"Yeah, I witnessed that before noong nanliligaw pa lang ako kay Christy," Bry said.

I couldn't relate dahil magkahiwalay ang church nina Pastor Rick at Pastor Alvin. Bihira ko lang sila makita noon dahil sa ministry ni Pastor Alvin ako lumaki. Nakasama na lang namin sina Christy noong namatay si Pastor Rick.

Dahil sa k'wentuhan namin, hindi namin namalayan na nasa 18 roses na pala ang ceremony at isa-isang nagsisitayuan at nagsisi-akyatan sa stage ang mga lalaking napili para isayaw si Faith. I just watched them as I waited for my name to be called.

"Daniel Brillantes," the host announced.

"Woooh!" our churchmates cheered him with clapping. Nagtawanan kami dahil doon, maging ang ibang bisita.

"Daming fans ni Daniel," natatawang sabi ni Bry.

After a few minutes, the host announced the next one, "Neil Cole Narvaes."

Bry tapped my shoulder.

Tumayo at naglakad ako papunta sa stage kung nasaan si Faith. There I saw her looking at me, waiting for me. I didn't know why I felt a little bit nervous. Maybe because this was the first time that I would dance with her.

As I stepped up onto the stage, somebody handed me a piece of red rose. At nang makalapit ako kay Faith, binigay ko iyon sa kanya. I held her so that I could dance with her. She looked prettier in close up. Hindi ko maiwasang mapatitig sa kanya dahil nakakapanibago ang ayos niya.

She couldn't look at me. I didn't know why. Maybe she was shy.

"Happy 18th birthday," I greeted her with a slight smile on my lips.

"T-thank you," she said and finally looked up at me so our eyes met.

Hindi ko alam kung bakit bigla akong nakaramdam ng pagkailang, kaya napaiwas ako ng tingin. Ito 'yung pagkailang na hindi dahil sa hindi ko matagalan na nakatitig kami sa isa't isa kundi dahil parang may kakaiba. I didn't know what it was, but I could feel the fast beat of my heart. So, instead of looking at her, I just focused my eyes on the guests. Pilit na ngumiti lang ako kahit parang... ang awkward.

"Kylo Monterde," the host later announced the next one.

Nang maka-akyat ng stage si Kylo at lumapit sa amin, doon ko pinasa ang kamay ni Faith. Bumaba ako ng stage at bumalik ulit sa table namin.

Nang makaupo ako, binalik ko ang tingin ko kay Faith na sumasayaw na ngayon kasama si Kylo. Lalo atang bumilis ang tibok ng puso ko nang makita kong nakapako ang tingin niya sa akin. Why is she looking at me? I thought.

Kalaunan, inalis din naman niya ang tingin niya sa akin. Pero habang may mga sumunod na lalaking isa-isang sinayaw siya, madalas pa rin siyang napapatingin sa akin.

I was confused until the ceremony ended...

They took pictures before they let people eat.

"Tara, kain na tayo," aya ni Daniel sa amin. Nakapila na kasi ang mga tao sa catered food.

Tumayo naman kami at pumila na rin.

"Sa wakas! Ang pinaka-hihintay ni Daniel!" biro ni Kuya Joss sa kanya.

Nagtawanan sila.

"Pakunware pa kayo, ito lang din naman hinihintay ninyo sa mga event na ganito. Pare-parehas lang tayo nainip sa ceremony," ani Daniel.

"Yeah, we have to admit that," tugon ni Bry at tumawa.

Napailing lang ako. I wasn't after the food but Faith's transformation and the joy in her eyes that I'd never seen before.

Tumingin ako sa stage. Wala na si Faith doon. I'm sure nagpalit siya ng damit.

Pagkatapos naming kumuha ng pagkain, bumalik kami sa table namin.

Napatigil kami nang biglang mamatay ang ibang ilaw kaya dumilim nang kaunti ang paligid ngunit naglaro ang mga ilaw na nakatutok sa stage. We all turned to where the stage was when the sound system played a robot mix, and there was a group of people jumped onto the stage and started to dance the cool beats. Kylo was one of them. It was like a dance tournament. They were so good, so people clapped their hands.

"Sino ang mga 'yan?" tanong ni Nathan.

"Mga kaibigan 'yan ni Faith. Kasama si Faith sa isang dance group. Hanep! May special number pa," tugon ni Daniel.

Maya-maya lang may lumabas sa backstage, at si Faith iyon na ngayon ay nakasuot na ng gray na hoodie jacket at itim na pants. Hinila siya ng isa sa gitna para hikayatin siya sumali sa pagsayaw. Doon naghiyawan ang mga tao para i-cheer siya. Halatang ayaw niya pero napilitan siya kaya sumabay siya sa kanila. She knew the steps.

Napangiti ako habang pinapanood siya.

"Mas lalaki pang sumayaw si Faith kaysa sa akin. Otso-otso lang alam ko, e," ani Daniel, dahilan para matawa kami.

"Talented mga Brillantes," Bry said.

"Oo. Dancer sa church si Christy noong kabataan niya. Sumasali 'yan kapag may special number sa mga church events," ani Kuya Joss.

"Really?" gulat na sabi ni Bry.

"Yup, makikita mo sa mga throwback videos ko sa Facebook."

"Nice..." nakangising sabi ni Bry. "Maasar ko nga."

"Huwag mong sabihin na ako nagsabi," natatawang sabi ni Kuya Joss.

"Alright."

"Pastor, pilitin mo si Faith na sumali na ng dance ministry," ani Daniel sa akin.

Tumango ako. "I'll try."

I thought Faith really needed to dedicate her talent to God. She should use it for God's glory.

Nagpalakpakan ang mga tao nang matapos ang sayaw. Isa-isang yumakap kay Faith ang mga dancers na iyon bilang pagbati sa kanya. Sa huli, natirang kasama ni Faith si Kylo. Bumaba sila ng stage at nagpunta sa bandang gawi namin.

"Faith!" tawag ni Daniel dito.

Napalingon naman si Faith sa amin pero sa akin siya napatingin. Pawisan siya dahil sa pagod sa pagsayaw, but she still looked pretty.

"Halika dito! Kain tayo!" aya ni Daniel sa kanya.

Inalis niya ang tingin niya sa akin at tumugon kay Daniel, "T-thank you. Kukuha na kami ni Kylo ng pagkain."

Muli siyang sumulyap sa akin bago sumama kay Kylo para kumuha ng pagkain. Sinundan ko lang sila ng tingin.

She was really looking at me more often. And... it made me feel a little uneasy.

Bakit ganito ang nararamdaman ko? Kanina pa 'to. It was disturbing...

I just picked up my glass and drank water to calm down my system.

Against Our Willजहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें