KABANATA 15

574 34 1
                                    

Zaiynx POV

"Angelo sumagot ka! Totoo ba ang mga narinig namin ngayon lang?! Totoo ba ang lahat ng sinabi ni Yaya edith?! Gelo! Putangina!" umalingawngaw ang sigaw ni Vaughn sa buong mansion."kapatid ka na...min..."bumagsak ang kanyang boses."b-bakit? Ayokong maniwala gelo pero hindi ako maloloko ng boses ni yaya edith..."

"What the fuck! Ang gulo! Tangina!"

"Totoo bang mag kapatid talaga kayong tatlo?!"

Nag pumiglas si angelo kaya binitawan ko na siya. Galit niya akong hinarap at sinakal."Putangina mo zaiynx! Lahat ng paraan ay ginawa ko na para walang makalap na impormasyon tungkol sa nakaraan ko pero nakuha mo pa talagang makalusot! Mukhang mali nga ata ako ng binangga! Tangina! Sinira mo ang mga plano ko, bwiset ka!"asik niya.

There.

"Angelo! Putangina!" asik ni Vaughn at sinugod si angelo at sinuntok sa mukha, agad na umawat ang lahat.

Ngunit si angelo ay ngumisi lang pag katapos idura ang dugo galing sa bibig. Sobrang laki ang ngisi niya habang nakatingin kay Vaughn sa dilim at bigla nalang siyang tumawa ng malakas."bwiset! Ang plano ko ay kayong dalawa ni zaiynx ang magpatayan e dahil sigurado akong ikaw ang matatalo! Pero talagang matinik ang gaga at nagawa pang makakuha ng impormasyon tungkol sa akin! Patay na si heran kaya dapat ikaw na ang sumunod!"tawa niya ng malakas."Wala na rin naman akong takas e kaya sige! Oo! Ako! Ako ang pumatay sa kapatid natin!"

Napahilamos si Vaughn sa mukha niya at narinig nalang namin ang pag-iyak niya."putangina! H-hindi ko alam! Wala akong alam! May i-isa pa pala akong kapatid!"

Tumawa si Angelo."Ang lahat ng narinig ni 'yo kanina ay totoo! Oo! Ama ko ang walang silbing si Arthur! Naging kabit niya ang nanay ko at hindi kami pinanindigan kaya naman nag hirap kami hanggang sa namatay ang nanay ko ng dahil sa ka gaguhan ng ama ni 'yong dalawa ni heran!"at dinuro si Vaughn. "At kayong dalawa! Sobrang sarap ng buhay ni 'yo! Nakatira kayo sa isang mansion at masarap palagi ang kinakain, e ako?! Halos wala kaming makain! Hindi lang naman kayo ang anak ah! At mas lalong hindi ko hiniling ang maging anak ng isang putanginang ferrer!"tumawa siya ng malakas, namumula narin ang mga mata niya.

"Kaya sinabi ko sa sarili kong hindi ako magkakaroon ng maganda at malayang buhay hanggang nandito pa kayo! Kaya naman ako na mismo ang uubos sa lahi ninyo! Gusto kong patay ng dahan-dahan si Arthur!"

"Angelo! Pre! Tangina! Pinatay mo si heran?!" Lumapit si red at tinutukan ng baril si angelo at akmang pipihitin ang gatilyo ngunit hindi iyon natuloy ng ipakita ni angelo kong ano ang hawak niya.

Isa itong bomba at isang pindot lang ay agad itong sasabog.

"Subukan niyo at sabay-sabay tayong mamamatay dito lahat!" Sigaw niya.

"Angelo,"tawag ni waze sa pangalan ni angelo, napapikit ako ng mariin ng marinig ulit ang boses niya."I won't forgive you for killing heran."

"Wala na akong pakealam waze! Kong papatayin mo ako ngayon ay isasama ko na kayong lahat!"

"Ginawa mo kaming tanga gelo! Tatlong taon na ang nakalipas at nakakasama lang pala namin araw-araw ang pumatay sa kaibigan namin! Putangina!" Asik ni red.

"Tinuring kitang kapatid angelo dahil naniwala ako sa 'yo! Naniwala ako sa lahat ng sinabi mo na tutulungan mo akong mag higanti sa pagkamatay ni heran! Ang bobo ko para maniwala sa taong totoong pumatay sa kanya!" si Vaughn.

Tumawa si Angelo."Simula noong pumasok ako sa Black Rebellion ay iyon na ang plano ko Vaughn! Parte lang kayong lahat sa plano ko!"

Tangina.

Alam ko kong ano ang pinagmumulan ng galit ni angelo ngunit hinding-hindi ko parin matatanggap ang ginawa niya. Walang kapatawaran 'yon. At mukhang tapos na ako dito, gusto ko ng umalis at puntahan si axe. Hindi ko na matagalan ang presensiya nilang lahat.

THE KRYPTON'S LOVE Where stories live. Discover now