Chapter 16: Drowned

5 2 0
                                    

Chapter 16: Drowned

Michael's POV

"Ah!" rinig kong sigaw ni sir Drake kaya agad akong napalabas ng banyo para tignan siya, "Ano nangyari sir?" agad na tanong ko

Nakahiga siya sa kama at hindi maipinta ang mukha, "I hate him" saad niya na ikinakunot ng noo ko, "Sino?" tanong ko at tinapos na paghihilamos ko

"That Archie, I don't even know why I hired him" mahina akong napatawa ngunit agad kong tinigilan matapos niya kong panlisikan ng mata

Ayoko pang mawalan ng trabaho, 'di pa pwede. "Because of his blood type?" sagot ko na hindi sigurado, isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan niya at hinagis ang sarili niya sa kama

"Should I bite him to death?" hindi ko na napigilan ang tawa ko, "Brutal Drake? Bumabalik ka na sa dati sir" saad ko at napatawa ulit

"Am I... being brutal when it comes to someone getting her attention?" napatango tango ako, "Oo naman, tignan mo nga ngayon. Simula nung dumating si Nyx hindi na malamig ang pakikitungo mo sa'min...at!" napakunot ang noo niya

"Ngumingiti at tumatawa ka na" ngiting saad ko na ikinahawi niya ng buhok niya, "Really?" tumango ako, "Everytime na tinitignan mo siya o iniisip mo siya, bigla bigla kang ngumingiti"

"Am I crazy?" napatawa ako muli at tumango, "This is not your first time why are you so shock?" tanong ko, "This feels different, really different"

"I want Nyx for you more than Julia" halos bulong na saad ko, totoo naman 'yon. Sa una lang maganda ang pakikitungo niya pero habang tumatagal pa lala na nang palala

"I love Nyx more too, I don't even think I loved Julia" he said, "Maybe an infatuation?" he shrugged, "I should take a sleep" tumango ako at inayos na ang higa ko

"Binigyan mo na ba siya nung flower?" agad siya napatayo, "Sh*t, I forgot about that" saad niya at napahawak sa ulo, "Bukas nalang sir, tulog na siguro 'yon" tumango naman siya

Bumalik siya sa higaan at nagtalukbong ng kumot, "Good night" saad niya, "Good night din" tugon ko at sinubukang ipikit ang mata

Agad akong napabuntong hininga, hanggang sa pagpikit ko siya pa rin nakikita ko, matapos ang ilang minutong pagsubok matulog napabuntong hininga ako at lumabas muna ng hotel room

Napatigil ako sa paglalakad ng makita ko ang bigla niyang paglabas, "Michael, bakit gising ka pa?" tanong niya kaya lumapit ako

"Hindi ako makatulog, ikaw?" tanong ko, "Gutom" saad niya at napatawa, "Tara" saad ko at hinawakan ang kamay niya na agad niya iniwas

Nakapantulog na siya at nakalugay na ang buhok, kung siya lang ang makikita ko bago matulog siguradong tititigan ko lang siya

"Sorry" sabay namin saad na ikinatawa niya, "Sorry, nagulat lang ako" saad niya at kusang hinawakan ang kamay ko at dumiretso sa cafeteria sa baba lang ng hotel

"Wow, ang sasarap naman neto" saad niya habang nagniningning ang mga matang nakatingin sa pagkain, "Hindi ka ba nag-dinner?" tanong ko na ikinailing niya

"Nag-dinner pero gutom ulit ako" saad niya at humagikgik bago kumuha ng pagkain, "Oh, Neli" bati niya na ikinalingon ko

"Nagugutom ako" nakabusangot na saad niya habang nagkukusot ng mata, "Ay kasama mo pala si Michael, doon nalang pala ako sa hotel room kakain" mapang-asar na saad ni Neli at kinuha ang isang tray ng pagkain

Napailing nalang ako, "Are you...still mad?" tanong ko pagkaupo namin, kami nalang ang nandito dahil dis-oras na ng gabi

"What? I'm not mad" saad niya at nag-simulang kumain, "Nagulat lang ako, sobrang gulat. Kahit ngayon, hindi pa rin ako makapaniwala" saad niya at bahagyang ngumiti

Daylight Amulet (Complete)Where stories live. Discover now