Kabanata 10

298 28 3
                                    

Bata


I've always been so collected when boys trying to do moves for me, I've been into a lot of dates, even when I was in my Senior High years, but neither of them made me feel this way! Halos lumisan na ang puso ko sa pagkalabog sa aking dibdib. Siguro sanay na sanay na siya sa mga gantong galawan.

"Anong iniisip mo?" parang humihinga lang siya sa aking tenga.

"W-wala! A.. ano! Saan mo ba ako dadalhin?" Do I stutter.

"Samin."

"Sa Hintayan ni Sol?"

"Nope, just wait, I'll show you later." mahinahon niyang wika sakin.

Nakarating na kami sa Casa Cuevo, pansin kong lahat ng mata ay nakatingin sa amin, parang ngayon lang sila nakakita ng ibang nilalang dito. Tiningnan ko naman si Third , parang normal na sa kaniya lahat ng atensyon ibinibigay sa kanya,bumalik ulit ako sa mga tao dito, siya ata ang tinitingnan nila! Hindi pa ba nila nakita yang amo nila?! Sabagay nakakatulala naman talaga ang aura ng higanteng ito.

"Stop staring." Aniya habang patuloy kaming naglalakad, papasok ng kanilang mansion.

"I'm not staring at you!" Paano niya nakitang nakatingin ako sa kanya?!

Binaling ko agad ang aking mata, sa tanawin ng hacienda, dahil baka sabihin niyang nakatingin ako sa kanya!

Ang laki ng mga hakbang niya! Ang hirap niya na sabayan! Kaya agad ko namang binilisan ang lakad para sabay kaming maglakad.

"Your legs are too short." Aba't nang -aasar ka pa!

"You Giant! Ang laki laki mo kasi kaya mabilis ka maglakad! I'm not short kaya!" sigaw kong sabat sa kaniya. Sinuklian niya lamang ako ng ngisi. Kaya sinimangutan ko na lang siya.

Hindi ko magawang mauna sa kaniya, dahil hindi ko naman alam kung saan kami papunta! Ang laki-laki kasi ng mansyon nila! Dalawang bese siguro tong mas malawak sa amin! Kaya maliligaw ka talaga, kapag wala kang alam.

Nagulat naman ako, at hinigit niya ang aking braso ,para kumaliwa.

"This way, Dorothey." Hindi ko naman siya sinagot,at nagpati-anod na lang sa kaniya.

Balaka sa buhay mo diyan!

"Please say something.... Sorry." Basag niya sa katahimikan,habang papalapit sa pupuntahan ata namin.

Tiningnan ko na lamang siya at agad inismiran, para maramdaman niyang inis ako sa kaniya.

"Please, I'm sorry na, I will not do it again...." Malambing niyang wika sa akin, hawak-hawak niya na ang kamay ko. Titig na titig siya sa akin, ramdam ko! Hindi ko naman siya matingna dahil baka matunaw na ako.

Bumitaw na ako sa pagkakahawak niya...

"Stop, teasing na kasi!" maarte kong salita.

Ngumiti na siya, at biglang tumawa.

"I can't promise you that...."

"Why?!" agad kong sigaw sa harap niya.

"You're so cute.....pag nagagalit ka." sabay ngisi na may halong tawa.

Ramdam kong uminit ang aking pisngi sa sinabi niya! How he can give me a lot of emotions!? Halo-halo ng tension ang nararamdaman ko , when I'm with him! My gosh!

"Tara na nga, nasaan na ba tayo?" baling ko sa usapan.

"We're here." Tinulak niya ang isang pinto, na lagusan papunta sa isang malaking lupain, na pinagigitnaan ng maliit na sapa. May ganto sa kanila?!

Huling BulanOnde histórias criam vida. Descubra agora