Natapon ang kinakain kong chocolate na bigay ni Feitan kanina ng biglang may bumangga sa aking balikat. Nakataas kilay ko itong tinignan,“oh, Dorothy.” Matalim ang ibinibigay nitong mga tingin. Ano na namang problema niya? “Tao pala akala ko basura. Sorry my bad hindi kita nakita kaya nabangga.” Nagtawanan sila.

Nagkibit balikat na lamang ako sa drama ni Stacy. “Ang tanga mo naman kung ganoon.” Sambit ko.

“Anong sabi mo?!” Sigaw niya.

“Nakaupo ako rito sa may bench nakaupo tapos hindi mo nakita kaya nabangga? Anong klaseng mata iyan?” Binigyan ko siya ng mapanuyang ngiti pasensya na Stacy hindi ngayon. Masaya ang araw ko.

Akala ko’y mag-eeskandalo ito katulad noon ngunit inis siyang tumalikod habang inusal ang mga salita nito. “Bitch! Manang-mana ka sa kaibigan mo!”

Mukhang nasampolan na naman siya ng bagsik ni Deiry kaya heto’t naghihimutok na naman. O baka nalaman ni Deiry iyong ikinulong ako ng mga alipores ni Stacy sa room? Paano? Sinabi ni Gremory?

Malabo..

Oo malabo kasi hindi sila magkasundo simula pa noong una. Aburido si Deiry kay Gremory na para bang kulang nalang ay magtapon siya ng granada para lang mawala sa paningin niya ang lalaki.

Naningkit ang aking mata ng makita sa hindi kalayuan si Deiry.. Speaking of the witch! May hawak itong flower bouquet na kaagaw-agaw pansin bahagya siyang namumula habang nakasunod sakanyang likod si Rossweisse na sa tingin ko’t sumisipol-sipol. Halata kasing maligaya ang lalaki dahil bawat estudyanteng nadadaanan nila’y binabati o kinakawayan.

Iyan ba ang epekto ng lovelife?

Naroon din ang naghaharutang si Xerxes at Galatea. Inaayusan ni Xerxes ang babae habang nakakunot noo ito. Ang swerte naman nila sa isa't isa, mabait si Xerxes ganoon din si Galatea.

Sana all PDA!

Akala ko sa pagpupuyat ako mamatay sa inggit pala. Grabe matutuluyan ata ako ng maaga kapag nagtambay pa ako dito sa bench, kitang-kita ko ang bawat harutan ng mga estudyante sa paligid! Tatayo na sana ako para pumasok sa classroom nang senyasan ako ng teacher namin sa Physical Science na manood sa may gym.

Masuyo akong tumango at sumunod sino ba ang magpeperform? The crowd is wild banging their heads. Si Stacy pala at mga kaklase nito ang kumakanta maliban sa pagiging inggitera at kontrabida masasabi kong may talento si Stacy sa pagkanta. Buti pa siya’y may lakas ng loob.

Ako kasi bago pa man kumanta sari-saring negatibong komento na ang natatanggap na imbes matuto ay nahihila pababa.

“––Thank you!” Ani Stacy pagkatapos kumanta pumalakpak naman ako, cuz why not? Kahit na nuknukan ang kasamaan niya sa akin feeling ko deserve niya naman palakpakan dahil ang galing nitong nag perform. “At may estudyante raw na gustong kumanta! Aba’y bakit ka sumasapaw?” Pabiro niyang sabi. “Come on the stage Dorothy hindi ba’t gusto mong magpasikat? It's your time to shine!”Gumapang ang kaba sa buong sistema ko ng ituro ako ni Stacy.

Napayuko ako ng magsimula ng magkatyawan ang mga kaklase, paniguradong mapapahiya na naman ako. Hindi ito ang unang beses dahil mula noon lagi akong nabubully dumalang na nga lang dahil kay Deiry simula ng maging kaibigan ko siya.

Nagtawanan ang lahat..  “Oh, 'di ba magaling ka kumanta Miss Felipe? Bakit hindi ka kumanta ngayon?” She said mockingly. “Pangarap kong maging singer..” Pangagaya nito sa sinabi ko noong recitation gusto kong umiyak ng magsimula ng lumakas ang ingay sapilitan akong pinapunta sa harapan ng stage kung saan na roon ang banda.

Sitio Series 3: Scheming List  Where stories live. Discover now