Obsession 49

6.3K 189 7
                                    

Zhan's POV

I was still confusedly looking at them until now. Kara is hugging Shaun.

Tita? Si Kara? Kailan pa? Wala akong maalalang may pamangkin kami!

"Tita, we were about to look for you, tito Zhan offered help." Shaun politely said.

Nakita kong parang kinakabahan ang pinsan ko habang nakatingin sa akin. Nagbaba lang ito ng tingin sa bata ng kalabitin siya nito.

"Kara." I called her. Tumingin ulit ito sa akin, nanghihina na.

Kumunot ang noo ko at tumingin kay Shaun.

"Ah, hehe. Pasensya na pinsan sa batang ito, makulit lang talaga." Hilaw itong ngumiti sa akin at nag iwas ng tingin.

"You know my tita, tito Zhan?" Tumango ako. "Wow, that was awesome. Then if you are friends with ninang you might know my mommy too?" That made my heart throbbed. Narinig ko ang pagsinghap ni Kara.

Ngiting ngiti sa akin si Shaun.

"Who's your mommy?" Magsasalita na sana ang bata ng binuhat agad siya ni Kara na ngayon ay namumutla na.

"A-ah, Pinsan. Pasensya na sa abala. Sige, iuuwi ko na si Shaun." Tumalikod ito at nagmamadaling naglakad.

"Hey, wait Kara. Ihahatid ko na kayo." Sumunod ako sa kanila. Tangina! Parang ayaw kong mawala sa paningin ko ang batang ito!

"No need couz, I can manage." Hindi parin ito tumitigil sa paglalakad.

Naguguluhan namang nakatingin sa akin si Shaun na buhat niya.

"Let him drive us ninang, I want to introduce him to mommy. He helped me earlier, ninang. He's a good man." Lumambot ang puso ko sa mga binitawan niyang salita.

"No Shaun. We just need to go home now." Sumabay ako sa elevator.

"I said no Zhan, bumalik ka na sa loob. Babalik nalang ako mamaya kapag naihatid ko na si Shaun." Bahagyang tumaas ang kanyang boses.

"Hey, no need to shout, couz. Para namang may itinatago kung maka sigaw. Ihahatid ko kayo then sabay na tayong bumalik dito." At gusto ko lang makilala ang nanay ng batang ito.

Bumukas ang elevator, binaba niya si Shaun at lumakad na sila palabas. I followed them.

"Dala ko ang sasakyan ko kaya hindi mo pwede iyang sinasabi mo, I can drive myself back here. Babalik ako agad, pakilagay nalang sa office ko ang mga dokumentong aasikasuhin ko." Mahina niyang ani. Pilit tumatanggi.

Shit! Kara is acting weird! She's not like this! What's with the sudden change?

"Are you two fighting? Is that my fault? I'm sorry tita for not listening to you but can you let tito Zhan drive us home, please?
I don't know but I love his company, ninang. I'm very comfortable with him. It was like I am with my Dad. Please, ninang." Shaun said, begging. My hurts starts to thumps, especially when he mentioned about the word 'dad.

"Why? Where's your Daddy?" Bago ko pa mapigilan ang aking sarili ay natanong ko na.

Lumungkot ang kanyang mukha at nagbaba ng tingin.

"Mommy said Daddy is here in Manila and he's busy that's why I never met him." Bumagsak ang kanyang balikat. He never met his father? Fuck?

Umawang ang labi ni Kara habang nakatingin kay Shaun.

Nakaramdam ako ng sakit sa kanyang sinabi. Iba ang impact nito sa akin. Sinulyapan ko ang pinsan kong hindi makatingin sa akin at hinawakan ang kamay ni Shaun at naglakad patungo sa sasakyan ko.

Hindi na ako nagsalita at sumunod na lamang.

Umupo silang dalawa sa passenger seat. Umikot ako sa drivers seat sinimulan ang engine.

"Sa condo ko." I nod at Kara.

Maybe, Shaun's mother will fetch him there? Or are they living with my cousin?

Kaya pala tahimik si Shaun ay dahil tulog na ito. This is my change to ask my cousin.

"Who are his parents, couz?" I asked seriously, out of nowhere. Nacurious ako kung sino ang kanyang mga magulang. Bakit hindi nito kilala ang kanyang ama.

"Ano ba, Zhan. Masakit ang ulo ko. Ayaw kong mastress, pass muna sa mga yan." Umiwas ito ng tingin at humilig sa backrest. Pinikit pa nito ang kanyang mga mata.

"I was just asking about his parents, why is it that it's like my question is very hard to answer? Akala ko ba madaldal ka? Bakit ngayon napaka simple ng tanong ko hindi mo masagot? May tinatago ka ba?" Pagbiro kong sabi.

Napadilat ito, kitang kita ang kanyang reaksyon sa rear mirror. She's shaking.

"Just drive us home please, couz. And don't ask anymore." Mahinang mahina aniya at bumaling sa labas.

Hindi na ako nagsalita dahil wala rin lang naman akong makukuhang sagot, ngunit mas lalo lamang akong naging interesado sa mga magulang ni Shaun.

Hindi kalayuan ang condo niya kaya mabilis kaming nakarating.

Liningon ko sila, ginigising na ni Kara si Shaun ngunit humikab ang bata ay hindi pa nagigising. Ang itsura niya ay pamilyar na pamilyar talaga sa akin, he reminds me of my youth.

"Shaun, we're here. Wake up." Ilang beses pa nitong tinapik ang pisngi at balikat ni Shaun pero hindi parin gumigising.

"Buhatin ko nalang, pagod siguro kaya mahimbing ang tulog." Hindi nagprotesta si Kara at hinayaan ako sa gusto kong gawin.

Naunang naglakad si Kara. Tinitigan ko sandali ang tulog na bata bago lumunok.

Parang ayaw ko na itong bitawan!

Binuksan ni Kara ang pinto at pumasok, sumunod agad ako pero halos magunaw ang aking mundo ng makita ang taong gustong gusto kong kulungin sa aking mga braso.

Nakatayo ito at naka awang ang labi habang nakatingin sa akin at sa batang buhat buhat ko.

Malakas ang pagsinghap na pinakawalan ni Kara, naiiyak itong nakatingin kay Angel.

Ako naman ay nanatiling nakatayo at pinagmamasdan kung paano siya nanigas sa kanyang kinatatayuan.

What the hell is the meaning of this? Why is she here?

Diba ay nasa Marinduque ito? Tell me I am just dreaming!.

______________

June 27, 2021

The Billionaire's ObsessionWhere stories live. Discover now