II.

11.8K 255 44
                                    

Alana Amoire's Point of View

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Alana Amoire's Point of View

"Let's talk please, Alana." Kyla pleaded while crying. Nakaluhod siya sa harapan ko habang hawak ang kamay ko. "Hindi talaga namin ginusto ang nangyari. Pareho lang kaming lasing ni Azva. Alana, please, patawarin mo ako."

I remained silent while hearing her explanations. Sa oras na ito wala na akong tiwala na natitira para sa kanya. Sarado na ang isipan ko sa hinihingi niyang kapatawaran. She betrayed me, he betrayed me, they all betrayed me.


"Umuwi kana, Kyla. Sinasayang mo lang ang oras mo sa pagpunta rito. Hindi ako ganoon kalupit sayo kaya habang may kabutihan pang natitira sa akin ay mabuting umalis kana. Masasaktan lang kita kapag tumagal ka pa rito! Kahit anong gawin at sabihin ninyo, hindi parin maalis na nagtaksil kayo!" Nag-titimping wika ko.

Pero imbes na makinig sa banta ko ay mabilis na umiling lang siya at mas lalong hinigpitan pa ang paghawak sa kamay ko. "No! Hindi ako aalis hanggang hindi tayo nagkakaayos. Gabi-gabi ako kakainin ng konsensya ko sa pagkakamaling ginawa ko sayo. Hindi ko kaya na magalit ka sa akin. Ikaw na lang ang natitira sa akin. Kaya please, huwag mo nama akong talikuran. Huwag mo namang sayangin ang pinagsamahan natin dahil lang sa isang pagkakamali ko." Nahihirapang wika niya habang nakatingala sa akin.

Pagak akong natawa. "Pinagsamahan, Kyla? Naririnig mo ba ang mga sinasabi mo? Hindi lang pagkakamali ang ginawa mo, niloko niyo ako, pinagmukha mo akong tanga! Tinuring kitang parang kapatid ko. Iniligtas ko ang buhay mo dahil nga importante ka sa akin. Pero anong ginawa mo? You ruined it! Kaya nakikiusap ako sayo, umalis kana. Ayaw kong madamay ang batang nasa sinapupunan mo." Galit kong sigaw.

Pilit kong inaalis ang pagkakahawak niya sa akin. "Alana, please!" nagmamakaawang saad niya habang umiiyak.

I closed my eyes and tried to restrain the anger, "Don't try it, Kyla. The moment that I knew the truth about your disgusting one stand with Azva, that's the moment that I removed my care and respect for both of you. Kaya umalis kana, sana maging masaya kayo sa pagpapakasal ninyo. Build a happy family for your baby," hindi maitago ang sarkastikong tono sa aking boses.

Muli siyang umiling at sinubukang hawakan ang kamay ko. "Don't say that, kayong dalawa talaga ni Azva ang para sa isa't isa. Kung ang bata ang iniisip mo, aalis ako at magpakalayo-layo basta mapatawad mo ako."

I looked at her in disbelief. "At tingin mo sapat na yun para mapatawad ka? Tatanggalan mo ng karapatan ang bata na magkaroon ng buong pamilya? Hindi porket nasaktan ninyo ako ay may karapatan na rin akong saktan ang bata. I'm not stupid person para balikan pa si Azva." Kusang lumabas sa bibig ko ang desisyong iyun, dala na rin siguro ng matinding galit ay nagsalita na ako ng tapos.

She kept on sobbing, "I know that..."

"Kung talagang may natitira ka pang konsensya sa katawan mo. Umalis kana dahil sa tuwing nakikita kita ay hindi ko makalimutan ang mga nakakasukang ginawa niyo sa akin," I fired in disgust.

Azvameth: The Deceiver Mafia Boss (UNEDITED VERSION)Where stories live. Discover now