22

45 32 0
                                    

22

"Wohooo! Magpapaparty tayo!" Malakas na sigaw ni Eveione, nalaman nilang kami na. Tumili tili pa sya sa hallway.

"Awat na, Eveione." pag suway sa kanya ni Lorcan sakanya. Ngayon lang kasi kami sabay sabay ang oras ng dismissal kaya sabay sabay kaming mag lunch.

"Bat ako titigil? Makiki sana all pa ako!" tumatawa parin sya. Nakita ko namang nakangiti lang si Freas at Caliks.

They are all happy about us, they are supporting us.

"Pakiramdam ko tuloy ikakasal na bestfriend ko." tumatawang sabi ni Freas habang nakatingin sa kamay ni Lorcan na naka akbay sa akin.

"No, they're still studying. Tsaka alam kong-"

"Hindi papayag si Kuya Crei na ako ang unang ikakasal." natawa kaming lahat dahil yon naman talaga ang alam kong dahilan.

"Chill lang muna, isang linggo palang na kami, sa susunod na yung kasal kapag may pampa buffet na ako. Alam ko namang enggrande yon eh."

"Dapat lang! Prinsesa ang girlfriend mo, prinsesa parin yan sa araw ng kasal dzai." malakas na sigaw ni Eveione na umalingawngaw sa buong hallway.

"Hindi mo magugustuhan kapag ako ang magpapatigil sayo Eveione Syn Quezelt." kaagad syang natahimik dahil ako na ang nagsalita.

After that long walk, we reached the cafeteria. Marami silang inorder na pagkain, akala siguro nila'y manlilibre ang isa sa amin ni Lorcan.

"Awit Weas! Akala namin hindi na kayo magkakaibigan." tumatawang sabi ni Jess na ka blockmate pala ni Lorcan. Ako lang naman ang nahiwalay sa klase dahil sa nangyari noon.

"Syempre, umalis ka nga, panira ka eh." nagtawanan ang iba pa nyang mga kaklase bago umalis.

"Kaklase mo yon?" tumango si Lorcan para sagutin ang tanong ni Eveione. "bat andaming pogi?"

"Ganon kasi talaga kapag Engineering," pagyayabang ni Lorcan.

"Mas marami sa Business Ad." sabi ni Freas na tumayo pa.

"Tanga, maraming nag aabang sa kagwapuhan ng mga archi." sabi naman ni Caliks na alam kong hindi talaga magpapatalo.

"Awat na, mas marami talaga sa department namin." nakangiting sabi nya, mag pu pulis.

"Nag enroll kalang ata sa Social Sciences kasi alam mong may pogi."

"Tanga hindi, gusto ko mag pulis. Ang bobo naman kapag kukuha ako ng ganyang course kung lalaki lang hanap ko." umirap pa sya sakin bago ibalik ang tingin sa akin. "ikaw? Saan ba ang alam mong maraming pogi?" tanong nya.

"Management, Legal."

Malakas silang nagreklamo dahil wala naman daw sa amin ang kumuha ng ganoong course. I was just teasing Eve, sinabi ko iyon dahil yun ang kinuhang course ni Kuya Crei. Nagpangiti ako nang makita ang pamumula nya, kapag sinabi ko ang Legal Management ay maaalala nya ang mga pinaggagagawa nya noong first year palang kami.

"Legal? Diba doon si Kuya-" may alam rin si Freas dahil kasama namin sya noon.

Nakita ko ang confusion sa mukha ng dalawang lalaki. They don't know what Eve did before.

"Spill the tea, look like you have an unforgettable moment in Legal Management." nakangiting sabi ni Caliks.

Tumingin naman kami ni Freas kay Eveion na ngayon nagpa plano nang mag reklamo.

"Teka, wala naman yon eh. Na untog lang ako sa harap ng Department nila-" tinakpan na ni Freas ang bunganga ni Eve tsaka niyakap sya dahil siguradong magpupumiglas sya.

Caught By Her Elegance (UNO)Where stories live. Discover now