Hahakbang na sana ako paalis ng maramdaman ko nalang ang pag daan ng hangin sa gilid ko at ang kasunod na nangyari ay isang malakas na pag sabog at pag yakap ng isang katawan sa akin.

"Get down everyone!"sigaw ni red.

Agad kong nalanghap ang kanyang pamilyar na amoy."stein..."tawag niya sa pangalan ko.

Nag sitayuan ang lahat ng balahibo sa batok ko ng marinig ko ang bulong niya."I'm sorry.."

Doon ko lang narealize ang lahat ng makita ko ang nasusunog na mansion. Pinindot ni angelo ang hawak na bomba at mabilis itong inagaw ni waze at itinapon sa labas ng mansion ngunit malakas parin ang naging impact nito sa loob, nilingon ko naman si angelo na ngayon ay duguan na ang ulo at naka handcuff na.

Hindi ako nakagalaw kaagad ng ang mukha ni waze ang bumungad sa akin, nag tama ang mga mata namin at sobrang awkward ng posisyon namin ngayon dahil nasa itaas ko siya kaya naman agad ko siyang tinulak at tumayo, tinakbo ko ang pagitan ng pintuan ng mansion at agad na pumasok sa kotse ni axe at pinaharurot ito paalis.

Sobrang taas ng pag hinga ko. Hinigpitan ko ang hawak sa manibela ng bigla nalang pumasok sa isipan ko ang lahat.

-flashback~

"Nasaan si waze? Nandito ba siya?" tanong ko kina red na nakaupo sa labas Black rebellion mansion at nandoon silang lahat.

"Nasa loob zaiynx!"

"Okay, thank you!" Untas ko at agad na pumasok.

Gusto kong makausap si Waze ng maayos dahil ilang linggo narin na wala kaming maayos na komunikasyon at palagi pa siyang wala dito sa mansion, hindi ko alam kong ano ang pinagkaka-busy-han niya at gusto kong malaman kong ano 'yon. At kahit na gusto kong e deny ay napapansin kong parang lumalayo ang loob niya sa akin na para bang may ginawa akong kasalanan sa kanya. Hindi na niya ako tinatawagan kapag gabi at hindi niya na rin ako pinupunantahan e hindi naman siya ganito dati, pati mga ginagawa niya sa araw-ayaw ay sinasabi niya sa akin pero ngayon ay hindi na. Parang may mali talaga dahil pati sina red ay minsan parang iniiwasan ako.

Nang makarating ako sa harap ng opisina niya ay kumatok muna ako ng tatlong beses at baka may ginagawa siya ngunit sumagot rin naman siya pagkatapos ng tatlong katok.

"Pasok."

Pumasok ako sa loob at naglakad patungo sa kanya, nakita ko pa kong paanong nanlaki ang mga mata niya ng dahil sa sobrang gulat ng makita ako.

"Kamusta ka, waze?" tanong ko habang nakangiti.

Hindi kaagad nakabawi si waze sa sobrang pagkagulat niya kaya pinitik ko ng mahina ang noo niya."huy!"

Mukha siyang natauhan dahil doon kaya tumikhim siya at umilag ng konti."okay lang, ikaw ba?"tanong niya.

Napanguso ako ng mapansin kong parang wala siyang maayos na tulog dahil medyo halata na ang eye bags niya sa ilalim ng mata.

"Ayos ka lang ba talaga? Bakit parang may hindi ka sinasabi sa akin? Napapansin kong lumalayo ka sa akin ah, mag-iisang buwan narin, may problema ba? Eh, hindi ka naman ganyan dati," diretsahan kong tanong dahil nararamdaman kong parang ayaw niyang nandito ako.

Tumitig siya sa akin at bigla akong nakaramdam ng lamig doon. Matagal siya bago nagsalita at noong nagsalita siya ay natigilan ako.

"Stein, I'm tired."

Kumunot ang noo ko."bakit? Anong meron? Kong pagod ka ay pwede ka namang matulog muna, ano ba ang ginagawa mo? Pwede ko bang malaman?"

Pumikit siya ng mariin at napahilot sa sintido niya."stein..."parang hirap na hirap siyang sabihin.

THE KRYPTON'S LOVE Where stories live. Discover now