Chapter 09

88 3 0
                                    

I chose a white satin dress and a gladiator sandals. Bumuntong-hininga ako habang pinagmamasdan ang sarili sa harap ng salamin. I didn't have an extra time to chose another dahil malapit ng gumabi. We will going to Bongiovanni's manor by 6pm.

Sinuklay ko lang ang buhok ko. I liked how my hair bounced on my shoulders. Pantay ang pagkakagupit ni Manchester. Talagang sakto lang talaga. Pwede na siyang magpatayo ng barbershop dito sa bahay.

Lumingon ako sa pinto. There's Manchester standing on my doorstep. Ang casual ng suot niya pero ang formal niyang tignan. Ganyan lang talaga siya kapag may okasyon na pinupuntahan. Kahit pambahay lang ang suot ay ang formal niya pa ring tignan.

"Ayaw ko talagang sumama Manchester." This was the third time na sinabi ko sa kanya na ayaw kong sumama.

Hindi maganda ang loob ko sa dinner na ito. Si Manchester lang naman ang dapat na pumunta do'n dahil siya ang pamilya at hindi ako.

Huminga ng malalim si Manchester. Pumasok siya sa loob ng kwarto. Pinasadahan ang suot ko. I clenched my hand on my dress. Hindi yata maganda ang suot ko ngayon.

"That dress is too short for you. Wala ka bang ibang dress?" Napatanga ako sa tanong niya.

"Mayroon pa pero ito lang ang hindi ko nasusuot pa." Sabi ko.

Nasa may hita ko lang ang dress ko. Naiiksihan ako sa dress na ito pero ito nalang ang hindi ko nasusuot dahil ang dami ko pang mga dress sa loob ng closet ko.

Kumapit ako sa hem at binaba-baba ito para hindi umangat.

"Let's go." Inakbayan niya ako para makalabas kami. "Hindi tayo magtatagal do'n." Tumango ako pero hindi pa rin ako kampante dahil pamilya niya yun e. Pagdating sa akin ay ang pangit ng kanilang tingin.

We arrived in Bongiovanni mansion. The light coming from inside of their manor awaken the monster inside of my head. It's the anxiety and depression. Pumapaloob na naman ang takot sa dibdib ko dahil sa bahay na ito.

Kumapit ako sa dress ko nang makalabas na kami sa kotse. Binati agad kami ng security guard nila. May anim na mga kotse ang nakaparada sa labas. Hindi ko alam kung kanino pero alam ko na may nauna na sa amin. Hinanda ko na ang sarili ko sa kung ano man ang sasabihin ng kamag-anak ni Manchester.

Pagpasok namin sa loob ng engrandeng mansion ay nakita ko agad si Manang Ephie. Nagulat siya nang makita ako. Agad niyang linapitan si Manchester.

"Nandito ang Aunty Perrie mo. Alam mo naman ang bunganga nun. Kapag makita itong si Serra ay magiging mabigat ang dinner niyo. Sasama lang ang loob mo sa Aunty mo." Natatarantang sabi ni Manang. Hinawakan ang siko ko at hinila papunta sa kanya.

I looked at Manchester.

" I told you I'm not coming." Mahina kong sabi sa kanya.

Huminga siya ng malalim at nagtiim-bagang. "I'm sorry Serra." Tumingin siya kay Manang at inagaw ako mula kay Manang. "But I will defend her. Hindi ko siya pababayaan."

Manang gasped. Hindi inaasahan na sasabihin yun ni Manchester. I knew Manchester will defend me from his family's indignation towards me. Nasa entrance palang kami ng grand dining area nang kanilang mansion ay nanlamig na agad ang kamay ko. Nandun na lahat ang kanyang pamilya. Si Manchester nalang yata ang hinihintay.

Masaya silang nagku-kwentuhan pero nang mabaling ang tingin nila sa amin ay natigilan sila.

"Hey Manchester you're late-" Sigaw ni Maple. His jaw dropped when he saw me. Kung ano man ang mangyari ay bahala na. Sasaluhin ko nalang kung ano ang sasabihin ng ibang kamag-anak ni Manchester. Ganun naman kasi yun dati pa.

How You Hate Me Like ThatWhere stories live. Discover now