Chapter 7

3 1 0
                                    

"Saan nyoko dadalhin? Anong gagawin ninyo sakin?!"

Nalilito at walang kaalam-alam si Miranda kung bakit bigla na lang siyang kinukuha ng dalawang estranghero.  Nakashades at nakaface-mask sila kung kaya't mahirap silang mamukhaan. Para silang mga pulis na nakadakip ng masamang tao kung hawakan nila ang mga kamay ng dalaga.

"Wait, is this real?! Are you kidding? If this is a whole bunch of pranks, why don't you inform us earlier?! You're just wasting our time!"

Inis na inis si Venez sa mga bagay na nangyayari sa paligid, kung kaya't hindi na niya napigilang sumigaw. Ang akala niya ay biro lang ang lahat ng ginagawa sa kanila. Hindi ata niya namamalayang  nagsisimula na ang sabi-sabing anomalya tungkol sa mga irregulars at isa siya sa mga biktima.

"Sandali." Matapang na nilapitan ni Marla si Venez. "Hindi ba't kayo yung sabik na sabik na maranasan ang ganitong eksena?"

Natigilan bigla si Venez sa pag-iinarte at itinuon ang pansin kay Marla. "Ikaw ba yung nagsalita?" Aniya na umaastang parang baliw upang subukang asarin ang kaharap.

"Sis, baka makarma ka pag sinampal mo rin siya. Let your expensive palm rest for sometimes." Pabirong babala ni Shantal. "Tsaka, ang isipin muna natin is, si Miranda! Ano kaya ang gagawin nila sa babaeng yun!"

Nakatingin lang ang dalawang mga lalaki na parang pinakikiramdaman ang maaaring mangyari, si Jasfer at ang isang lalaking hindi palakibo.

"Don't worry, Shants. I'm in control." Maarteng iniwas ni Venez ang tingin niya kay Marla at naglakad patungo sa tabi ni Shantal. "Actually, pinagsisihan kong dumampi itong mamahalin kong palad sa wirdo niyang kapatid! Tara na nga!"

Bumalik na ang dalawa sa girls' room, habang pinili na lang na hindi kumibo ni Marla.

Nakatingin na lang siya sa TV na para bang may hinihintay na lumabas doon.

"Aaahm Marla, right?"

Nagulat ang dalaga nang bigla siyang lapitan ng lalaki. Hindi siya sanay sa ganong sitwasyon dahil nakasanayan na nila ang unahin ang pag-aaral bago ang pakikipagkaibigan lalo na sa mga lalaki.

Ngayon lang din niya narinig ang boses ng binata. Nagwala na ang lahat ng irregulars sa unang araw nila sa loob ng misteryosong bahay, maliban na lang sa lalaking kumakausap ngayon sa kaniya.

"Aaah oo, M-marla Esconde."

"I'm Kith, Kith Mandayon. Just wanna ask if you have any idea about all these happenings."

"Meron naman pero limitado lang." Kahit na sinasagot ni Marla ang lalaki ay nakatuon pa rin ang tingin nito sa Telebisyong naka-install sa pader. "Hindi mo pa rin ba alam ang kwento-kwento?"

"H-hindi ea. Bago lang ako dito sa Colegio ninyo. I'm from San Benedicto Colleges."

"Kwento lang ang alam ko pero malalaman na din natin. Afterall, we're already here."

Habang nag-uusap ang dalawa ay biglang sumingit si Jasfer. "Wait, dude, did you just say San Benedicto? Doon ka galing na school?"

"Yes, I'm a former student there. Are you?"

Biglang natuwa si Jasfer sa narinig niya kaya tinawag na din niya ang kaibigan niyang si Dex mula sa Boy's Room, ngunit bago pa man niya mapuntahan ang kaibigan ay bumukas muli ang TV at lumabas na naman mula doon ang mukha ng babaeng announcer. "Good morning, Irregulars!"

Sa halip na matuwa ay parang lalo pang nabad-trip ang mga nakakita at nakarinig sa pagbati ng nasa telebisyon.

Nagsilabasan na rin ang mga nasa kuwarto, upang saksihan ang panibagong bangungot na naghihintay sa kanila.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: 6 days ago ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

The IregularsWhere stories live. Discover now