Prologue

49 7 0
                                    

Napakuyom ng kamay si Jazfer matapos niyang makita ang mga pangalan, ng mga nakapasa sa battery exam ng mga paakyat na 2nd year student. Mabilis din siyang umalis sa kalagitnaan ng nagsisiksikang mga estudyante at humanap ng lugar na mapagmumukmukan. Mababanaag sa mukha niya ang pagkabahala at pagkadismaya. Hindi siya makapaniwalang wala ang pangalan niya sa mga nakasulat sa results at tiyak na hindi siya makakatuntong sa ikalawang taon niya sa college. Dahil sa dismayado, ay pabagsak siyang umupo sa plantbox sa likod ng isang building at doon nagpalipas ng nararamdaman.

"Bro? Sabi na ea, you're just here! Seems I don't need to ask the results, your face tells everything." Entrada ni Dexon nang madatnan niya ang kaibigang malungkot ang hulma ng mukha. "Di ka nakapasa? Or maybe I wish na financial problem lang yan, which I could help." Umakbay pa ito sa kaibigan niyang halos di na umimik dahil sa sobrang kalungkutan.

Huminga muna nang malalim si Jazfer bago siya makatugon. "Wala tol, baka di talaga para sa akin ang makagraduate ng college." Aniya habang umiiling, "I can accept this failure, but how about my family." Dugtong pa niya. Napatanaw siya sa malayo at natuon ang paningin sa mga dumadaan at nakangiting estudyante. "Ang swerte nila, sana ganyan din ako kasaya noh."

"I have an idea, what if you shift program?" Mungkahi ni Dexon at umaasang mapapangiti ang kaibigan. Matagal na silang magkasama, since grade seven pa at madaming beses na din niya itong nakitang malungkot, ngunit ramdam niyang matindi ang pressure na nararamdaman ng matalik niyang kaibigan sa pagkakataong ito.

Tumayo si Jazfer at tinanaw ang mga building na nakikita niya. Muli siyang huminga ng malalim, "What I know is, isang department na lang ang open bro. And they required not lower than 1.5 grade." Tumingin siya kay Dexon na kasalukuyan na ding tumatayo. "Bro, I don't have that high grade."

"No bro, this is not the only school in the Philippines." Natatawang sambit ni Dex habang pinapagpagan ang pwetan ng kaniyang pantalon. "To be honest, I have a plan to shift program. Di ko na talaga gusto ang kursong pinapatapos nina mom and dad sakin." Napayuko pa siya at agad ding tumingala upang tanawin ang kalangitan. "Gusto ko na ring lumipat ng ibang campus. 'coz they think na I am just a relative of of this campus owner kaya ako nakakakuha ng higher grades. I want to prove them wrong." Ibinalik niya ang tingin sa kaibigan. "Alam mo naman diba? I never talked to my uncle! Especially about those non sense numbers na isinusulat lang naman sa papel."

Napalunok muna si Jazfer ng ilang beses bago magsalita. "Ano naman ang sasabihin ni tita? Baka isipin niya na ako pa ang nanghila sayo."

"Ako ang bahala. Alam mo namang never kitang pinahamak bro! Trust me."

Napaisip si Jazfer sa mga sinasabi ni Dex, ngunit mataas ang tiwala nito sa kaibigan, lalo pa't wala pa namang bagay na ginawa si Dex na ikinasira nila, kaya't naging buo kaagad ang loob niyang samahan siya sa pagpapalit ng kurso. "Sige deal, pero may alam ka pa bang paaralang open pa rin ang enrollment?" 

Ngumisi si Dex at may hinugot siyang isang papel mula sa bulsa ng suot niyang polo. Ipinakita niya ito kay Jazfer na agad naman niyang binasa.

We Accept Late Enrollees
We accept Shifters
We Accept Repeaters

"Teka bro! Saang eskwelahan toh? Bakit napaka-open naman masyado? Baka scam yan ah." Untag ni Jazfer na nagulat sa nabasang impormasyon sa papel. "Tsaka tingnan mo yung down payment napakamahal!"

"Bro look at the back, I know that you know this prestigious college. Everyone knows this." Nakangising sambit ni Dex habang binabaliktad ang papel sa harapan ni Jazfer. "Surprise!"

"Teka tol hindi kaya ako lalong manlumo jan? Dami nang students ang nagbigti dahil sa school na yan ah." Ani Jazfer na gulat na gulat. Hindi niya kasi inaasahang nais siyang isama ng kaibigan sa isa sa mga tinitingalang paaralan. Ang Collegio De Ville.


The IregularsWhere stories live. Discover now