Chapter 28: Stay or Quit

Magsimula sa umpisa
                                    

"Hindi. E 'di naparusahan kami parepareho. Saka para saan pa ang sulat kung kakausapin ko lang din pala sila? Ilalapag ko lang sa lamesa ng isa sa kanila 'to. Ito, basahin niyo 'yung letter. Tingnan niyo kung okay na."

Inabot ko sa kanila ang sulat at agad naman nila 'yung binasa.

Hi groupmates (Joke. Ex groupmates),

Alam niyo, may nagawa akong katangahan. Nakalimutan kong magpaalam sa inyo bago ako umalis ng grupo. Nakalimutan kong sabihin.. huwag pala kayong mabibigla kaya lang mukhang huli na para sabihin ko 'yun. Sana rin huwag niyo isipin na naiinis ako sa inyo kaya ako umalis ng grupo. Pero dahil nasabi ko 'yun, baka bigla niyong maisip na ayun nga ang dahilan. Hindi ganun 'yun. Kaya chill lang kayo. Kasi chill lang ako.

Masaya kayong kasama. Alam niyo naman na sa lahat ng grupo dito, tayo ang pinakcool. Kaya lang ngayon na wala na ako sa Ordinaries, baka mahigitan na kayo ng iba.

Umalis ako kasi.. drum roll please. De joke, ito na talaga. Umalis ako kasi ayokong malimitihan at tawagin lang na ordinary dahil ayun ang grupo ko. Gets niyo ba? Kung oo, ayos. Kung hindi, basahin mo lang ng basahin ang sinabi ko hanggang maintindihan mo. Basta ayun.

Isa pa, siguro naman may mga matatalik kayong kaibigan. Di ba gugustuhin niyo rin silang makasama sa highschool life niyo? Kaya ito na.. pinipili ko na samahan ang bestfriend ko at ang kaibigan ko. Siguro nga halos huli na kasi ilang buwan na lang gagaraduate na tayo, pero wala na akong pakialam. Basta kasama ko na sila. Ayos na ako du'n.

Sorry mga ex groupmates. I'm choosing our friendship over the rule.

See you around,

Nate

Tinginan na naman ako ng masama ni Pipes. Akala ko nga galit siya pero unti-unti siyang napangiti at biglang yumakap sa akin.

"That's sweet, Nate. You're the best bestfriend."

"Kanina halos itapon mo ako pabalik sa grupo ko tapos ngayon bigla kang mangyayakap. Ganiyan ba talaga kayong mga babae. Ang gulo ng takbo ng utak."

Pinalo niya ako ng mahina at saka bumitaw.

Ang sarap ng ganitong pakiramdam. Pwede ko ng kausapin ang bestfriend ko kahit kailan ko gusto na hindi natatakot na baka maparusahan siya.

***

Nang mag-uwian, dumiretsyo kami sa bahay nila Hailey para sa project namin sa homeroom.

"Alam niyo na ba ang definition ng happiness?" tanong ni Tamara.

"This is happiness," sagot ko sa kaniya.

"That doesn't make sense," sabi naman ni Pipes.

"It does."

Napahinto kaming tatlo sa pag-uusap nang mapansin namin na nakatahimik lang 'yung tatlo. Kaya lang sanay naman na kami na tahimik si Hunter kaya parang wala na rin namang bago sa kaniya. Kay Warren at Hailey lang talaga.

"Okay lang ba kayo?" tanong ko sa kanilang dalawa.

Sinamaan ako ng tingin ni Hailey at inirapan. Quotang quota na ako sa lahat ng masamang tingin na natatanggap ko ngayong araw. Anong problema ng mga 'to sa akin?

"Kayo, okay lang kayo?" sarkastiko niyang sagot.

Napatingin ako kay Warren. Napailing siya at saka umayos ng upo, "Anong ginagawa niyo?" tanong niya. "Wala ba talaga kayong balak magkwento? Ano 'to, magpapanggap na lang kami ni Hailey na walang nangyayari?"

"'Tol - "

"Medyo left out na kami, guys," dagdag pa ni Hailey.

