalita pa ulit ngunit hindi naman inaalis ang tingin sa mga mata ko. Nakita ko pa ang pag gala ng tingin niya sa kabuuan ng mukha ko habang ako ay nagpapatay-malisya lang. Nang matapos ang sayaw namin ay bumalik na kami sa original na partners namin. Malaki ang ngiting kinuha ni gavin ang kamay ko at isinayaw ako ulit.

Kaswal lang kaming nag-usap ni gavin hanggang sa matapos ang kanta at nagsibalikan na ang iba sa upuan nila dahil hype na ulit ang kanta at masayang nagsasayawan ang mga studyante sa gitna, at isa ako sa mga studyanteng bumalik na sa upuan dahil nag sisimula na talagang sumakit ang paa ko ng dahil sa suot na takong.

Hinubad ko ang suot na heels at tiningnan ang mga paa ko at medyo namumula na ito. Napabuntong-hininga ako at kukuha na sana ng tissue para ilagay dito ngunit bigla nalang may naglahad ng napakaraming band aid.

"Alam kong hindi ka sanay mag heels kaya baka lang kailangan mo kaya nag dala na ako," boses 'yon ni krae.

Nilingon ko siya at seryoso na naman ang tingin niya sa akin, napalingon naman ako sa likuran niya ng makita si kyrie doon na nakikipag-usap kay elena. Nilingon ko pabalik si krae at tinanguan.

"Thank you," untas ko na tinanguan niya at umupo na sa upuan niya. Pinanuod niya lang ako habang nilalagyan ko ng band aid ang mga sugat sa paa ko, ngunit naputol lang iyon ng tinawag siya ni kyrie para sumayaw sa gitna. Hindi ko alam kong anong meron pero sobrang laki ng ngiti ni kyrie ngayon, tila ba mayroong magandang nangyari ngayong gabi, dahil kanina ay halos hindi naman siya nakangiti.

Kraeston POV

Hindi ko maalis ang tingin ko sa kanya habang dahan-dahan kaming sumasayaw dito sa dancefloor, pakiramdam ko ay sobrang tagal ko siyang hindi nakita dahil ngayon nalang ulit kami naging ganito ka lapit at parang ayaw ko ng matapos pa 'to. Agad na nanuot sa pang-amoy ko ang pabango niya at parang ayaw ko na siyang bitawan pa.

Tahimik lang kaming dalawa ni zaiynx at paminsan-minsan ay iniiwas niya ang tingin sa akin na para siyang naiilang sa sobrang lapit namin at gusto kong ngumiti sa hindi malamang dahilan. Nang matapos ang sayaw namin ay bumalik na kami sa dating partner namin. Kyrie smiled widely at me.

"I have something to tell you krae," she said as I put my hands around her waist.

"What is it?"

Lumapit siya ng konti sa akin at hinalikan ako sa labi bago bumulong."I am now allowing you to court me,"she whispered.

Natigilan ako sandali.

Wait... Am i hearing it right?

Pero....

Napatingin ako kay kyrie na hinihintay ang magiging reaksyon ko.

Ngunit bakit parang hindi ako nakakaramdam ng saya o excitement? What the heck is happening to me? Diba hinihintay ko 'to?

"R-really?" I asked with amusement.

Ngumiti siya ng malapad at paulit-ulit na tumango."yes!"at niyakap ako kaya niyakap ko siya pabalik, ngunit ang mas nakapagpatigil sa akin ay ang sinabi niya.

"I know that you're kinda confused right now krae, because of that certain someone but I won't let her win, you're mine since day one and you're still gonna be mine until now."

"What? What do you mean, ky?"

"No one can replace me in your heart krae, always remember that."

"I don't understand you," untas ko.

THE KRYPTON'S LOVE Where stories live. Discover now