"Thank you ma'am." Sagot ko.

Lumawak ang ngiti niya."kayo ba ay mag nobyo at nobya?"

"Magkaibigan lang po kami," sagot ko kaagad at narinig ko ang tawa ni krae sa gilid ko.

Agad na nawala ang ngiti ng matanda."totoo ba iyon hijo? Aba't sayang naman at ang bagay ninyo sa isa't-isa! Wala ka bang balak na nilagawan ang magandang babae na ito?"turo niya sa akin.

"May hinihintay na po akong ligawan, ma'am," sagot naman niya at bigla ko nalang naramdaman na sumikip sandali ang dibdib ko. Tangina ano 'yon?! Bakit parang disappointed ako?! Para bang may inaasahan akong ibang sagot! Tangina! Umiling ako at kulang nalang ay sampalin ko ang sarili!

"Gano'n ba," nilingon ulit ako ng matanda."e ikaw, may nobyo ka na ba hija?"

Umiling ako at sumilay ulit ang ngiti sa mga labi niya."pwede mo bang ibigay sandali sa akin ang kamay mo hija?"

Nagtaka ako sa sinabi niya ngunit sa huli ay tumango ako dahil nakalahad na ang mga kamay niya.

"Hmm... Ilang taon na rin ng huli akong makapag basa ng isang palad."

Ano? Anong nakakabasa?!

Sabay kaming nagulat ni krae ng biglang tumawa ang matanda."Napaka komplekado,"aniya at binitawan ang kamay ko.

"Po?" Takang tanong ko. Anong nabasa niya?

"Kumain na muna kayo at baka napagod kayo sa byahe ni'yo," naputol ang usapan namin ng biglang dumating si Mitch at nag lahad ng pagkain.

"Salamat," sagot ko.

"You're welcome," at nilingon ang ina niya."maiwan ko na muna kayo ma para makapag-usap kayo ng maayos."aniya at tumango naman ito.

At ngayon ay bigla nalang sumeryoso ang paligid.

"Uhm... Apologise ma'am but I will be straight to the point, kong ano talaga ang ipinunta namin dito," panimula ni krae at hindi ko mapigilang mapahawak sa kamay niya na nakatabi sa akin para pigilan siya sa diretsahang tanong niya! Parang mali naman atang tatanungin namin siya kaagad tungkol kay angelo lalo na at kakarating palang namin."about Michael Angelo Ramos, anong pong alam ni 'yo? Bakit po bigla nalang kayong umiyak noong sinabi ko ang pangalan niya?"napapikit ako ng mariin sa walang pag-aalinlangang tanong niya, at bigla ko nalang ring naramdaman na pinagsalikop niya ang kamay namin.

Nakita ko namang biglang lumungkot ang mukha ng matanda."Si Angelo... Ang batang iyon..."aniya habang nakatingin sa kawalan na tila ba iniisip ang buong nangyari noon.

Napaiktad ako ng biglang paglaruan ni krae ang mga daliri ko habang mag kawahak parin ang kamay namin. Para rin siyang kinakabahan sa magiging sagot ng matanda.

"Alam ko ang dahilan kong bakit gusto ninyong malaman ang nakaraan ng batang iyon..." Nilingon niya kami."At h-hindi ko na maatim na ilihim ito habang buhay! Lalo na ngayon na hindi na magtatagal ang buhay ko dahil matanda na ako,"nangilid ang mga luha niya, napakagat ako sa pang-ibabang labi ko at walang nagsalita ni isa sa amin ni krae.

"Matagal na akong nagtatrabaho sa mga Ferrer biglang katulong, ang buong buhay ko ay halos umikot na lamang sa pagsisilbi sa kanilang pamilya, ako na rin ang nag palaki at tumayo bilang ikalawang ina ni Arthur..." Umiiyak na siya ngayon."Ang lahat ng mga sekreto niya ay alam ko... Kasama naroon ang pagkakaroon niya ng kerida at pagkakabuo ng kanilang nagawang kasalanan..."

Natigilan ako sa mga narinig. Ang lahat ng mga impormasyon na nakuha namin ni krae ay totoo.

"At ang batang iyon! Hindi niya ginampanan ang kasalanang siya naman ang gumawa! Naging duwag siya sa pagharap sa isang responsibilidad at sa takot na malaman ito ng kaniyang mga magulang kaya hindi niya inako ang anak niya sa kanyang kerida at pinalayas pa ito," untas niya sa pagitan ng hikbi."Nagalit ako... Galit na galit ako noong sinabi niya ang lahat sa akin kaya naman pinuntahan ko ang mag-ina at tinulungan si Angelina hanggang siya ay manganak. Pinalaki niya si Angelo ng siya lamang mag-isa ngunit ng dahil sa sobrang pagtatrabaho ay nabugbog ang katawan niya hanggang sa tumuntong si angelo ng walong taon ay nawala ang kanyang ina. Kinuha ko ang kawawang bata at pinalaki ngunit habang lumalaki siya at nalalaman ang katotohanan ay unti-unti siyang nagrerebelde at puro galit na lamang ang nasa puso para sa mga Ferrer."

THE KRYPTON'S LOVE Where stories live. Discover now