40

42 19 0
                                    

40

"Weas Quinn, you are under arrest." agad nanlaki ang mata ko dahil sa dalawang pulis na nasa harap ng bahay namin. Hindi ko akalaing ganito kaaga ang pag aresto nila sa akin.

"Ano? Bakit?" nagtatakang tanong ni Mama. Simula nang maghiwalay kami ni Aideen ay hindi ako nagkaroon ng lakas na kausapin man lang sya.

"Murder and attempted murder." sabay na sabi namin ng isang officer.

"Anak?"

Tumingin ako sa kanya. Hindi ko maaalagaan ang mga kapatid ko kung sya ang makukulong kaya ako ang umako.

I didn't care about everything now, just my siblings. Wala na akong pakialam kung magmukha na akong kriminal.

I spend nearly a whole year in jail and did nothing but to endure those punches. They are mad at me because I killed Mrs. Alicia Altavista. The kindest woman in the whole country.

Sino nga bang hindi magagalit? Sya ang nagpatupad ng ibang mga batas sa bansa dahil kilala syang abogado. Sya rin ang nagpatayo ng iba't ibang bahay ampunan sa buong bansa.

"Anak, huwag naman ganito." mahina at umiiyak na pakiusap ni Mama.

Sa mahigit isang taon na pananatili ko rito ay bilang lang ang salitang sinasabi ko. Wala naman akong dapat sabihin sa kanya, bakit pa ako mag aaksaya ng laway.

In that nearly a year, they didn't give me any petition because of lack of evidence. Wala silang nakukuhang ebidensya tungkol sa pagpatay dahil wala naman silang nahanap na baril o ni kutsilyo sa akin.

Litrato o ni tao na makapagsasabing ako nga ang pumatay at nagbalak pumatay sa pamilyang iyon. Sa pamilya ng babaeng mahal ko.

"May balita po ba sa anak na babae ng mga Altavista?" tanong ko sa kaibigan kong pulis. Sya ang nagbibigay ng balita sa akin tungkol kay Calithea pero bigla syang naitalaga sa ibang presinto kaya nawalan ako ng balita. Buti nga ay bumalik sya.

"Wala bang naghatid ng balita sa iyo?" tanong nya na agad kong inilingan. "Dalawang buwan pagkatapos magtapos ng prinsesa ay napag desisyunan nyang umalis ng bansa upang doon mag trabaho.

Bumagsak ang mga balikat ko at nawala ang sumisilay na ngiti sa mga labi ko dahil sa narinig. Umalis sya.

Nagtuloy tuloy ang pambubugbog nila na nawalan na ako ng pakialam. Wala na akong pakialam. Para lang akong nagmumukmok na parehas na nararamdaman ang sakit sa puso at ng pisikal na sakit.

"Kumusta ka na?" nagtaas ako ng isang kilay nang makitang si tito Victor ang bumisita sa akin at hindi si Mama.

Nawalan rin ako ng balita kay Akiara at Levis pero alam kong hindi sila pababayaan ni Mama.

"Okay lang naman, masarap na ngang mag stay rito." walang gana at sarkastikong tugon ko.

"Alam ko namang hindi ka okay, hijo."

"Alam mo naman pala, nagtanong ka pa." mahinang sabi ko tsaka tumayo at bumalik na sa loob.

Wala naman akong panahon makipagplastikan sa kanya. Wala rin naman akong ganang makipag usap sa kung sino.

"Umamin ang Mama mo." natigil ako sa paglalakad at dahan dahang lumingon. "Umamin ang Mama mo na sya ang pumatay at hindi ikaw. Kinuha sya ng pulis kanina at hinalukay ang bahay na binili noon ng mama mo. Nakuha doon lahat ng ginamit at pinagamit nyang baril, pati na rin ang inutusan nyang lalaking pinatay nya rin." paliwanag nya.

Buong linggo ay inasikaso nila ang paglabas ko. Pati na rin ang lahat lahat.

Nang makauwi ay nakita kong nag aaral si Levis at nanonood ng Tv si Akiara. This is the time I missed the most. Being with my siblings.

Caught By Her Elegance (UNO)Where stories live. Discover now