Chapter 28: Unity

10 2 0
                                    

Chapter 28: Unity

Michael's POV

"Mabuti naman nakapunta kayo dito, sigurado akong miss na miss na kayo nila Nyx" ngiting saad ni tita Haven na ikinangiti namin

"Nga pala, may ipapakilala din ako sainyo" saad niya at iniharap sa'min ang isang babae, "Siya si Trix, Trix Vergara" kita ko ang pagkagulat ni Susie

"Ano?" tanong niya na tila ba hindi makapaniwala, "Ako yung mama ni Nyx" ngiting saad niya na ikinagulat ko din, "T-teka, pano?"

"Mahabang paliwanag, ang importante buhay ako" sagot niya, "Tita, alam ba ni Nyx 'to?" tumango siya, "Oo, medyo matagal na din. Simula nung napahamak siya kay Archie"

All this time laging may nakabantay kay Nyx? Pero bakit hindi niya siya tinutulungan? "Lagi akong pinipigilan ng isang tao, hindi pa kami handa para makita ni Adrianna"

Tumango naman ako, kita niya siguro ang pagtatakha sa mukha ko. "Si tito?" yumuko naman siya, "Sadly, he sacrificed himself for me"

"Mama" ngiting bungad ni Nyx at hinalikan siya sa pisngi kasama si Drake, nakipag-beso din si Nyx kay tita Haven. "Susie" ngiting saad niya at niyakap si Susie

"Namiss kita! Bakit 'di mo sinabi sa'kin na buhay pala si tita?" tanong niya at ngumuso, "Sorry na, kahit si Drake late na nalaman"

"Ikaw...yung boyfriend ni Susie?" tanong ni tita Trix habang nakatingin sa'kin, tumango tango naman ako. "Opo, tita" ngumiti siya

"May tiwala ako sa'yo" ngiting saad niya na ikinangiti ko rin, siguro nakikita niya din kung paano ko pakitunguhan si Susie. "Nagtagumpay ba ang plano niyo?" ngumiti naman si Nyx

"Opo tita Haven, nakuha niya na po ang singsing" kumunot ang noo ko, "Singsing? Singsing po ni Drake?" tumango naman si tita Haven

"Peke 'yon, huwag na kayong magtanong pa kung paano kami nakagawa ng pekeng singsing. Ngayon, mas lalakas ang loob nilang sumugod sa'tin dahil sa singsing" napangiti naman ako

"Bloody Moonlight is lucky for having an intelligent queen" ngiting saad ni Drake at hinawakan ang kamay ni Nyx na ikinangiti niya din.

"We have something to show you, follow us" saad ni tita Trix at lumipad kaya agad din namin siyang sinundan, nakarating kami sa palasyo ng Bloody Moonlight

Dumiretso kami sa likod at nakita ang isang grupo na nagku-kwentuhan at nagtatawanan, "Ang reyna!" sigaw ng isa kaya agad silang tumayo at yumuko

"Iangat niyo na ang ulo niyo" ngiting saad ni tita Trix, reyna? Si tita Trix ang reyna nila? "Teka, tita. Reyna?" masaya siyang tumango

"Simula nung namatay si Nick, nagpasya akong gumawa ng grupo ng mga nakaligtas mula sa kamay ng Bloody Midnight at tinawag silang Bloody Sunlight" ngiting saad niya

"Kung alam niyo lang po kung gaano kabuting reyna si Queen Trix, mas gugustuhin niyo pong huwag na umalis sa panig niya" ngiting saad ng isa

"Tama na ang papuri, gusto kong ipakilala sainyo si Nyx. Siya ang reyna ng Bloody Moonlight, ang anak ko" agad silang yumuko

Agad kaming nakarinig ng bulungan dahil sa sinabi ni tita Trix, "Tama ang narinig niyo, siya ang anak ko" agad silang nagngitian

"Gaya ng sinabi niyo kanina, inaanyayahan ko kayong sumama sa Bloody Moonlight kasama ang reyna ninyo. Pinapangako namin ang kapayapaang hangad niyo"

Reynang reyna na ang pananalita no Nyx, kahit si Drake halata ang pagiging proud habang tinititigan si Nyx. "Lugod po naming tinatanggap ang inyong paanyaya" ngiting saad nila

Daylight Amulet (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon