CHAPTER ONE HUNDRED FIFTY SEVEN

Depuis le début
                                    

Ngayon lang nangyari 'to, ang sabay sabay kaming mag aral. Walang maingay. Lahat seryoso.

"Iyong lessons at key word ang aralin mo, 'di 'yong muka ni Chad,"

Malutong na mura ang lumabas sa bibig ko at halos mapatalon pa ako sa gulat nang may bumulong mismo sa tainga ko. Napatingin pa silang lahat sa akin. Inis na binalingan ko nang tingin ang katabi ko at hindi ko napigilan ang kamay ko at kusa 'yong umangat at binatukan ang lalaki na agad naman napadaing at nagreklamo.

"Totoo naman kasi..." bulong niya pa na hindi nakatakas sa pandinig ko kaya inambangan ko siya ng batuk pero bigla na lang niya akong hinarap at nginitian ng sobrang tamis.

Kung kusa na lang kumilos ang kamay ko kanina para batukan siya, ngayon naman kusa naman 'tong tumigil sa akmang pagbatuk sa lalaki dahil sa ngiti nito. Nahawa pa ako sa ngiti niyang 'yon.

"Ganda ng mood natin Cole ah?" usisa ko at hindi na nawala 'yong ngiti ko. Lumapit ako sa kaniya para marinig kung sakali ang sagot niya, "anong nangyari?" tanong ko sa boses na kaming dalawa lang ang makakarinig kahit na kaharap namin ang iba na busy na ulit sa pagbabasa at pagtatake note.

Nangiti lang 'to at tinignan ako't umiling saka niya uli tinuun ang atensyon niya sa binabasa.

"Madamot kang nilalang ka..." umiling iling ako't hindi na siya ginulo pero 'yong ngiti sa labi ko hindi na naalis.

Para bang sobrang saya ni Cole ngayon. Abot abot langit ang saya niya na akong nginitian niya lang ay nahawa.

Sino kayang nakapagpapasaya sa kaniya?

Muling nilingon ko si Cole at mukang napansin niya na nakatingin ako sa kaniya dahil lumingon din siya sa akin at para kaming tangang nangiti sa isa't isa. Ang ngiti kong 'yon ay naging tawa dahil may pakiramdam ako na masaya siya dahil sa babaeng mahal niya. Duh? Ang blooming niya rin kasi.

"Alam mo... halatang in love ka." bulong ko kay Cole at mahinang natawa. Akala ko ay iilingan niya uli ako pero nilingon niya ako't nginitian na naman.

"Sobra." tapos ay tumango tango pa siya.

"Hulog na hulog?" hindi ko mapigilang komento.

He grinned. "girlfriend ko na siya, matagal na kami pero crush ko pa rin."

I crunched my nose as I cringe. "Yuck. Corny."

Sumimangot si Cole at akmang sasagotin ako sa naging reaksyon ko ay inunahan siya ni Chad sa pagsasalita.

"Tahimik. Hindi lang kayo ang tao rito kaya pwede ba? Sa ibang lugar kayo maglandian."

Masamang tingin ang ginawad ko kay Chad pero hindi niya 'yon nakita dahil tutok siya sa ginagawa niya. Narinig ko naman ang pagtawa ng iba pero nang balingan ko sila ng tingin ay tatahimik sila at nagkunwaring nagbabasa. Si Cole naman ang binalingan ko pero sa halip na maoffense sa sinabi ni Chad ay natawa rin siya at umiiling iling na tumingin sa akin bago siya dumestansiya.

Landian? Nag uusap lang kami tapos landian? Putang ina.

Inayos ko ang gamit ko bago tumayo.

"Where are you going?"

"Mag aaral ako mag isa. Lalayuan ko na lang si Cole para hindi kami mag landian." note my sarcasm please.

Natawa ang ilan sa tinuran ko. Binalingan ko si Cole ng tingin na tatawa tawa lang. Ramdam ko rin ang tingin ni Chad pero hindi ko na siya tinignan pa.

Wicked Angel (Part Two) The Truth UntoldOù les histoires vivent. Découvrez maintenant