Just me and Gremory on a world full of changes.. I pray for God to let me end with the man I think I deserve.. It's Gremory.

____________

Naabutan ko si mama Karina sa salas abalang nag-aayos ng mga gamit. Napalingon ito ng makita ako sa hamba, “oh? Kumusta ang sleep over niyo anak?” She asked and tend me.  A guilt wash over me.. “Nag-enjoy ka naman ba?” Isang tango lamang ang naibigay ko dahil sa nagwawala kong konsensya..

Inilibot ko ang paningin naroon pa rin ang dalawang bag na may lamang mga damit at iba pang mga bagay. “A-Aalis ka ma?” Nag-aalangan kong tanong. May charity works na naman ba siya? Kung oo, ibig sabihin ay maiiwan na naman akong mag-isa at pwede ulit akong mamalagi sa apartment ni Gremory..

Masuyo siyang tumango. “Gusto mo bang sumama? Dadalawin ko kasi ang mama mo sa hospital baka... B-Baka may progress na ang tagal niya na ring naka admit doon.. S-Sana lang ay gumising na siya para magkasama na kayong dalawa.. ulit,” punong-puno ng senseridad ang mga salita ni mama kaya hindi ko napigilang yakapin siya ng mahigpit.

“Ikaw ba ni minsan hindi mo hinanap ang mga magulang mo?” Tanong ko kay Galatea habang naglalakad kami papuntang palengke. Aksidente lang ang pagkikita namin at ayon habang naglalakad ay nagkwentuhan na.

Natigilan ito, “syempre hinahanap. Sino ba namang batang hindi maghahangad na mahanap sila?”

“Kung papipiliin ka.. Sasama ka ba sakanila o mananatili ka sa umampon sa iyo?”

“Bakit kailangang pumili?” Doon ay ako naman ang natigilan. Oo nga naman bakit kailangan? “Kung buhay sila hahanapin nila ako.. Sana.. Hinahanap nila ako.. ” Bakas ang lungkot sa boses niya bigla tuloy akomg nakaramdam ng kung ano sa aking loob. Ano ba iyan Dorothy! “Pero pinatingin ako sa espisyalita ni Papa Ganda kasi nitong mga nakaraang araw panay ang rinig ko sa boses ng babae..”

“Baka magulang mo iyon? Ano bang naririnig mo?”

Tumango si Galatea. “Run anak, run.. Mga ganoon ang sabi ng doktor ay dulot ito ng trauma siguro raw ay may nangyari sa akin noon.. Kaya nga nagdadasal ako na sana hanapin nila ako kung sakali o mas mabuting hinanap ba nila ako.. Masaya ako sa piling ni Papa Ganda walang panahong hindi niya ipinaramdam na anak niya ako.. He even spoils me so much na kahit bente pesos nalang ang nasa pitaka niya’ ibibigay pa nito sa akin... I just love my Papa Ganda.. Kaya ayaw kong pumili. Gusto ko silang makasama pero syempre ganoon din ang papa ko.”

May point. Papa Ganda doted Galatea so much that he even work overboard to find a job to sustain Galatea’s need. Tuwing may program din sa school na kasama si Galatea ay hindi nito hinahayaang mahuli ang anak niya. “Ganoon din siguro ang magiging desisyon ko. Kasi alam mo ba kaibigan ng mga magulang ko ang nag-aalaga sa akin ngayon. Comatose kasi si mama habang si Papa patay na. Minsan gusto ko nalang ‘wag nang mahirapan si mama ss sitwasyon niya. Pangit man pakinggan pero minsan gusto ko nalang tanggalin lahat ng aparatos na nakakabit sakanya..”

“I’m sorry to hear that..”

“Alam mo iyon ang tagal na niyang panahong nakaratay sa hospital bed sa tiyansa ko’y brain dead na si mama.. Dalangin ko pa namang makasama siya pero kung ganito nalang din na nakikita ko siyang nahihirapan mas mabuti ng magpahinga na lamang siya.. Iyong mga kamag-anak ko kasi..” Natawa ako ng mapait. “Walang pakielam sa akin kaya ayan tuloy sa hindi ko pa kadugo ang nag-aaruga sa akin..”

Sitio Series 3: Scheming List  Where stories live. Discover now