Obsession 59

7.1K 180 3
                                    

This is the last chapter ^_^ Next will be the epilogue. Hihi.

________________

"I'm very happy for you bes. Naalala ko pa nuong unang beses nating makita iyang si Zhan. Haha. Kaya pala ikaw ang gusto niyang magsilbi sa kanya dahil nabihag mo ata." Sany and I both laughed.

Binalingan ko naman si nay Glo ng magsalita siya.

"Namiss kita ng sobra, 'nak. Mabuti at nasa magandang kalagayan kayo." Naka upo kami ngayon at masayang nag uusap.

Sany is sitting beside nay Glo while my son and his father is having fun around the restaurant.

Nginitian ko si nay Glo.

"Pasensya na po talaga nay at hindi ako nakapag paalam man lang sainyo noon bago ako umalis." Nahihiya ako sa ginawa kong iyon. She treated me like her own daughter, parang hindi ko siya narespeto dahil sa ginawa ko.

Agad naman niyang hinawakan ang kamay ko.

"Huwag mo ng alalahanin iyon, Angel. Naiintindihan ko naman ang naging desisyon mo at wala akong nararamdamang kahit anong tampo para sayo." She said in a low voice.

"Kaya nga Angel. Pero grabe nung una, diko kinaya Bes. Ikaw ba naman tawagan ng isang Zhan Laurent Martinez para hanapin at tanungin kung nasaan ka. Halos ikaw nalang ang palaging hinahanap nung tao. Sobrang saya ko para sayo Angel, kumpleto na ang pamilya mo." Niyakap ko agad silang dalawa.

Nararamdaman ko ang saya nila para sa akin. I am blessed to meet people like them.

We had enough for our catch up. 6:00 in the afternoon when we reached home. Our son directly head to his room because he's sleepy.

Hinatid namin siya ni Zhan.

"Good night baby/ Good night son." Sabay naming hinalikan ang pisngi ng anak namin.

"Goodnight mommy, goodnight daddy. I love you." He kissed my cheeks, also his father.

Kinumutan ko siya bago sumunod palabas ng kwarto kay Zhan.

Dumiretso ako sa banyo para maligo. After taking my bath, ibinalot ko ang aking katawan gamit ang towel tsaka ay lumabas.

Naabutan ko si Zhan na may kausap sa phone. Nakatalikod ito sa akin.

Binaliwala ko ito at lumapit sa closet namin.

"Sure Faye. Yes. Just meet me in the restaurant. I miss you too. Yes. Thanks. See you."

Napahinto ako sa akmang pagkuha ng brassiere ko ng marinig ang kanyang sinabi.

"Sino yung tumawag?! May pa i miss you I miss you ka pang nalalaman jan, huh! Sino si Faye?!" I suddenly outburst.

I glared at him when he laughed.

"Hoi, Zhan Laurent, sinasabi ko sayo, sagutin mo ang tanong ko! babae mo ba yon?" Galit ko siyang nilapitan at dinuro duro sa mukha. He tried holding my hands pero pinalo ko ang kanyang braso.

Damn! What's happening to me?!

"You look cute when you're jealous, mahal---" I cut him off.

"Hindi ako nagseselos!" Bulyaw ko sa kanya at mabilis na hinuli ang phone niya sa kanyang kamay.

Hinayaan naman niya ako. I checked his phone calls. Nanlisik naman ang mata ko ng makita ang nilagay niyang phone name nung tumawag kanina na si Faye.

Naiiyak na binato ko sa kanya ang kanyang phone, mabilis naman siyang umilag kaya tumama iyon sa pader.

"Gago ka, magsama kayo niyang BabyFaye mo!" Kumawala ang luha sa aking mata at bigla akong nahihilo. Inayos ko pa ang towel dahil nilalamig ako.

"Oh, fuck mahal. Faye is my g--"

"Shut up. Umalis ka na. Makipag kita ka sa Faye mo! Magsama kayong dalawa!" Humawak ako sa ulo ko ng tumindi ang pagkahilo ko. Pumikit ako ng mariin, nagbabakasakaling mawala ang hilong nararamdaman ko.

I heard him cussed multiple times before hugging me. Mas lalo akong umiyak.

He kissed my forehead at inalalayan akong umupo sa kama. Medyo nawawala na ang hilo ko.

Sumiksik ako sa dibdib niya, ang bango bango niya! Inamoy amoy ko ang kanyang kilikili.

"Mawawala ang bango ko niyan mahal----" pinalo ko siya sa braso at umalis sa pagkakasubsob sa kanyang dibdib nang maalala si Faye!

Dineretso ko ang closet kung nasaan ang mga damit niya. Hinawi ko ang mga ito at ibinato sa kanya. Nanlalaki pa ang mga mata niyang nakatingin sa akin. Hindi makapaniwala sa mga galaw ko.

"Ayan lumayas ka. Sumama ka sa baby Faye mo!--" sigaw ko sa kanya habang patuloy na binabato sa kanya ang mga gamit niya.

"Fuck mahal! What's happening on you!" He cussed me? Naluha ako at inis na kinuha ang mga naka hanger na office suits niya at pinambabato pa sa kanya. Sinalo niya ang mga iyon.

"Sabi na nga ba hindi mo na ako mahal! Mahal mo na ba iyang Faye, huh? Tangina mo Zhan. Kahit dito ka na. Aalis ako at isasama ko ang anak natin! Kahit pa tumira kayo dito ng Faye na iyon!" Kinuha ko ang maletang nakalagay sa gilid ng closet at nilagay iyon sa kama.

Naalala kong nasa mansion niya pala kami! Dapat pala ako ang umalis!

Nagkalat parin ang mga damit niya sa kama at sa sahig.

"Calm down, Angel. Why are you--"

"Now you are calling me Angel! Tangina ka talaga Zhan!, Mahal ang tawag mo sa akin!--"

"Faye is my goddaughter for pete's sake, Mahal! Ano bang iniisip mo?" I frozed in embarrassment when I heard what he just said.

His Goddaughter?

Naramdaman ko ang pamumula ng aking pisngi dahil sa hiya! Naiiyak na naman ako!

Kahit ako at hindi ko maintindihan kung bakit ganun ang inakto ko kanina!

Para akong nanlulumong napaupo ulit sa kama. Lumapit siya sa akin at niyakap ako.

Ano bang nangyayari sa akin? Nung marinig ko lng ang pangalan ng babae ay nanggalaiti ako! Tapos inaanak niya pala!

"Tell me mahal, are you pregnant?" He whispered while licking my neck.

Napatanga ako sa kanyang tanong at inalala kung kailan ako huling dinatngan.

__________________

July 13, 2021

The Billionaire's ObsessionWhere stories live. Discover now