Chapter 4

5 1 0
                                    

Habang humihigop ng kape ay palaisipan pa rin kay Jonnie ang mga nangyari kahapon. Kahit ayaw niyang mag-isip ng masama ay ginugulo pa rin siya ng mga napag-usapan nila ni Allen patungkol sa orientation assembly ng mga irregulars, kaya naisipan niyang dumaan muna sa department store malapit sa Academia De Ville upang subukang payapain ang sarili.

"J-jonnie?"

Napalingon siya sa lalakeng pumapasok sa pintuan na siyang tumatawag sa kaniya.

"Oh Saldy goodmorning!" May malamlam na tinig na tugon niya nang makita si Saldy. "Papasok ako, kailangan ko lang makapagkape, nilalamig kasi ang sikmura ko."

"Aaah okay, magkakape din ako, can I join?"

Tumango na lang si Jonnie at hinintay na makaorder ng kape ang kaklase.

"Di mo ata kasama si Fianna ngayon?" Tanong kaagad ni Saldy nang uupo na siya sa harapan ng binata. Sanay na din kasi siyang nakikita si Jonnie na laging kasama ang girlfriend magmula pa nung first day.

"Aaah yes, hindi daw siya muna makakapasok. Masama ang pakiramdam niya."

"Huh? Baka buntis na siya?"

"Apaka-insensitive mong bading ka."

"Ayyyy sorry eto naman apakseryoso."

Tumingin sa labas si Jonnie sa pamamagitan ng mga malilinaw na salaming dingding ng store.

"Alam mo Saldy. Nakakapagduda yung orientation ng mga irregulars kahapon ea." Tumingin siyang muli sa kausap.

Nakakunot ang mga noo ng nagtatakang si Saldy at nagtanong, "Nagdududa? B-bakit ka naman nagdududa?"

"Basta may nararamdaman akong mali. Alam mo ba yung anomalya? P-parang I want to... like I almost believe it."

Tinitigan ni Saldy si Jonnie at pinakiramdaman muna kung seryoso nga ba siya sa mga sinasabi niya bago siya bahagyang tumawa.

"Luh sya. Seryoso ka na ba niyan?"

Kahit na sanay na ang mga kaklase ni Saldy sa pagiging taklesa niya ay hindi pa rin maiwasan na may maasar sa kaniya lalong lalo na itong si Jonnie na hindi sanay sa mga bunganga ng tulad ng kay Saldy.

"Alam mo minsan, ang hirap mo ring makausap ng matino ano?!" Padabog na tumayo si Jonnie at iniwang mag-isa si Saldy sa loob ng department store.

Dumiretso na siyang pumasok sa campus at sumalubong naman kaagad sa kaniya sa gate si Ivan na tila ba may hinihintay.
"Dude san ka galing dude. 'Tsaka, nasan si Fianna?"

"Galing lang sa malapit na department store, nagkape. Sinong hinihintay mo diyan?"

Lumapit si Ivan kay Jonnie at hinawakan niya ang mga braso nito. Sa kilos niya ay mahahalatang mayroon siyang importanteng ibabalita. "Dude! Ikaw ang hinihintay ko. Alam mo bang drop na ang lahat ng mga irregulars na kaklase natin?! Pati yung mga baguhang lalake atsaka yung Esconde!"

"Huh! Saan mo naman nalaman yan?"

Binitiwan na ni Ivan ang mga braso ni Jonnie at nagmamadali niya itong inaya patungo sa building nila. "Dude tara!"

Kahit na mabilis ang paglalakad ni Ivan. Ay pinilit pa rin ni Jonnie na masundan siya lalo't curious siya sa mga nangyayari at sa ibinabalita ngayon ni Ivan.

"I told him na huwag na siyang lumipat ayan tuloy na-drop ang gaga!"

"Grabe ano kayang problema? Pati yung mga warfreak naming kaklase ay nadrop na din ea."

"You mean si Venez? Hindi kaya... inalis na nila ang pagtanggap sa mga irreg dahil sa issue?"

Lalong umalab ang pagdududa ni Jonnie sa mga narinig niya sa mga ibang estudyanteng nadadaanan niya.

"What the! Ba't kailangan pa siyang idrop!"

Ganun din ang narinig niya sa isang lalaking sinusuntok ang isang pader kaya lalo pa niyang binilisan ang paglalakad hanggang sa halos tumakbo na siya kasabay si Ivan.

