SIMULA

740 34 1
                                    

Simula

"Magandang umaga po Ma'am!"

Napangiti naman ako sa sambit ni manong guard, pagpasok ko ng higanteng glass door na binuksan niya para sa akin.

"Morning!" sagot ko

Patuloy akong naglakad, nakita ko agad ang aking secretary na naghihintay sa akin sa reception ng aking design house.

"Miss Eloise!"

"Yes Martha, what is our sched for today?" sambit ko , habang patuloy na naglalakad papuntang elevator.

" Miss, as of today, you have meeting regarding the revisions that you need to approve for the hotel that Mr. Damian, ask you about..." patuloy na pagsasalita ni Martha

"Di ko pa ba na-approve yun project for kuya? I thought, kahapon, napirmahan na yun?" singit ko habang papasok na ako sa elevator, sumunod naman si Martha at pinindot ang palapag ng opisina ko at agad pumuntang sa likod ko.

"Miss, kahapon po , I just update you na humingi po ng extension ang Commercial Design Group, and ngayon po , katatapos lang nila", pagpapaliwanag niya , na tinanguan ko na lang.

Habang nakasakay sa elevator, nakatingin ako sa scenery na ibinibigay ng transparent na building namin, I cannot believe that ,I grew up so fast, learning different things that helps me to be who I am now, a renowned interior designer and a businesswoman that starting to build a name without any help from the family that I belong to.

"Miss? ....."

" Oh! I'm so sorry Martha"

" Its okay Miss, sobrang dami niyo na po sigurong naiisip"

Tumunog ang elevator, hudyat na nasa palapag na kami ng opisina ko,agad akong lumabas at bumungad sa akin ang mga empleyado kong sobrang busy dahil sa dami ng deadlines na dapat tapusin within this month.

"Miss, pagtimpla ko po kayo ng coffee niyo , para naman gising na gising kayo!"

"Thanks Martha" walang emosyong sambit ko at pumasok na sa aking office.

"Welcome Miss!"

Pagpasok ko, binaba ko agad ang aking Hermes White Birkin Bag, na bigay ni mommy ,last birthday ko, hinubad ko din ang aking Chanel shades,na binili ko,last trip ko sa Paris for Fashion Week.

"Here's your black coffee ,no sugar,Miss." sambit ni Martha, habang ipinapatong ang favorite kong mug from Hermes sa coaster ko.Thank you Lord, for bringing coffee to this world , ito na lang ang nakakapagpapasaya sa akin.

"Miss, ang weird ng taste niyo for coffee,sobrang pait po niyan" komento naman ni Martha habang sumisimsim ako ng kape.

Napatingin ako sa kaniya at agad na tinaasan siya ng kilay, nakita ko na namutla agad siya ....

"Joke lang naman Miss" agad niyang lintanya

"If I were you , aaalis na ako,dahil pag nasira ang araw ko , baka isampal ko sayo tong mga papel na nakatambak dito!" sambit ko, na may halong sarkasmo.

"Ito na nga po Miss, enjoy your coffee Miss!" nagmamadaling niyang sabi, habang paalis ng aking opisina.

NapatingIn ako sa kape ko, at napaisip ,ano naman?, kung mapait ang kape ko, hindi naman ako bitter , mas gusto ko lang nalalasahan ang aromang ibinibigay ng kapeng barako, habang umiinom ako ng kape,biglang ko na lang naalala, siya pala nag-introduce sa akin ng kape na ito, I remember na ,sobra siyang kumakalma kapag umiinom ng kapeng tinimpla ko para sa kaniya, habang gumagawa siya ng plates.

I cannot! Erase, erase erase, hayaan mo na siya Eloise, masaya na siya sa buhay niya, you should also! Focus on your career, wag ka ng mag-isip ng mga kahibangan mo, matagal ka niyang iniwan at nagpakasal sa tunay na babae.

Napatigil ako sa aking mga iniisip, nang biglang kumatok si Martha , na dala ang binigay kong Ipad for her.

"Miss?"

"Come in."

"Miss, may bad news and good news po ako sayo, ano pong gusto niyong mauna?" sambit ni Martha, ano na naman itong pakulo na ito?

"Bad." maikli kong sambit

" Miss, baka mamayang hapon pa po nila mai-present sayo yung revisions for ERIS..." mahabang linya ni Martha na halatang kabado sa aking isasagot.

"What?!?"

"I thought one day is enough for that? Kukulitin na naman ako ni Kuya Damianmonyo niyan!" pasigaw kong sambit sa kanya, na nagpatahimik naman sa kanya.

"Good?"

"Miss, I received an email po for a big project proposal, partnership po Miss!" sambit ni Martha na halatang excited sa kaniyang ibinalita.

"Really? Anong company?" tanong ko, bigla akong ginanahan, I'm waiting for this moment , a big company will have a collaboration with my company, I cannot! Sobra kong saya!

"CUEVO, Miss!!!"

Bigla akong nanlamig na parang akong sinabuyan ng nagyeyelong tubig, hindi ako makagalaw, parang nawalan akong ulirat sa kompanyang binaggit ni Martha, alam ko naman na possible talaga ito, dahil sobrang liit lang ng mundo ng design house at firm ng family nila, anim na buwan pa lang ng ilipat ko dito ang office ko,from Spain, and I cannot believe na makikipag-partnership sila sa amin ,na baguhan pa lang sa industriya!

" What? Patingin nga ako Martha" utos ko sa kaniya,at agad naman siyang lumapit

"Miss, ito po oh" lahad sa akin ng kaniyang Ipad.

Pagtingin ko dito, nakuha agad ng atensyon ko ang dulo ng e-mail na sinend sa amin.

We hope for your immediate response to our proposal!

Thank you,

Sincerely,

Office of External Affairs, CUEVO

Noted by:

JOSE ANTONIOUS H. CUEVO

President, CUEVO

OMG, I cannot!

Huling BulanWhere stories live. Discover now