Obsession 53

7K 181 7
                                    

Angel's POV

Yakap yakap parin ako ni Zhan hanggang ngayon. Tila ay wala na itong balak na pakawalan pa ako.

Humawak ako sa kanyang braso ng marahan niyang iniangat ang aking mukha.

Pagod na pagod ang kanyang mga mata, nawala narin ang galit duon.

"I'm sorry for shouting mahal. I couldn't just control myself." Medyo humigpit ang pagkakahawak ko sa kanyang kamay dahil sa kanyang sinabi.

"I understand." Niyakap niya ako at siya ang sumubsob sa aking leeg. Hinayaan ko siya.

"Introduce me to our son, Angel." Aniya sa mahinang boses habang marahang hinahaplos ang aking buhok.

"Puntahan natin siy----" Bumukas ang pinto at niluwa roon ang nakapaang si Shaun. Nanlaki ang kanyang mata ng makita ang posisyon namin ni Zhan. Napansin iyon ni Zhan kaya kumalas ito sa yakap at tumingin sa bata.

"Mommy, why are you hugging tito Zhan?" Nagtataka at gulat na tanong ng anak ko.

I look at Zhan, nakatingin ito kay Shaun. Sinenyas kong lumapit si Shaun, isinara nito ang pinto bago dahan dahang naglakad palapit sa akin. He's still confuse.

Agad akong lumuhod para mapantayan siya. Nagbaba ng tingin sa amin si Zhan. I smiled at him.

"Shaun, I have to tell you something." Naging attentive ito, tinaas ko ang aking kamay at marahang hinaplos ang kanyang pisngi.

"Zhan-" nag angat ako ng tingin sa kanya at naluluha na ito. Tumingin din sa kanya si Shaun, nag aantay sa idudugtong ko. "He is you daddy." There I said it.

Binitawan ni Shaun ang kamay ko kaya napatingin agad ako sa kanya. Ang akala ko ay magtatampo ito ngunit hindi.

Dahan dahan itong tumingin sa kanyang 'ama. He's tears started to flow. I cried too.

"Y-you are my dad." Mahina at masayang masaya nitong bigkas. Ang pangungulila niya sa kanyang ama ay damang dama. Hindi na napigilan ni Zhan ang sarili at binuhat si Shaun, niyakap niya ito ng mahigpit.

He's crying. We're all crying. Pinunasan ko ang luha ko at tumayo din.

"You're my daddy." Shaun look at me, may luha parin sa kanyang mata na pinupunasan ni Zhan. "Thank you mommy." Wala na. Naiyak ulit ako.

Kitang kita ko sa kanilang dalawa ang kasiyahan. Masaya ako dahil sa wakas, naipakilala ko na siya kay Zhan.

Naisip ko ulit ang apology ng mommy niya. Ilang taon na iyon ang prinoblema ko, ilang taon ko iyong dala dala pero hindi naman pala ganun kalaking problema iyon. Masyado lang akong natakot.

Kahit hindi pa humingi ng tawad ang mommy niya ay wala na iyon sa akin. Ngayong magkasama na sina Shaun at Zhan, hindi ko na iyon aalalahahin.

Tama si Kara, isipin ko nalang ang kapakanan ng aking pamilya.

Sa pag iisip ay hindi ko alam kung paano natapos ang araw na iyon.

Muli kong sinulyapan ang dalawa na kumakain ngayon. Nakatayo ako sa hamba ng pinto ng kusina at nakatingin sa kanila.

"I want to play with you daddy. Mommy is always busy since we came here in Manila. And why is tita Kara not visiting me?" Ngumuso siya habang ngumunguya.

Pumugay ang tingin sa kanya ni Zhan.

"Don't worry son, isasama natin ang mommy mo sa pamamasyal." Napatayo ako ng maayos ng tumingin ito sa akin at ngumisi.

Wala sana akong balak na lumapit pero dahil napansin niya din naman ako, wala na akong nagawa. Umupo ako sa tabi ng anak ko.

"Good morning baby." I kissed him on his cheek.

"Good morning too mommy. Daddy said we're going somewhere and he also said that you are coming with us, mommy. I'm so excited." Pumayag ako. Ayokong sirain ang mood ng anak ko.

Hindi ko alam kung saan kami dadalhin ni Zhan ngayon. Nakatulog si Shaun habang nasa biyahe kami, hindi ko din namalayang naka idlip din ako.

Nagising ako dahil sa halik. Nanlaki agad ang mga mata ko. Shit! Ngising ngisi si Zhan habang inaayos ang buhok ko.

"Bakit ka nanghahalik?" Agad kong nilingon ang anak namin dahil baka nakita niya iyon ngunit tulog pa ito. Nakahinga ako ng maluwag.

"Ang hirap mo paring gisingin. Nandito na tayo." Nauna itong lumabas at pinagbuksan ako. I went out too.

Sinawalang bahala ko na lang paghalik niya.

Binuksan niya ang backseat at saktong pagkagising ni Shaun.
Binuhat siya ni Zhan.

"Kaninong bahay ito?" Tanong ko ng tuluyan na niyang mabuksan ang napakalaking gate.

"Mine." Sagot niya ng hindi ako nililingon. Tumahimik ako. Abala sa pagpapalibot ng tingin ang anak namin.

"Wow daddy, your house is so cool and big. We can live here too, right daddy?"

"Wait baby, ano bang sinasabi----"

"Of course son. Kukunin ko na kayo, dito na tayo titira." Putol niya sa sinasabi ko.

"But I need to get my friend at home daddy. I need my spider man." Ay oo nga pala. Yung stuff toy niya, naiwan!

Tumingin sa akin si Zhan, nalilito kung sino si spider man.

"His toy." Sabi ko. Tumango siya at ngumiti ng matamis sa anak.

"I can buy you a lot of spider man if you want, Son. I can get everything you want, just tell daddy." Nanliit ang mga mata ko. He's going to spoil our son!

Magpoprotesta pa sana ako pero tumalikod na siya, tuwang tuwa naman si Shaun sa sinabi ng ama.

Aba! Malapit ko ng isipin na mas gusto ni Shaun si Zhan kaysa sa akin..

Sinundan ko sila. Malawak ang bahay na ito.

Kailan niya ito pinagawa? Alam ko ay wala ito ng kami pa. O meron ngunit ngayon niya lang ako dinala dito? Ah, I don't know.

Ngumuso ako habang sinusundan sila.
_______________

July 1, 2021

The Billionaire's ObsessionWhere stories live. Discover now