KABANATA 16

520 35 0
                                    

Zaiynx POV

"Hello zan, saan kayong hospital? Kamusta si axelle? Okay lang ba siya?"tanong ko pagka sagot ni zander sa tawag ko.

"How about you? Are you okay? We're here at Diaz Hospital, and yes, axelle is okay, I am just waiting for her to wake up."

Nakahinga ako ng maluwag ng marinig ang sinabi ni zander.

"Thank you. Papunta na ako diyan zan, salamat talaga," untas ko.

"It's axelle that we are talking here so of course, no need to thank me, I am also glad that you're safe." Aniya. Nagpasalamat pa ako ulit bago ko ibinaba ang tawag at dumiretso na doon sa hospital.

Ni hindi ko na napansin na naka paa nalang pala ako kanina pa, ngunit mamaya ko na muna iisipin ang sarili ko, kailangan ko munang makita ng personal si axelle. Pagkalabas ko sa parking lot ng hospital ay bigla ko nalang nalanghap ang isang pamilyar na perfume at ang kasunod no'n ang ay ang boses niya.

"God. Heaven knows how fucking worried I am to you," bulong ni krae habang sobrang higpit na nakayakap sa akin."Para akong mababaliw kakaisip kong nasaan ka zaiynx, binabaliw mo 'ko."

Biglang nag init ang gilid ng mga mata ko at para bang hinahaplos ang puso ko ng dahil sa yakap niya, ni hindi ko namalayang kusa nalang yumakap pabalik ang mga kamay ko."Salamat. Salamat sa lahat krae dahil tapos na, mabibigyan na ng hustisya si heran at dahil 'yon sa 'yo kaya salamat. Sobrang salamat."niyakap ko siya ng mahigpit.

"Please don't do it again. Iyong magdedesisyon kang ikaw lang mag-isa. It's driving me crazy zaiynx. You got me, okay?" Aniya.

Tumango ako.

"May masakit ba sa 'yo? May sugat ka ba? What happened between you and Black Rebellion?" sunod sunod tanong niya kaya bumitaw ako sa yakap at hinarap siya.

"Ipinarinig ko sa kanila ang voice record na ginawa natin noong nakausap natin si Editha kaya naniwala sila at si Angelo narin mismo ang bumigay at inamin na ang kasalanan niya."

Tumango siya."but your house, wala ng halos natira dahil sobrang dali lang kumalat ng apoy."

Napabuntong-hininga ako."hahanap nalang kami ng matutuluyan ni axelle."

Tumango ulit siya at biglang hinubad ang suot na jacket at isinuot ito sa akin."Sabay na tayong pumasok sa loob,"aniya kaya tumango ako at sumunod na.

Si krae na ang nag tanong kong nasaan ang room ni axelle at noong ibinigay ng nurse ay pumunta na kami doon. At pagpasok namin ay ang lahat ng kaibigan namin ang sumalubong. Agad rin akong nakatanggap ng yakap galing kay brazen.

"Zaiynx! Anong nangyari?! Kanino ka may atraso?! Sino ang gumawa ng pagsabog na 'yon sa bahay ni'yo?! Tangina! Sobrang nag-alala ako ng matanggap ko ang tawag ni zander zaiynx! Mabuti nalang talaga at hindi malala ang nangyari sainyong dalawa! Lalo na kay axelle!" naiiyak na untas niya."at saan ka ba nanggaling?! Sobrang gusot ng damit mo!"

Niyakap ko siya pabalik."ang black rebellion braze."bulong ko kaya natigilan siya."sila ang gumawa no'n kaya pinuntahan ko sila para matapos na."

"Ano? Bakit? Diba ay matagal na kayong walang koneksiyon? Anong kailan nila? At bakit kailangan umabot sa gano'n?"

Bumitaw ako sa yakap at agad na dumako ang tingin ko kay axelle na mahimbing na natutulog at mayroong benda ang ulo."titingnan ko muna si axe at mag-uusap tayong dalawa sa labas," untas ko at lumapit kay axelle.

Naiiyak ako habang tinitingnan ang lagay niya kahit pa sinabi na ni zander na okay na siya. Galit ako sa sarili ko dahil nadamay pa si axelle kahit na wala naman siyang kinalaman sa problema ko. Talagang hindi ko mapapatawad ang sarili ko at lalong-lalo na ang Black Rebellion kapag may nangyari talagang masama sa kanya. Gusto kong humingi ng tawad ng paulit-ulit kapag nagising na si axe.

THE KRYPTON'S LOVE Where stories live. Discover now