Chapter 2

14 4 0
                                    

Isang lumang gusali ang ngayo'y nasa harapan ng mga Irregular student. Kakaiba ito sa lahat ng mga gusaling nakatayo sa campus dahil sa  namumukod tangi nitong lumang disenyo. Isang bagay pa na napansin ng iilan ay walang bintana ang building at nakadikit ito sa napakataas na pader na siyang hangganan ng buong Collegio.

"Are you sure, is this the old multipurpose building ?" Dudang tanong ni Fianna kay Marla. Hindi kasi siya makapaniwalang may ganoong klase ng gusali ang nakatayo sa grandiosong paaralan.

"Ang alam ko ay ito na yun. But, wait." Nagaalangan pa ang dalaga kung tama nga ba ang pinuntahan nilang lugar. Nagtanong_tanong na din siya sa ibang kumpol ng mga estudyante, "Irregular students??" Sunod-sunod na tango naman ang tinugon ng mga napagtanungan niya. "I'm sure ito na yun."

"Madalang lang itong gamitin, mostly sa mga irregular student meeting lang." Mamaos-maos ang boses ni Armela nang siya ay magsalita habang nakatingin sa lumang gusali.

Nagulantang ang lahat, nang biglang gumalaw ang gusali na animo'y lumindol. Napaupo pa ang iilan at napahawak sa lupa. 

Natahimik pa sila nang mapansing payapa naman ang paligid at tanging ang gusali lang talaga ang gumalaw.

"Hala! nakakatakot, baka matumba toh." Sambit ng isang estudyante.

Sa isang iglap ay naging maingay ang paligid dahil sa sabay-sabay na bulungan ng mga mag-aaral, ngunit natahimik din iyon nang bumukas ang pinto ng gusali, kasabay ng anunsyo sa speaker na nasa taas taas ng pintuan nito, "Maaari na kayong pumasok. Tandaan pumasok ng maayos."

"Tutuloy ba tayo?" Isang babae ang tila nagdududa sa pinapasok nila. "Parang totoo ata ang anomalya."

"Pano natin malalaman?" Nakangisi naman na tugon ng kaibigan niya na tila nasasabik sa mga mangyayari. "Then! Let's try it!"

Grupo-grupo na ngang pumasok ang mga irregulars sa gusali at ang iilan ay nagtutulakan pa na para bang mga bata. 

"Hey dude! Chill?" Untag ni Dex sa isang lalaki, nang bigla siyang kuwelyuhan nito. "P-pwe-wede ka nang mauna."Napataas pa siya ng dalawang kamay upang wag masaktan at sa mabuting pagkakataon ay binitiwan din naman siya nito.

"Immaturity alert! Very squammy." Napangisi na lang sa Fianna sa nakikitang ugali ng ibang mga mag-aaral. Para kasing mga junior highschool student kung umasta ang iba.

Madami ang mga shifters, kung kaya't ilang minuto din ang kinain ng pagpasok ng mga estudyante sa old multipurpose hall.

Hindi inasahan ng lahat ang napakalawak na loob nito. Para na din silang pumasok sa isang mamahaling stadium. Maganda at unexpected nga naman dahil sa napakalayong pisikal na anyo nito mula sa labas.

"Good morning, students!" Bati ng isang guro na parang may katandaan na din ang edad. "I am Ms. Celes Heras and today are going to be our orientation day." Ani niya habang nakatayo sa pinaka-harap, ng tila napakalaking sinehan. 

Hawak nito ang isang remote control na kaniyang ginamit sa pagbukas ng napakalaking LED screen na halos sakupin ang buong entabladong nasa harapan ng kurbadong bleachers.

"Panoorin muna natin ang proyektong aming nagawa nang nakaraang taon. Ito ay umani ng napakaraming parangal at nakapagpataas ng bilang ng ating mga sponsors. Be thankful for the Bachelor of arts in Broadcasting, because without them we can't reach the popularity the college have today." Pinindot na niyang muli ang remote at isang horror movie ang pinalabas nila na halos tatlong oras din ang haba. 

"Fianna? Are you alright?" Alalang-alala si Dex sa katabi niyang dalaga, dahil sa tuloy-tuloy nitong pagsusuka

"That movie seems real." Tugon ni Fianna habang patuloy na pag-duwal.

The IregularsWhere stories live. Discover now