Napabuntong hininga si Piper, "Sorry. It's my fault. We never meant for you to feel that way. It's just that.. I don't know. Medyo magulo kasi. Well, it's simple, but I just tend to make things complicated."

"Hindi namin gets."

"Okay.. well.. I left my group."

"Halata naman dahil nakakausap mo na si Tamara," seryosong sagot ni Hailey. "Pero bakit?"

Ikwinento ulit ni Pipes ang lahat ng nangyari at mga sinabi ni Elle. Kung ako sa kaniya nirecord na lang niya 'yung kwentong 'yun kasi pangatlong beses na atang may nagpapakwento ng nangyaring 'yun sa kaniya.

"Epal talaga 'yung babaeng 'yun kahit kailan. Masyadong insecure."

"So.. ayun. I don't want you to know because I'm afraid na baka you'll do the same. But since naenlighten na ako ni Nate and Tamara, okay lang if you'll quit din. Actually, mas fun siya. Still, it's up to you if you'll stay or you'll quit."

Tumayo si Hailey at saka lumapit kay Pipes at umakbay, "Kung nasaan kayo, doon din ako. Wala naman akong reason para magstay sa group ko. I like some of my groupmates kaya lang mas gusto kong kasama ang bestfriends ko. Isa pa, pabor lang naman talaga ako sa rule dati kasi hindi pa naman tayo okay that time."

"Ayos! Mukhang makukumpleto na tayo."

"Kaya lang, sa ginagawa nating 'to, ihanda niyo na lang ang sarili niyo sa changes at consequences. Paniguradong may magbabago. Paniguradong may hindi makakaintindi sa gagawin natin. Posible rin na magkaroon ng gulo."

Sus. Sigurado talagang may magbabago at magbabago. Simula pa lang naman alam ko na 'yun. At sa tingin ko, magkakaroon talaga ng gulo. Sa pag-alis namin, tatlo lang naman ang pwedeng mangyari.

Una, magalit at pagkaisahan kami ng iba't ibang grupo dahil sa nilabag namin ang nakasanayan nila at pinili namin na baguhin ang nakagawian na. Pangalawa, pwedeng may sumunod sa ginawa namin. Ang mga tao kasi takot humakbang. Gusto pa minsan na may nagtutulak sa kanila. Madalang ang gumagawa ng first step. Pero oras na may humakbang na na isa, may ilan ang magsisisunuran. Pangatlo, pwedeng walang magbago.

Kaya lang mukhang imposible na walang magbabago. Ano 'yun, lokohan lang?

"Ikaw Hunter. Ano na gagawin mo?" Sa halip na sumagot nagkibit balikat lang siya. "Wala kang balak umalis ng grupo?" tanong ko pa ulit sa kaniya.

"May dahilan ba para umalis?" seryoso niyang sagot.. na patanong.

Sabagay oo nga naman. Ano nga ba ang pakialam ni Hunter sa nangyayari sa paligid niya? May rule man o wala mukhang wala namang magiging bago sa kaniya.

"Bakit parang laging meron 'tong si Hunter? Init ng ulo," bulong kay Pipes kaya pinalo niya ako ng mahina.

"Ssh. He might hear you. Baka bugbugin ka niyan," biro niya.

Kaya lang mukhang narinig na niya kami. Kaya nang mapatingin siya sa amin ay sabay na lang kaming nagpeace sign ni Pipes sa kaniya.

"Warren, ayos ka lang?"

Oo nga, ano. Kanina pa nakatahimik ang loko.

Nang marinig niya ang tanong ni Hailey, parang nagulat pa siya at saka lang niya malamang narealize na may tao pa sa paligid niya.

"Ha?"

"Anong iniisip mo? Parang sobrang lalim."

Napaiwas siya ng tingin at saka umiling, "Wala. Hindi naman mahalaga."

"Hindi ka magaling magsinungaling."

Napakamot siya sa batok niya at parang nahihiyang tumingin sa amin.

"Ano.. parang.. ano.."

"Ano?"

"Parang hindi ko kayang umalis sa grupo ko."

The Trouble with the RuleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon