𝐊𝐀𝐁𝐀𝐍𝐀𝐓𝐀 33

397 14 2
                                    

JOHNTHONY POV

"Damn! Iimbestigahan ko ang bata kung kaninong anak ba talaga siya," bulong ko sa sarili ko tsaka ko binato ang cellphone ko sa may passenger seat at in-start na ang sasakyan ko papunta sa isang bar.

Hindi na ako dapat mag-asaya pa ng oras na pumunta sa mansion nila dahil sapat na ang ibidensiya na nandidito na silang magkapatid kasama ang isang bata na hindi ko alam kung kaninong anak. May kasama din silang dalawang lalaki na nasa likod nila pero kausap ni Blaire ang isa.

"Damn it!"

Napahawak na lamang ako sa ulo ko habang pinapark ko na ang sasakyan ko sa bar na pag-aari ng isang Darkiest. Mas masaya nang magpakalasing kaysa sa magpakabaliw na naman ako.

"Himala at lumabas kana sa lungga mo," sabi ni Henry sa akin habang naglalakad ako papunta sa VIP room kung saan lagi ang pwesto namin.

"Bakit ba lahat kayo ay prinoproblema ang pagkukulong ko?" sita ko sa kanila dahil minsan lang ako lumabas kung gusto kung uminom, kapag may concert tsaka kung may meeting lang kami.

"Nabubulok kana kasi," sagot niya sa akin tsaka niya sinenyasan ang isang waiter na pagsilbihan ako. And damn! I wonder kung bakit puro lalaki lang ang nga tauhan ng putanginang lalaking ito.

Hindi ko nalang siya pinansin dahil wala na naman kabulohan ang mga pinagsasabi niya. Damn! Lahat sila masaya na pero ako, damn may hinahanap-hanap ako sa isang babae na hindi ko nakikita sa mga babaeng naikama ko na.

☮︎☮︎☮︎☮︎☮︎☮︎☮︎☮︎☮︎☮︎☮︎☮︎☮︎☮︎☮︎☮︎☮︎☮︎☮︎☮︎☮︎☮︎☮︎☮︎☮︎☮︎☮︎☮︎☮︎☮︎☮︎☮︎☮︎☮︎☮︎☮︎☮︎☮︎☮︎☮︎☮︎☮︎

CATHERINE POV

"Pagod ako Bianca," sita ko kay Bianca dahil nandito siya sa bahay para kulitin ako na mag bar daw kami pero wala talaga akong gana.

"Sabi ni tita na kanina pang umaga kayo nakauwi," nakasimangot na sabi niya sa akin kaya tinignan ko siya ng hindi makapaniwala.

"Fine!" pagsukong usal ko nalang dahil hindi ko kayang hindian ito, tsaka tumingin sa anak ko na mahimbing ng natutulog. Hinalikan ko muna siya sa kanyang noo.

"Hindi ba magagalit ang asawa mo?" tanong ko sa kanya na ikinailing niya tsaka nguso sa baba.

"Nasa baba siya kausap si Kuya Carl,"

Tinanguan ko nalang siya tsaka ako pumasok sa walking closet ko at nagpalit ng leggings at sleeveless na kulay puti. Tsaka ako kumuha ng makapal na jacket dahil gabi na baka lamigin ako habang umaarangkada kami.

"Tara na," paglabas ko kay Bianca.

"Effortless talaga ang ganda mo na love," sabi niya sa akin na ikinangisi ko lang tsaka hila sa kanya pababa na.

"Damn you Count!" rinig naming sabi ni Lion habang tumatawa pa.

"Oh nandito na pala sila," sabi ni kuya sabay tingin sa amin.

"Kuya ikaw na bahala kay Jhonsen," sabi ko sa kanya na ikinatango lang niya.

"I wonder kung ano ang reaksyon ng bokalistang kaibigan ko kapag nalaman niya tungkol dito," sabi ni Lion sa akin na ikinasuntok ni kuya sa kanya.

LO #6: My Other Half(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon