𝐊𝐀𝐁𝐀𝐍𝐀𝐓𝐀 1

754 17 1
                                    

Dedicate to Ms. eroll143
♡︎♡︎♡︎♡︎♡︎♡︎♡︎♡︎♡︎♡︎♡︎♡︎♡︎♡︎♡︎♡︎♡︎♡︎♡︎♡︎♡︎♡︎♡︎♡︎♡︎♡︎♡︎♡︎♡︎♡︎♡︎♡︎♡︎♡︎♡︎♡︎♡︎♡︎♡︎♡︎♡︎♡︎♡︎

♡︎BLAIRE CATHERINE POINT OF VIEW♡︎

Usok ng sigarilyo, amoy ng alak, at maingay ang sumalubong sa akin. Gusto ko kasing magpakalasing 'yung tipong mawawala na lahat lahat ang sakit dahil sa lintik na pag-ibig na 'yan.

"Crush ko lang naman siya bakit ako nagkakaganito, bakit effected ako masyado?" bulong ko sa aking sarili bago pumanhik sa bartender para umorder ng sandamakmak na alak.

Habang naglalakad ako ay hindi ko maiwasan na mapatingin sa paligid, may nakikita akong naghahalikan, nagsasayaw sa dance floor, tawanan at kantahan pa. Pero napukol ang mga mata ko sa isang lamesa na puno ng nagkakagisigang lalaki pero nadismaya ako ng  makita ko na may mga babae kasama.

"Akala ko makaka-jackpot na ako ngayong gabi tsked! hindi pa pala kasi may mga sabit din ang mga gwapong papa, busy naman kasi si Bianca sa plates niya hayst buhay talaga," sabi ko naman sa aking sarili bago ako naglakad papunta sa naghahalo ng mga alak.

Nang makarating na ako ay umupo na ako sa harapan ng bartender para umorder ng hard na hard na alak, yung tipong isang lagok lang ay mawawala na ang pagmamahal ko sa iniidolo kung bokalista.


"Ano ang sayo ma'am?" tanong sa akin ng bartender kaya tumingin ako sa kanya tsaka ngumiti.

"Yung alak sana na isang lagok lang ay mamawala na ang nararamdaman ko para sa kanya," usal ko habang nakangiti parin ng malapad sa kanya.

"Kung wala naman yung alak sana na gawin akong isang malamig, yung tipong wala na akong pakiramdam para hindi na ako masaktan pa ng ganito," kagat labi ko na naman na sinabi sa kanya dahil napapakamot lang naman siya sa kanyang ulo.

Geezz Catherine nababaliw kana talaga. Hindi naman ako bitter pero dinadamdam ko lang ang mga nalaman ko tungkol sa kanya. Ewan ko pero super effected talaga ako. Assuming na ako kung assuming pero tinamaan talaga ako sa kanya.

"Lasing na po siguro kayo ma'am, kaya ganyan ang mga lumalabas sa bibig niyo," sabi ng bartender kaya tumawa nalang ako tsaka ko tinuro ang gusto kung alak. Habang ginagawan niya ako ay salita lang ako ng salita.

"Ganun kasi ang tama niya sa akin, isang kindat o kantahan lang niya ako matindi pa sa lasing ang tama niya sa akin, nawawalan pa nga ako ng ulirat kung nagkataon lang na akin o pagmamay-ari ko ang isang katulad niya," natatawang sabi ko tsaka ko kinuha ang binibigay niyang alak para sa akin.

"Matindi siguro ang epekto ng paghihiwalay niyo ng jowa niyo ma'am," sabi pa niya sa akin habang naghahalo na naman ng alak para sa ibang costumer.

"Sana nga naging jowa ko nalang siya, para may rason ako na ipagdamot siya sa iba. Dahil ang gusto ko ay nasa akin lahat ng atensyon, oras, at tsaka ako lang ang kinakantahan niya sa tuwing masaya, malungkot at nasasaktan ako, feel me hmmm!" sabi ko tsaka ko ininom ang alak na binigay niya sa akin.

"Sana ako nalang ang mahalin niya para hindi ako nagkakaganito ano? Nakakatawa nga dahil pinagpapantasyahan ko ang isang lalaking imposibleng maging akin," sabi ko na naman tsaka nag-order ulit ng alak.

LO #6: My Other Half(COMPLETED)Where stories live. Discover now