Chapter 26: Anger

6 2 0
                                    

Chapter 26: Anger

Trix's POV

"Papanig na talaga tayo sa Bloody Moonlight?" tumango ako sakaniya, "Ofcourse, nandoon na ang anak ko. Anong pang hinihintay ko?"

"Are you sure we will win of we choose them?" I stopped walking and looked at him, "Ofcourse, we have all the power" kumunot ang noo niya

"Queen--" I cut his words, "I told you don't ever call me Queen when we're outside the palace" bumuntong hininga siya at tumango

"Queen, inaatake tayo ng Bloody Midnight" hingal na saad ng isang kaanig namin kaya agad kaming lumipad papunta sa palasyo

Agad akong bumagsak sa lupa nang makita ang mga bangkay ng kasama ko. "Adrianna!" sigaw ko, kusang tumulo ang luha ko

"Walang natira?" tanong ko na ikinalabas ng iba, mga bata ang pinrotektahan nila. Maraming namatay, iilan lang ang nakaligtas

"Kailangan na nating umalis, maghanda kayo" saad ko at pinunasan ang luha ko, mahigpit niyang hinawakan ang kamay ko

"Hindi mo kasalanan--" agad kong pinutol ang sasabihin niya at tumayo, "Ako si Trix Vergara, reyna ng Bloody Sunlight na hindi naprotektahan ang mga sinasakupan niya"

"Ngayon sabihin mo sa'kin, anong ginagawa ng isang reyna? Bakit nangyari 'to sa mga kakampi natin? Kahit saan angulo mo tignan, nagkulang ako bilang isang reyna"

Napayuko siya, "Huwag mo na akong dipensahan pa, maghanda na kayo"

~~

"Lubos kayong tinatanggap ng Bloody Moonlight, gawin niyo itong pangalawang tirahan niyo" ngiting saad ni Queen Haven na ikinayuko namin bilang pagpugay

"Lubos ang pasasalamat ng buong Bloody Sunlight, Queen Haven" ngiting saad ko, "May meeting mamaya, sasabihin ko sa buong Bloody Moonlight ang pagdating niyo" tumango naman kami

"Maraming salamat sa buong Bloody Moonlight" sabay sabay na saad nila at pumasok sa palasyo. "Trix--Queen Trix" ngiting saad niya at hinawakan ang kamay ko

"Alam ko 'yan" kumunot naman ang noo ko, "Iyang nararamdaman mo, mahirap maging isang reyna. Napakaraming responsibilidad" saad niya na ikinatango ko

"Pero miski ang isang reyna, nagkakamali din sa pagpili ng desisyon. Lalo na kung tao laban sa mga kasama mo ang pagpipilian" napatingin ako sakaniya

"Sabihin na nating kasalanan mo ang nangyari pero hindi ibig sabihin non na titigil ka na sa pagiging reyna. Gamitin natin ang pagkakamali natin sa patuloy na pagangat"

"Thank you, sobrang gumaan ang pakiramdam ko" ngiting saad ko at niyakap siya, "Ako muna ang pumalit kay Nyx, umalis muna sila ni Drake" kumunot ang noo ko

"Umalis? Saan naman pupunta ang mga 'yon?" tanong ko na ikinakibit balikat niya, "Hinayaan muna namin silang magpahinga bago magtakda ng gera"

"Kailangan nga talaga nila 'yon" tumango naman siya, "Matutuwa si Nyx kapag nalaman niyang tuluyan ka na pumanig sa'min" ngumiti naman ako

"Si Hanna" agad na sumeryoso ang mukha niya, "I don't want to hear anything about her" seryosong saad niya

"Bilang isang ina, baka pagsisihan mo kung hindi mo papakinggan ang sasabihin ko" kumunot ang noo niya, "Babalik si Hanna"

"Ano?!" gulat na tanong niya, "Nilinaw ni Nyx ang lahat habang nasa panig siya ng Bloody Midnight, sinabi ni Hanna na babalik siya kaya umaasa kami"

Kita ko ang pamumuo ng luha niya, "Talaga?" tumango ako at ngumiti, "Oo, kaya 'wag ka mawalan ng pag-asa" ngiting saad ko

"Malaki nanaman ang pasasalamat ko kay Nyx" saad niya at pinunasan ang luha niya

Daylight Amulet (Complete)Where stories live. Discover now