Tumaas ang kilay ko sa sinabi niya.Wala sa oras na napantig ang tenga ko dahil doon. "Kaya mo?" hamon ko, pakiramdam ko biglang nagdilim ng wala sa oras ang paningin ko.

Mas lalong tumalim ang tingin niya sa akin. "Yes!" he fired back.

My jaw clenched. "Gawin mo!" hamon ko ulit. "Nang makita natin ang hinahanap mo." dagdag kong ani.

Before he could answer back, I raised my eyebrow, indicating that I'm not joking. Agad naman siyang napatigil at bigla nagbago ang ihip ng mukha niya. "Ano? Kaya mo?" sa pangatlong pagkakataon ay hinamon ko siya ulit.

His jaw tighten. "Fuck! Sabunutan na lang gusto mo? 'Inamo talaga kahit kailan!" Humagalpak ako ng tawa ng biglang mag-iba ang boses niya. A masculine with a soft tone man.

Ilang minuto pa akong natatawa hanggang sa ako na mismo ang sumuko. Natatawang umupo ako sa upuang katapat niya at dumikwatro."Ano bang kailangan mo at kailangan agad-agad akong pupunta dito?" nagtatakang tanong ko.

To tell honestly, bihira lang mangyari ang ganitong pangyayari. Ito ang kauna-unahang pinagmadali niya ako.

Narinig ko naman ang malalim niyang buntong-hininga. "I need your help," he said.

Kumunot ang noo ko. "Tulong saan?" Nagtatakang tanong ko.

He sighed again. "Alam kong magiging labag 'to sa kalooban mo pero wala na akong magagawa kung hindi gawin ito."

Babatuhin ko na sana siya ng nahawakan kong case dahil pahinto-hinto siya ng pagkakasabi. "Mommy wants you to do the Real Men Supreme." He immediately revealed.

Bigla na lang ako napakurap dahil sa pagkabigla. "Nangga-gago ka ba?" Parang tanga kong naitanong na lang.

Shit!

Kahit sino siguro ang nasa sitwasyon ko ngayon ay magugulat! Imagine, sabihan ba naman ako na gusto ako ang gumawa sa Real Men Supreme. Sino hindi mawawala sa katinuan.

Para sa mga hindi nakakaala. Ang Real Men Supreme ay isang napakalaking event ng kumpanya namin na ginaganap tuwing ika-apat na taon. Ibig sabihin ay hindi lagi o taon-taon ito ginaganap kung hindi kada apat na taon.

Isa itong pagbibigay parangal sa mga kilalang tao especially sa mga lalaking may tanyag na ang mga pangalan. Kung hindi ako nagkakamali ay halos kahit mga royalties from different countries ay nagpupunta sa event na 'yon.

So, it means ay hindi lang 'to basta-basta.

He shook his head. "Do I look like I'm kidding right now?" Sarkastikong aniya sabay taas ng kaliwang kilay niya. "At kung nanloloko lang ako ay sana si Jaidee ang pinatawag ko hindi ikaw." Dagdag pa niya sabay irap.

Maldita talaga kahit kailan!

Inis kong inirapan siya pabalik. "Epal ka lang ang peg ngayon? Daig mo pa ang may regla, well 'lam kong wala ka 'non." Pang-aasar na gago ko.

Hindi ako magpapatalo sa pagiging maldita niya ah. Kahit siya pa ang boss ko, wala akong pakialam. Bigti ko po siya ng wala sa oras.

Kung nakikita lang kami ng iba tao dito sa building ay aakalain panigurado nila na mag-syota kami ng mahaderang 'to. Pero in reality ay mas type niya ang kauri niya. Mahilig din siya sa hotdog at hindi sa kepay.

His full name is Syn Jacob Lee, twenty-two years old, single but not ready to mingle. He's also half korean-filipino, halata naman na koreano siya sa apilyido.

Naalala ko noong una kami nagkita dahil sa aso niya.

Habang naglalakad ako noong mga panahong iyon ay may nakita akong aso. Kaya naman nilapitan ko yung aso. Sa collar pa lang na nakalagay sa leeg nito ay ibig sabihin na mayroong nagmamay-ari sa asong iyon. Kaya ang ginawa ko ay hinila ko ito at umupo sa pinakamalapit na bench. Mas madaling makikita ng may-ari ang alaga niya.

Azvameth: The Deceiver Mafia Boss (UNEDITED VERSION)Where stories live. Discover now