Chapter 15

79 0 0
                                    

Tahimik akong pinagmamasdan ni Manchester habang tahimik din na kumakain. Wala yata siyang balak na kumain dahil iisa lang ang styrofoam na linabas niya.

"You don't want to eat?" I asked. Huminga siya ng malalim at uminom lang sa tumbler niya. Umiling siya.

"I bought that just for you. May practice din kami so later na siguro ako kakain." Aniya.

Napatango nalang ako at hinayaan siya na tignan ako. He said, I need to finish this all para mabusog daw ako at para hindi na siya mamroblema sa akin mamaya. I said sorry for being stubborn. Inaantok na talaga ako kagabi.

"Is that okay if I leave you here? Our practice will start in a few minutes." Tinignan niya ang relo niya.

"Yeah don't worry about me. Lalabas din ako kapag makatapos na ako." I said and continue to eat.

2 minutes pa siyang nanatili sa loob ng stock room. Hindi siya umalis hangga't hindi nangangalahati ang kinain ko. Iniwan niya ako sa loob ng stock room, saka ko din binilisan ang pagkain dahil natatakot ako sa loob. Especially when I saw the large boxes in the dark corner of the stock room. I don't know what's behind of it kaya binilisan ko na talaga ang pagkain ko.

Sinara ko yung stock room pagkatapos kong ayusin yun sa loob. Ginilid ko lang dalawang monoblocks and I threw the styrofoam to the nearest trash bin that I saw. Naglakad ako papunta sa benches at umupo do'n. Seryoso nga sila sa practice nila. Sila-sila lang ang naglalaban-laban dahil practice palang naman. Hindi magkakampi ang apat na Bongiovanni. Maldives and Manchester ay nasa kabilang team at sina Manhattan at Maplewood ay magkakampi.

Maplewood is the best player, I guess. Halata nga sa kilos. The other three are the best naman but hindi sila magaling like Maplewood. Si Maplewood talaga ang talagang may passion sa basketball. Siya kasi ang mahilig talaga maglaro. Almost everyday he was playing that game. Kahit sa bahay man o sa kanila.

All of the sudden, their teammate jerked his direction at me then kinalabit si Manchester. Napatapon ng tingin si Manchester sa banda ko. I nodded at him at tinukso naman siya ng mga kasama niya. Ngumisi lang si Manchester at balik na ulit sa laro.

Honestly speaking, ako talaga ang nahihirapan sa kanila habang naglalaro. During that long practice ay hindi ko maiwasan na mapaisip kung nasasaktan ba sila sa laro. Dati noong season last year ay umuwi si Manchester na may bandages at sugat sa gilid ng labi.

9:00 natapos ang practice nila. Kinuha ni Manchester ang bag niya sa akin dahil dinala ko ito. Naiwan niya sa stock room kanina. Baka may kumuha pa sa duffle bag niya.

"Bakit mo kinuha 'to? This is so heavy you know."

"Baka may magnakaw. Thieves are all over you know." I mimicked his last two words.

Napasuklay siya sa buhok niya and his lips stretched a bit. Hindi ko alam kung smile ba yun o smirk. Pinacheck ko sa kanya kung kompleto ba ang gamit niya. Baka may naiwan siya na gamit. May kinuha lang siya sa locker room nila at bumalik din agad.

Si Manhattan ay lumapit naman sa akin para manghingi ng tubig kay Manchester. Binigay ko sa kanya ang tumbler ni Manchester. Nakasimangot naman si Manchester habang tinititigan ang kambal. His brother gave him a middle finger. Siniko naman ni Manchester si Manhattan.

Umuwi na kami ni Manchester. Akala ko ay ihahatid niya pa ang kanyang mga kapatid. I forgot na may sarili pala silang mga sasakyan.

Sa bahay ay sabay kaming umakyat ni Manchester sa kanya-kanya naming kwarto. Naligo ako dahil pinagpawisan ako kanina sa court. Mainit kasi doon. Paglabas ko ng banyo ay naabutan ko si Manchester sa loob ng kwarto ko. I don't know what's he doing in my room. Mabuti nalang at hindi ko ugali na magbihis sa tabi ng kama ko. I already changed my uniform into my simple sleeping wear. Hindi ako nagpapajama dahil hindi ako sanay. Minsan ay yung jogging pants ko nalang ang ginagawa kong pantulog dahil makapal pa siya kaysa sa literal na pajama.

How You Hate Me Like ThatWhere stories live. Discover now