Obsession 4

11.7K 291 6
                                    

Angel's POV

Nagising ako ng alas sinco kaya naman maaga akong nakarating sa karinderya.

Nakita ko agad si nay Glo na naghahanda na ng mga sangkap. Ingat na ingat ito sa paghihiwa. Pumasok na agad ako sa kusina.

"Good morning po nay" nakangiti kong bati sa kanya at nilapag na sa gilid yung bag ko.

"Good morning din nak" Bati niya din pabalik. "Kumusta na ang pakiramdam mo? Tinawagan ako ni Zhan kahapon at sinabing hinatid ka niya" Bakit siya tatawagan ni Zhan? He has her number? Obviously Angel!

"Ah, maayos naman na po ako nay. Pasensya na po talaga noong isang araw at naabala ko pa kayo." Nahihiyang aniko at tumulong sa paghiwa-hiwa ng mga ingredients. Nakita kong natakot siya sa nangyare.

"Alam mo namang anak na ang turing ko sayo, Angel. Kaya huwag mo ng isipin iyon. Normal lang na mag alala ako sayo. Ang mahalaga ay nadala ka agad sa ospital, salamat nalang talaga kay Zhan." Yes. I'm also thankful for him.

Pero bakit parang kilalang-kilala ito ni nay Glo?

"Mayaman, matulungin at mabait, oh diba anak, san ka pa?" muntik kong mahiwa ang isang daliri ko dahil sa kanyang sinabe.

"Ho?" Ano daw? Saan naman niya yan nalaman. "Nay naman." Napanguso agad ako.

"Nagbibiro lang ako." Napangiti ako dahil sa munti niyang tawa. Bakit naman niya naisip yon? Mukha bang magkakagusto ako kay Zhan? Pwede din, malakas kaya dating niya. Pero ako magugustuhan niya ba? Impossible yang iniisip mo Angel. Nag dedelulu ka na naman.

"Late na naman tong si Sany, naki pag date naman kase kahapon." Nabalik ang isip ko ng magsalita bigla si nay Glo.

"Palaging nasa date si Sany pero wala pang naipapakilala sa atin ah, baka may jowa na pala siya nay." Pagbibiro ko. Nasa tamang edad naman na siya kaya okay lang.

Mag aalasyiete na pero wala parin siya, baka mamaya pa ang dating niya.

Inasikaso ko ang mga customer. Lahat ng pumapasok ay ako na Ang nag entertain at hindi ko na inabala pa si nay Glo.

Naging maayos ang araw ko sa karinderya. Hindi pumasok si Sany, may importante daw itong inasikaso. Hapon na ng mapagpasyahan kong kausapin si nay Glo tungkol sa sinabi ni Zhan.

"Nay, pwede po ba kitang maka usap?" Tanong ko matapos pumasok sa loob ng kusina. Umupo ako sa kanyang harap para maka usap ko siya ng mas maayos.

"Oo naman nak. Tungkol saan ba yan at mukhang seryosong seryoso ka?" She helds my hand. "May nangyare bang hindi ko alam?"

"Wala naman po nay. Gusto kong magpaalam sa inyo kung papayagan niyo po ako, Gusto ko pong tanggapin ang alok na trabaho ni Zhan bilang pagtatanaw ng utang na loob dahil sa pagtulong niya sa akin kaya gusto niya akong gawing PA niya daw. He wants me to work under his company. Pero nay, wag po kayong mag-alala, parati parin po akong bibisita sa inyo-"

"Ano ka ba nak, Angel. Oo naman papayag ako." Putol agad niya sa akin at tuwang-tuwa siya. "Masaya nga ako at nag first move na itong si Zhan--"

"First move po?" Ha? Ano daw?
Anong?

"Ah, naku mali pala. Ang ibig kong sabihin nak ay e mas maganda nga kung sa kanya ka magtatrabaho. Maaalagaan ka at magiging maayos ka doon at mapapanatag ako dahil siya ang kasama mo." aniya na nagpagulo sa isip ko.

