CHAPTER ONE HUNDRED FIFTY NINE

Start from the beginning
                                    

"I miss this. 'Yong nagkakapikonan lang tayo..."

Tinignan ko lang siya kahit na gusto kong sumang ayon sa sinabi niya.

"Gusto kong hilingin na sana hindi na lang nangyari ang gabing 'yon" tukoy niya ang gabing nalaman ko ang lahat ng dahilan kung bakit may rule. "pero sabi ko... hindi. Kasi lahat ng nangyari nang gabing 'yon may maganda namang kapalit." he paused. Muling hinarap na naman niya ako at sa pagkakataong 'to puno ng emosyon ang mga mata niya at nakangiti ang mga labi niya

"Nasabi ko sayo na gusto kita..."

Akmang sasagot ako nang biglang may kumalampag sa kotse kaya nagulat ako't agad na napalipat ng upuan sa tabi ni Chad, sa shot gun seat. Napapikit ako nang may kumalampag ulit sa kotse at kung ano anong naiisip kong nakakatakot na nilalang ang nasa labas, sa gitna ng dilim, sa alas tres ng madaling araw kaya wala sa sariling napakapit ako sa braso ni Chad. Ramdam ko na niyakap niya ako mula sa gilid pero hindi ko nagawang magprotesta dahil sa takot.

"Chad a-ano ba 'yon?..." mahinang usal ko nang walang tigil ang pagkalampag ng kung sino o ano sa kotse. Nakaramdam talaga ako ng takot, takot ako sa multo pero mukang hindi basta bastang multo ang isang 'to.

Madilim sa labas, ang ilaw ay ang phone lang namin mula dito sa loob, hindi rin kasi nakastart ang engine ng kotse kaya walang ilaw sa harap at likod.

Naramdaman ko na kumalas sa yakap si Chad.

"O-oy teka... ano? Bakit?" nataranta ako bigla.

"Lalabas ako, titignan ko lang."

"Hindi! Baka delikado sa labas at mapa'no ka pa."

"Don't worry honey, I can manage." he assured.

Hindi ko pinansin ang pagtawag niya sa akin ng honey at inalis ang pagkakakapit ko sa braso niya at hinayaan siyang buksan ang kotse, ngumiti pa siya sa akin bago tuluyang lumabas.

"Stay here."

"Ingat ka..."

Isinara niya ang pinto. Mula sa loob ng kotse, pinanood ko siya. Hanggang sa mawala siya sa paningin ko. Pumikit na lang ako upang maiwasan kong ilibot ang tingin sa madilim na paligid. Huminga ako ng malalim at nakiramdam.

Parang may nakatingin sa akin.

"Chad nasaan ka na ba?" tanong ko dahil ramdam na ramdam ko na may nakatingin sa akin at kinikilabotan ako.

Pinagpapawisan ako ng malamig at biglang bumilis ang tibok ng puso ko. Ang paghinga ko ay biglang naging mabigat.

Parang bumalik ako sa dati...

My past hunting me again...

Kapareho kasi nito ang senaryo noon. Madilim, tahimik, pero parang alam nila kung nasaan ako't pinapanood lang.

Nakarinig ako ng pagkatok sa bintana at sa pag aakalang si Chad 'yon ay minulat ko ang mata ko at binuksan ang bintana at wala sa oras na napahiyaw ako sa gulat nang lumantad sa akin ang lalaking walang ngipin pero nakangiti sa akin habang ang ilaw ay nakatutok sa muka niya.

Wicked Angel (Part Two) The Truth UntoldWhere stories live. Discover now