𝐊𝐀𝐁𝐀𝐍𝐀𝐓𝐀 7

437 20 0
                                    

𝐂𝐀𝐓𝐇𝐄𝐑𝐈𝐍𝐄 𝐏𝐎𝐕

"Tasked! nakikilig ka naman, if i were you humanap ka ng iba dahil maliit naman ang bayag niya" sabi niya sa akin na ikinasimangot ko naman. Tsked! Kung alam mo lang.

"Pinagsasabi mo boss? Bakit nakita mo na ba?"-sabi ko sa kanya na ikinangisi niya pa sa akin.

"Yep! Gusto mo kuhanan ko pa siya ng litrato pag-nagsabay kami maligo, o 'di kaya sasabitan ko nalang ng CCTV ang kwarto at banyo niya para mas malakas na pruweba hahahaha," sagot naman niya sa akin na ikinalaglag ng panga ko. Hell! Pinagsasabi ng boss ko. Eh siya naman talaga ang gusto ko. Kaso nagmamaang-mangan lang ako.

"Alam mo boss, itulog mo na talaga iyan, puyat ang tawag diyan kaya iba-iba ang tumatakbo diyan sa kukute niyo," sabi ko sa kanya na ikinailing lang niya habang nakagakat labi pa na akala mo ay pinipigilan ang pagtawa.

"Tsked! Yung pasalubong ko Petter putangina, abangan talaga kita!" naputol lang ang pang-aasar sa akin ng boss ko ng huminto ang sasakyan tsaka tumingin si Senador kay boss na nakatingala lan pero ang mga mata ay nasa akin. Kumbaga nakatagilid sa akin.

"Awww! bakit hindi ko naisip ang bagay na 'yon, shit! Kaya pala pumayag kang ipagdrive ako dahil may kapalit tasked! Ayos na siguro ang sabon at lotion sa hotel," sabi naman niya na pinipigilan ang pagtawa niya. Dahil hindi na ngayon maipinta ang mukha nito.

"Putangina mo Petter, hindi ako nagbibiro imported na damit o sapatos nalang mula sa bansang pupuntahan mo!" sabi naman ni Senador na talagang desidido na dapat may pasalubong talaga siya.

Bumaba nalang ako dahil nakita ko ang team na naghihintay ng arrival namin. Bakit kasi ako nagpahila sa gagong ito. Eh! Dapat kasama ako sa mga nauna na dito sa airport.

"Huwag kang ganyan Petter dahil kapag ako nagalit papabombahin ko ang bahay mo!" rinig ko pang sabi ng Senador dahil bumaba na din ang boss ko na napapailing pa.

"Whatever Montemayor," bored na sabi ng boss ko tsaka naglakad na papunta sa pwesto ko, haller madami akong bitbit ba't siya pupunta sa akin.

"Ang bagal mo maglakad, bilisan mo!" sabi niya sa akin na ikinalaglag ng panga ko. Ano daw? Gusto ba niyang magsuperscience ako dito. Kanina makaasar wagas pero ngayon napakasungit na.

Nauna na siyang naglakad, hindu man lang niya ako tinulungan. Tsked! Mga gamit niya kaya ang mga bitbit ko. Kay gago lang talaga!? Naglakad nalang ako para makasunod sa kanya pero napahinto ako ng may kumuha sa kamay ko ang maletang hawak ko.

"Tulongan na kita, kawawa ka naman," sabi ni Josh na ikinayuko ko dahil naaalala ko ang pagtitig niya sa akin. Habang kumukanta sila kanina.

"Ah! wala naman na akong magagawa sir Villanueva na sayo naman na ang maleta hehehe," sabi ko na ikinangiti niya sa akin tsaka gulo ng buhok ko gamit ang isa niyang kamay.

"Nice! Hmmm kamusta kana pala?" tanong niya sa akin na ikinatawa ko sa kanya. Josh is one of the bully back then. Noong high school nga kami ay basagulero din siya. Hindi ko nag inexpect na magiging sikat ang isang ito. Schoolmate ko pala siya noong High School mas head siya sa akin ng dalawa like Grade 7 ako Grade 9 naman siya.

"Pagod na pagod, salamat dahil medyo gumaan na ang pakiramdam ko dahil sa pagtulong mo sa akin," sabi ko sa kanya habang naglalakad na kami, kumbaga nasa likod lang nila kami.

LO #6: My Other Half(COMPLETED)Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu