CHAPTER ONE HUNDRED SIXTY

Start from the beginning
                                    

"Hindi ko rin alam."

Hindi ko na alam ang sasabihin ko para lang makausap ko siya at hindi mainip. Nanahimik na lang ako at naupo sa tabi. Bahala na nga.

Maya maya lang ay may humintong tricycle sa tapat ni Chad.

"Kayo po ba si Mr. Montelabano Chad Andrie Riech?"

Napatingin ako sa tricycle driver nang tanongin niya 'yon.

"Yes? Why?"

"I'm Pido!" pakilala nito sa matigas pang pananalita, halatang hindi sanay sa salitang baniyaga. Itinuro nito ang tricycle, "ito po ang serves niyo patungo sa Sky Plaza! At sa aming hotel!"

"What?" laglag pangang usal ni Chad habang nakatingin sa tricycle na sa unang tingin pa lang ay may kalumaan na.

Natawa ako at tumayo. Lumapit ako roon at sumakay na sa tricycle. Unang beses ko 'tong mararanasan! Noon pa man ay nakikita ko na ang mga sasakyang 'to pero hindi ko pa nasubukan ang sumakay at ito na! Masusubukan ko na!

"Ito po ang serves niyo patungo sa sky plaza at sa aming hotel!"

Natatawa ako nang inulit nga ng Manong ang sinabi niya. Akala niya siguro hindi naintindihan ni Chad ang sinabi niya.

"Wow! Tara na po!" masayang saad ko at sumakay sa loob. "Chad! Tara na!" aya ko sa lalaki.

Napabuntong hininga siya sa kawalang magawa. Kita ko sa mga mata niya na ayaw niya ang sasakyan ay nag aalangan pa pero kahit na ganoon ay inilagay niya ang mga gamit namin sa likod ng tricycle, tinulungan siya ni Manong. Matapos no'n ay sumakay siya at umupo sa tabi ko.

"This is a scam." usal niya.

"Naku! Hindi sir!" sagot naman ni Manong na handa nang paandarin ang tricycle.

"This is a scam." pag uulit niya lang sa sinabi niya at nakita ko kung paano nailang si Manong. "wala na ba kayong pera para mangloko ng iba?" Chad ask, nonchalantly.

"Chad..." pag aawat ko sa lalaki.

"What?"

Hinawakan ko ang kamay niya. Tinignan niya ako, napangiti ako nang nawala ang pagkasalubong ng kilay niya at apabuntong hininga pa siya at ngumiti rin.

"Tara na Manong!" sigaw ko. Tumango lang si Manong at wala na ang maganda niyang ngiti.

Tinignan ko si Chad na nakatingin lang sa daan. Mukang ini-enjoy niya ang magandang view. Berdeng kulay ng mataas na bundok, malalaking puno at preskong hangin. Maganda naman rito. Hindi ko alam kung bakit niya nasabing scam 'to pero hindi ko gusto na sabihin niya 'yon sa paraang maiinsulto 'yong matanda.

Alam kung demonyita rin naman ako, pero sa piling tao lang.

"Welcome! Welcome to the Malaya Hotel In! Magandang hapon!" isang matandang mataba na maliit, at tatlong batang lalaki at 'yong si Manong ang sumalubong sa amin pagkababa pa lang namin sa tricycle. Napangiti ako.

"See? This is a scam."

Mahinang siniko ko si Chad sa tagiliran sa sinabi niya.

Inilibot ko ang tingin ko sa paligid. Mga maliit na bahay kubo ang nakikita ko; katabi ng kubo ay matayog na puno, at kada kubo ay may malawak na espasyo para may pribado ang iba. Maganda ang paligid.

"Scam. Scam. Kanina mo pa sinasabi 'yan. Paano mo naman nasabi? Maganda naman dito..."

"Here. The fuckin' fake advertisement."

Wicked Angel (Part Two) The Truth UntoldWhere stories live. Discover now