𝐊𝐀𝐁𝐀𝐍𝐀𝐓𝐀 30

423 15 5
                                    

JOHNTHONY POV

"Magparty-party nalang tayo mga kapatid! Kasal ko ito kaya huwag muna ang hate at away sa isa't isa love lang muna sapat na mga lodicakes!"-sigaw ni Lion dahil nararamdaman siguro nila ang pressure sa amin ng Count.

"Damn! Panira kang hayop ka malapit na silang masuntukan. Kunti nalang pero geeezzzz panira ka!"-sabi pa ni Anderson na ikinabatok nila dito.

"Gusto mo sa'yo ko isusuntok ang kamao ko?"-sabi naman ng Count kay Anderson na sanhi ng tawanan nila dahil nakangiwi at nakataas ang dalawang kamay ni Anderson tsaka umupo siya sa tabi ng asawa.

"Takot na takot gustong magtago sa palda ng asawa!"-kantyaw ni Devera dito na ikinataas niya naman ng gitnang daliri.

"Bakit kayo matatakot sa isang tulad ko? Kung kaya niyo ding pumatay kagaya ko,"-sabi ng Count na ikinatawa ng boss namin dahil magkaugali naman sila. "I wonder hindi naman ako pumapatay sa mga taong walang ginagawa sa mga mahahalagang tao na nakapaligid sa akin pero ngayon, gustong-gusto ko siyang ibaon sa lupa,"-dagdag niya pa tsaka ako tinuro. Damn it! What did I do?

"Awww sa akin na ang kape!"-sabi naman ng putanginang James na ito.

"Biscuit sa akin para may makain ang mga makikipagluksa kay Petter,"-sabi naman ni Levin sa amin na ikinanganga ko.

"Damn! What did I do?"-tanong ko kay Count pero ngumisi lang siya tsaka niya ininom ang ibinigay sa kanya ng butlers niya.

Kahit na naguguluhan ako ay hindi ko nalang sila pinansin. Hindi man lang niya ako sinagot para alam ko kung ano ba talaga ang kasalanan ko sa kanya. Baka bukas pangalawa ay nakabaon na talaga ako sa lupa.

☮︎☮︎☮︎☮︎☮︎☮︎☮︎☮︎☮︎☮︎☮︎☮︎☮︎☮︎☮︎☮︎☮︎☮︎☮︎☮︎☮︎☮︎☮︎☮︎☮︎☮︎☮︎☮︎☮︎☮︎☮︎☮︎☮︎☮︎☮︎☮︎☮︎☮︎☮︎☮︎

CATHERINE POV

"Nate! Gusto kung kumain ng mangga!"-reklamo ko kay Nate dahil kanina ko pa inuulit-ulit ang gusto kung kainin.

"Wait a minute Princess, will you!?"-sagot niya sa akin tsaka siya nagtitila sa cellphone niya.

"Pakibilisan baka mamaya ay wala ka ng hininga kung wala pa ang mangga ko,"-sagot ko sa kanya na ikinatango naman niya bago siya umalis sa harapan ko.

Kaya mag-isa na naman ako dito sa loob ng kwarto. Palagi na lamang ba ako mag-isa!? Ahayst! Hindi na pala dahil dalawa na kami. May baby na ako sa tiyan kaya dapat lang na maging masaya na ako.

Kahit na nasasaktan ako sa mga narinig ko habang nag-uusap si kuya at ang ama ng baby ko na hindi pala niya ako mahal dahil pumunta lang dapat siya sa bahay namin doon sa Pilipinas na iurong ko ang pagresign ko dahil mas komportable siya sa presensya ko.

"Paasa ang ama mo anak, nilandi lang pala niya ako sa tuwing magkasama na parang pastime niya lang 'yon,"-bulong ko habang hinahaplos ko ang tiyan ko.

"Bakit pala ako umiiyak? Dapat masaya ako dahil nalaman ko ang totoo na hindi talaga ako mahal ng taong mahal ko,"-usal ko na naman tsaka ipinikit ang mga mata ko.

Maganda pala ang desisyon ko na lumayo muna ako para sa pagbalik ko ay nag-glow up na ako. May anak na ako gumanda pa ako ganun. Dahil ipapakita ko na kung gaano ako kaganda at kaalindog sa mga taong nakapaligid sa akin.

Pinunasan ko muna ang aking mga luha, tsaka ako naglagay ng kulorete sa aking mukha para hindi niya mapansin ang tunay na naganap dito sa loob ng kwarto kung sino man ang taong nasa likod ng pinto bago ako tumayo para pagbuksan ko siya.