"Nay, naguguluhan po ako sa mga sinasabi niyo. Maayos naman po ako nay, kaya ko rin naman pong alagaan ang sarili ko. Hindi ko na po kailangan ng mag-aalaga sa akin. Tsaka nay, bakit po parang binibilin niyo ako kay Zhan? Hindi pa po naten siya kilala." I have no one to depend on. I only have myself.

"Sinabi ko ba yon, nak?" Napakamot siya sa kanyang ulo at umiwas ng tingin. Parang may sinabing hindi dapat sabihin. Hayss, si nay naman. "Wag mo nang intindihin kung ano man ang nasabi ko, pero nak, sinasabi ko ng magiging maayos ka kapag sa kanya ka magtatrabaho." Aniya sa siguradong siguradong boses.

Hindi ko maintindihan si nay Glo pero iba ang nagiging dating sa akin ng mga sinasabi niya.

Bandang alas otso na ng gabi ng maka uwi na ako sa bahay. Napahaba ang usapan namin ni Nay Glo, ang weird niya kase kanina. As in weird.

Sa tagal kong nakasama si nay Glo, kahapon ko lang naramdaman na parang may kakaiba. Pansin ko rin na parang kilalang kilala niya si Zhan. Pero paano? Ah, baka dahil sa tulong sa akin ni Zhan kaya magaan ang loob ni nay Glo sa kanya? Hindi kaya ay tinanong tanong ni nay Glo si Zhan nong nasa hospital ako? Maybe, ganun na nga?

Naligo muna ako before having my dinner.

Sumampa ako sa kama at kinuha ang cellphone ko pati ang calling card ni Zhan na nakalagay sa bag ko.

Tinitigan ko muna ng ilang sandali yung numero bago tinype sa cellphone ko.

Tulog na kaya siya? Pero ang mga mayayaman naman na katulad niya ay palaging nasa opisina at laging late na kung matulog. Yun ang pagkaka alam ko kase busy ang mga kagaya niya.

Subukan ko lang naman tawagan at kung hindi niya sasagutin, busy siya sa work or tulog na siya. Pero kung masasagot niya, edi goods.

Isang ring palang ay nagulat na ako dahil sinagot niya na agad.
Woohh, that fast?

"Uhmm, hello?" Tumibok ang puso ko dahil sa baritono niyang boses. Ang sarap sa tainga ng boses niya.

"Ah, hi. Si Angel to, Zhan." Kahit hindi ko siya kaharap ay pakiramdam ko mahihilo na ako. Ano bang nangyayari sakin?

"So, have you talked with your nanay Gloria already, Angel?" Napakagat ako sa aking labi dahil ang smooth pakinggan ng pangalan ko tuwing siya ang bumabanggit nito. Ang soft niya magsalita, nakaka inlove.

Tinampal ko ang mukha ko dahil sa naisip ko. Baliw na ba ako.

"She was very happy when I told her about your offer. pumayag agad siya." Pagbabalita ko sa kanya.

"That's good then. So, can I ask when do you want to start your work?"

"Pwede na ba akong mag start ng trabaho ko bukas?" I asked. The other line was silent for a moment.

"Yes yes, of course. I'm going to fetch you tomorrow in your house." He said sounding like he's somewhat excited? I don't know if ganun but it really sounds like he's excited or I'm just hallucinating again.

"Ok sige. Maraming salamat." Sabi ko na. Hindi pala ako pwedeng mag taxi dahil hindi ko pa naman alam kung saan ang kumpanya at bahay niya.  "Salamat ulit, ibababa ko na."  Naiiba ang pakiramdam ko tuwing nakaka usap ko siya.

"See you tomorrow. Goodnight Angel." What? Did he just said goodnight to me?

Ako na ang pumutol sa tawag dahil nagulat ako sa pag go goodnight niya. Don't take that as big deal Angel! Dahil lang sa goodnight nagkaka ganyan ka? Hindi ba pwedeng ganun lang yung tao? Umiiral naman yang pagkadelulu mo.

April 28,2021

The Billionaire's ObsessionWhere stories live. Discover now