Chapter 12: Explanation

11 2 0
                                    

Chapter 12: Explanation

Susie's POV

"Susie naman eh! Tigilan mo na 'yang kakaisip sa kaniya baka mabaliw ka" saad ko sa sarili ko at gumulong gulong sa kama

-Flashback-

"Gusto kita, ewan ko kung paano o bakit. Basta gusto kita" napalaki nalang ang mata ko sa sinabi niya, gusto niya ko?

"Prank ba 'to?" tanong ko at tumawa, "Prank?" tanong niya at lumungkot ang mukha, "Ang tagal kong pinagisipang sabihin 'to"  napayuko naman ako

Hindi ko alam ang gagawin ko sa mga ganitong pangyayari, "Sorry, hindi ko kasi alam sasabihin ko" tumango lang siya

"Hindi pa kasi ako ready" mahinang saad ko, "You don't have to say anything, I just want to confess." tumango tango naman ako

"Si Archie...gusto ka ba niya?" napalaki naman ang mata ko, "Ano?! Si Archie?" tanong ko at tumawa ng malakas, "Si Nyx gusto 'non" kita ko ang pagkunot ng noo niya

"Talaga? Ba't sa'yo siya lapit nang lapit?" agad ko siyang binalingan ng mapang-asar na tingin, "Selos ka 'no?" I asked and poke his shoulder

"H-ha? H-hindi ah" napatawa ako, "Sige, sabi mo eh. Aalis pa naman kami ni Archie bukas--" agad niyang pinutol ang sasabihin ko

"Aalis?" muli akong tumawa, sasakit talaga tyan ko dito sa lalaking 'to. "Joke lang. Oh diba, selos ka" saad ko na ikinanguso niya

"Sumasama lang naman 'yon sa 'kin para tanungin ako tungkol kay Nyx. Kaya wala ka pong dapat ipagalala chef Michael" saad ko at humagikgik

"Manliligaw ka ba?" tanong ko na ikinatawa niya, "Kala ko ba hindi ka pa ready?" tanong niya na ikinanguso ko, "Ayaw mo ba?" agad naman nagbago ang ekspresyon niya at tumango

"Gusto syempre, liligawan kita" tumango naman ako at tumalikod na, "Susie, magpapaalam na ko sa mga magulang mo. Mapapasagot kita ng oo" saad niya na ikinatango

"Oo na po chef Michael. Goodluck" ngiting saad ko at bumalik na sa loob

-End of Flashback-

"Hoy! Nababaliw ka nanaman dyan" saad ni Nyx pagpasok sa kwarto ko, "Nyx! Ba't nalate ka ng uwi kagabi? Kala ko ba uuwi ka na?" tanong ko

"Nag-stay ako 'don, dumaan kami sa likod kaya hindi mo kami nakita. Nabasa kami ng ulan kagabi eh" kwento pagtapos umupo sa gilid ng kama ko

"Bakit ka ba kasi nagwalk out?" tanong ko at umupo sa kama ko, "Nakita ko kasi si Julia sa kwarto niya" nanlaki ang mata ko

"Ano? Aba g*go pala 'yan eh" saad ko, "Pinapasok daw ata ni tita Haven si Julia" agad na kumunot ang noo ko

"Ano?! Si tita Haven?" tumango naman siya, "Pero ayos na, nagpaliwanag na naman siya. Kaso baka tumuloy yung sipon ni Drake" binalingan ko siya ng mapang-asar na tingin

"Concern 'yan?" tanong ko na ikinabusangot niya, "Syempre" I gasped, "Talaga? Umamin ka na ba?" marahan siyang tumango na ikinatili ko at tumalon talon sa kama

"Ang ingay mo, Susie" saad niya at hinatak ako paupo, "Papagalitan tayo ni tita, kung gusto mong mapagalitan 'wag ko idamay" saad niya na ikinatawa ko

"Oo na po, basta kinikilig ako sa inyo" bulong ko at mahinang tumili, mas kinikilig pa ko sa love story ng bestfriend ko

"Eh kayo?" kumunot ang noo ko, "Nanliligaw na ba?" tanong niya at binalingan din ako ng mapang-asar na tingin

"Kayo yung topic, ba't napunta sa 'min?" tanong ko habang nakanguso, "Nanliligaw na nga?" tumango ako na ikinatakip ng bibig niya

Daylight Amulet (Complete)Where stories live. Discover now