Naensayo ko na din ang pekeng ngiti ko dahil 'yon nalang ang susi para maibsan ang sakit na namumuo sa dibdib ko. Tsaka paano ko ba sasabihin sa mga kaibigan ko na masaya ako kung hindi naman pala dahil nasasaktan ako.

Saan ba kasi ako nagkamali hindi ko talaga mahintindihan na kung sino pa ang nagmamahal ng totoo ay sila pa ang nasasaktan ng ganito, sila pa ang naiiwan. Like natulog ka lang saglit hindi na pala ikaw ang mahal niya.

"Love!"-masayang sabi ni Bianca sa akin na ikinangiti ko naman kahit alam niyang peke ang ngiti ko kaya yung ngiti niya napalitan ng pag-aalinlangan tsaka siya pumasok sa loob ng kwarto at niyakap ako.

"Shhhh! Nandito lang ako honey kaya iiyak mo lang iyan. Sabi mo sa akin noon na kapag tayong dalawa lang ang magkasama ay dapat walang sekreto,"-sabi sa akin ni Bianca kaya yumakap ako sa kanya ng mahigpit tsaka doon na lahat lumabas ang luha ko.

"Nasasaktan ako baby, alam ko naman na hindi niya ako mahal pero sana hindi niya iyon ipagmukha sa akin lalo na kay kuya,"-umpisa ko na ikinahawak niya sa pisngi ko tsaka niya pinunasan ang mga luha ko na patuloy parin na nagsisilabasan.

"You know what love you better accept the truth. Sshhhh! Nandito kami para mahalin ka ng higit pa sa inaakala mo. Hayaan mo siya, I know na nasa huli ang pagsisisi believe me siya ang nawalan at hindi ikaw,"-sabi niya sa akin na ikinangiti ko.

"Ang hirap talaga ang magmahal ng totoo, yong tipong habol ka ng habol, patay na patay ka at baliw na baliw ka sa isang tao. Yong tipong siya nalang ang mundo mo,"-sabi ko sa kanya pero nginitian lang niya ako.

"Yeah! ang pagmamahal ay hindi mo namamalayan o kusang dumarating lang 'yan yong tipong hindi mo yon maiiwasan at hanap-hanapin niyo ang presensya ng bawat isa sa inyo. Kaya believe me baby hahabulin ka rin niya,"-sabi niya sa akin na ikinailing ko.

"Hindi nga niya ako mahal, gaga kaba nilandi at pinakilig lang niya ako sa tuwing magkasama kami,"-natatawang sabi ko sa kanya na siya naman ang umiling sa amin.

"Malay mo totoo ang pinapakita niya sa'yo kaso naguguluhan lang siya dahil may kasintahan na ito,"-sabi niya sa akin pero pumikit lang ako.

"Bakit ba kasi natin ito pinag-uusapan bawal pa naman ang mastress ang mga buntis,"-natatawang sabi ko tsaka niya ako tinitignan.

"Common Bianca hindi mo dapat ako kahawaan, okay lang ako. Makakaya ko itong pinagdadaanan ko. Tsaka don't worry about me, just enjoy your day with your husband. Honeymoon na nila marami ng beses mag tsugtsugan hahaha,"-sabi ko sa kanya na ikinatawa din niya sa akin.

"Ewan ko sayo Cath, sige matulog kana diyan. Tsaka inumin mo na ang gatas mo para kay baby,"-sabi niya sa akin tsaka niya ako hinalikan sa pisngi at umalis.

Mag-isa na naman ako dito sa kama kaya napapailing nalang ako tsaka ako tumayo para inumin ang gatas na sinasabi ni Bianca. Tsaka ako napatingin sa baba dahil nakaawang naman ang isang bintana kaya rinig na rinig ko ang mga pinag-uusapang ng mga lalaki sa baba. Gabi na kaya wala na ang mga kababaihan at mga bata doon.

"Damn you mens! I told you, na hindi ako sana'y ng hindi siya ang kasa-kasama mo sa mga concert ko kaya ko siya pinapabalik. Hindi ko siya mahal dahil kaibigan lang talaga ang turing ko sa kanya!"
























#Ako ang nasasaktan. 🤦‍♀️🤦‍♀️🤦‍♀️

#Next Chapter Coming😊😊

#Vote/Comment

LO #6: My Other Half(COMPLETED)Where stories live. Discover now