"Dude look." Itinuro kaagad ni Ivan ang flatscreen tv sa classroom nila.

Nakaflash doon ang mga masterlist ng mga pinal na nakaenroll sa klase nila.

Seryoso at isa-isa niyang binasa ang mga pangalan at napansin nga niyang wala na ang pangalan ng mga irregular students.

"Wala nang mga irregulars dude." Agad na sabi ni Ivans nang mapansing tapos nang magbasa si Jonnie.

"How about Fianna? She's also an irregular pero nandito parin naman ang pangalan niya."

Nagkatitigan muli ang dalawa at tila nagtatagpo ang mga ideya nila. Parang may isang tali na nagdudugtong sa utak nila upang parehong tubuan ng pagdududa sa paaralang pinapasukan nila. Unti-unti na silang napapaniwala ng mga sabi-sabing anomalya diumano sa Collegio De Ville.

"And dude, hindi lang sa section natin nangyayari ito. I heard the students outside they are talking about this." Itiniim pa ni Jonnie ang kaniyang mga panga habang ikinukuyom ang kaniyang mga kamao.

Biglang nagsalita si Ivan at mararamdaman ang kalungkutan sa tinig nito. "You're so lucky dude. You're still with Fianna. Samantalang ako..." Yumuko pa siya upang magpatuloy sa pagsasalita pero naunahan na siya ni Jonnie.

"Dude I have an idea!"

Biglang tumaas ang ulo ni Ivan at naging seryoso. "Ano iyon?"

Tumingin muna sa paligid si Jonnie at nang masigurado niyang walang tao sa paligid ay inilahad na niya kay Ivan ang mga naiisip niya. "Hindi ba't may nangyaring krimen kahapon pagkatapos na pagkatapos ng orientation ng mga irregulars?"

Tumatango-tango lang si Ivan habang seryosong pinapakinggan ang mga sinasalaysay ni Jonnie sa kaniya.

"And if I am not mistaken, the victim was the chinese daughter of Go clan right?"

"Yes. She's Ana Mae Go."

"Wala ka bang naiisip about that crime?"

Umiling muna si Ivan bago tumugon sa katanungan ni Jonnie, "Wala eh. Ang iniisip ko ay baka nagkataon lang iyon."

Napahawak sa kaniyang noo si Jonnie. "Isn't it maraming krimen ang nangyari sa campus from the last school years. And notice that almost of the victims are irregulars."

"Dude I can't get what you mean. Anna Mae Go is a regular student!"

Biglang gumuhit ang ngiti sa mga labi ni Jonnie at sabay pa niyang ipinitik ang mga daliri niya. "That's it dude! Yan ang guro kong makita mo!"

Kahit na anong pilit na isipin ni Ivan ang ibig iparating ng kaklase ay talagang hindi niya pa rin makuha ito. Nakakunot ang mga noo niyang nagtatanong. "Ea ano naman ngayon? Alam mo medyo malabo ka para sa kin ngayon dude. Di kita maintindihan talaga ea."

"Dude look! Last year puro irreg ang mga namamatay at kahapon, nagkaroon ng Orientation ang irregulars then after that ay may namatay na regular student." Pilit na ipinapaliwanag ng binata ang mga nasa loob niya at umaasang makikita na ni Ivan ang mga punto niya. "Parang may nais silang ipalabas."

"Now I get it dude. Tama ka nga. Hindi nga kaya pinapalabas lang nila na natural lang ang mga krimen sa Academia? Yun ba ang ibig mong iparating?"

"Exactly dude. Yan ang sinasabi ko. And parang pinagtatakpan lang nila ang mga nakaraan na pangyayari sa pamamagitan ng pagkamatay ni Go."

Napaigtad ang dalawang nag-uusap ng may narinig silang kaluskos mula sa loob ng nakasarang kuwarto.

"M-may tao ba diyan? Sino yan?" Kinakabahan si Jonnie sa pagkakataong ito. Iniisip niya baka ma-call attention sila sakaling may makaalam na pinag-uusapan nila ang issue.

Biglang bumukas ang pintuan at tumambad sa harapan nila ang isang lalaki. Sabay pa nilang nabanggit ang pangalan nito.

"S-sir Raul?!"




























The IregularsWhere stories live. Discover now