Chapter 30: Betrayal

8 2 1
                                    

Chapter 30: Betrayal

3rd's Person's POV

"T-trix?" gulat na tawag ni Adrianna na ikinangiti at ikinataas ng kilay ni Trix, "Buhay ka?" hindi makapaniwalang tanong niya

"Surprise b*tch" ngising saad ni Trix at pinahaba ang kuko niya, "Marami ka pang kailangang bayaran na utang sa'kin Adrianna" bahagya siyang napaatras sa takot

"Patay ka na dapat, hindi pwede 'to!" sigaw niya at pinailaw ang isang pulang bato dahilan para pumunta ang ibang mga paniki at guluhin si Trix

"Hayaan mong pagpyestahan ka ng mga alaga ko" saad ni Adrianna at malakas na tumawa, pumikit si Haven at hinawakan ang kwintas dahilan para lumipat kay Adrianna ang mga paniki

"What the f*ck?" tanong niya at muling pinailaw ang bato ngunit hindi magawang atakihin ng mga paniki si Haven at Trix

"Mga paniki, kilalanin niyo ang totoo niyong reyna" sigaw ni Haven kaya agad na pumanig ang mga paniki sa Bloody Moonlight

~~

"Julia!" sigaw ni Nyx at hinatak ang buhok ni Julia, "Itabi mo, Hanna, Ako na. Tulungan mo nalang sila" ngiting saad ni Nyx na ikinasunod naman ni Hanna

"Bitawan mo ko!" ngumisi si Trix, "Pagkatapos ng lahat ng paghihirap ko dahil sa'yo? Sa tingin mo papakawalan pa kita ng buhay?" mas hinigpitan niya pa ang paghawak sa buhok nito

"Ah! Nyx!" sigaw niya na ikinangiti ni Nyx, "Kilalanin ninyo ang prinsesa ninyo!" sigaw ni Julia na ikinakunot ng noo ni Nyx

Agad silang pinalibutan ng mga kawal ng Bloody Midnight, "Ang reyna!" sigaw ng mga kawal ng Bloody Moonlight st kinalaban agad ang kawal ng kabilang panig

"Kahit anong gawin mo, tayo pa rin ang magtutuos sa huli Julia. Kailangan mong pagbayaran ang pagkuha ng buhay ni Heaven" huminga ng malalim ni Julia at hinawakan ang isang mahabang kahoy

Naglabas si Nyx ng isang kutsilyo, ayaw niyang mabilis na patayin si Julia. Gusto niyang magdusa siya, sumugod si Julia at inabaan siya ng saksak

Agad naman itong nahawakan ni Nyx at sinugatan ang hita ni Julia dahilan para mapaluhod ito. Itinapon ni Nyx ang kahoy na hawak nito

Hinatak ni Nyx ang buhok ni Julia na ikinadaing nito, "Takbo Julia" bulong nito at binitawan ang buhok niya, marahang tumayo si Julia habang namamasa ang pisngi

Agad na itinutok ni Nyx ang arrow sa likod ni Julia, akmang papanain niya na ito ngunit may tumamang kutsilyo sa braso niya

Natamaan din ng arrow ang balikat ni Julia, "T*ngina" mura ni Nyx na hinugot ang kutsilyo sa balikat niya, "Sierra? Buhay ka pa pala?" sarkastikong saad ni Nyx at tumawa

"Shut the f*ck up! I'm going to kill you" matapang na saad niya na ikinangisi ni Nyx, "Really? Do it b*tch" saad ni Nyx kaya agad sumugod si Sierra

Inilagan lang ni Nyx ang bawat amba ni Sierra ng kutsilyo, "Yon na 'yon?" tanong ni Nyx, kita niya ang pagngisi ni Seirra

"Ah!" sigaw niya nang bagsakan siya ni Julia ng isang malaking bato, sinugatan din ni Sierra ang pisngi ni Nyx kaya agad na umagos ang pulang likido galing dito

Nakadapa si Nyx sa lapag habang hawak hawak ni Julia ang buhok ni Nyx

"Hoy! Lumaban kayo ng patas!" sigaw ni Neli na ikinangiti ni Nyx, kasama niya ang mga kasamahan nila Nyx sa restaurant

Tumulong ang iba sa mga kasama ni Nyx samantalang lumapit si Neli kay Nyx, "Subukan mong lumapit" saad ni Sierra at itinutok ang baril kay Neli

"Hindi ako natatakot sa'yo Seirra" ngising saad ni Neli kaya agad siya lumuhod at itinutok ni Sierra ang baril sa ulo ni Nyx

Daylight Amulet (Complete)Where stories live. Discover now