CHAPTER ONE HUNDRED FIFTY ONE

Start from the beginning
                                    

Nagagawa ko ang lahat para sakanila.

Nagawa ko nga ba?

Mas ginusto ko na protektahan sila. Prinoprotektahan ko sila habang trinatraydor ko sila.

Napangiti ako nang makita ko ang Lola ni Carl na inaayos ang mga pagkaing dala namin sa mahabang mesa. Lumapit ako sakaniya.

"Hello po!" masiglang bati ko.

Nginitian naman ako ng matanda kahit na wala na siyang ngipin. "Oh? Apo.. Bakit hindi ka sumali sa kanila?"

"H-Huh?" gulat na usal ko at hindi makapaniwalang nakatingin ngayon sa matandang kaharap ko.

"Ang 'ka ko, Bakit hindi ka sumali sakanila," dahan dahan ang pananalita niya na para bang isa akong tangang hindi makaintindi.

"Narinig ko . Pero ano uli 'yong sinabi niyo kani kanina lang po? Apo po ba 'yong narinig ko?"

"Ah 'yon? Bakit? Apo naman talaga kita," natawang usal niya, "Kayong lahat ay apo ko," turo ng matanda sa mga kasamahan kong naghahabolan.

Parang may yumakap sa puso dahil sa sinabi niya, lalo na nang tawagin niya akong apo kaya medyo nagulat ako.

Minsanan ko lang nakikita ang mga grandparents ko, bilang pa sa darili sa paa at kamay ko ang pagkakataong 'yon. Hindi ko alam kung tadhana ba na tuwing umuuwi sila sa bahay namin noon ay wala ako o sadyang tyinityimpo nila Mommy at Daddy na wala ako ng bahay.

And my grandparents never called me Apo.

"Bakit kung magsalita ka ay parang bago sayo 'yon?" usisa ng matanda saakin. Siguro kung ibang tao ito at hindi Lola ni Carl kanina ko pa 'to inirapan dahil sa tanong niya.

Privacy po... Alam niyo po ba 'yon?

"Nagulat lang po hehehe." tapos ay nagpilit ako ng ngiti at tinulungan na siya sa ginagawa niya.

Nang matapos na naming ayusin ng matanda 'yong pagkain ay nagpaalam na siya saakin pero bago 'yon ay sinabi niya na tawagin ko na raw sila para makakain na kami.

Pumameywang ako nang makalapit ako sakanila, "Hoy! Hindi kayo nagugutom? Ayaw niyo bang kumain?" tanong ko sakanila.

Agad naman silang nagsiahon sa tubig.

"Kainan na!"

"Woah! Sa wakas!"

"Gutom na kaya kami! Tsk."

Sunod na sunod ang mga bulong nila habang nag siunahan sa pagpwesto at pagkuha ng pagkain sa hapag.

Napailing nalang ako habang pinapanood ko silang nagsisimula ng magbabangayan.

"Hindi ka kakain?"

Napaigta ako sa gulat at agad na nilingon ang nagsalita sa likod ko. May dala dala na siyang pinggan na may laman ng pagkain. Malamang pinauna kasi siyang kumuha bago sila. Leader first. Amp.

"Mamaya na."

"Mauubosan ka," he chuckled.

I smirked. "Let see."

"Do you want me to get a food for you? Utusan mo lang ako gagawin ko,"

Muntik pa akong masamid sa sariling laway ko sa sinabi niya, hinarap ko siya at nakangisi siyang nakatingin saakin kaya mabilis na umiwas ako ng tingin. Napalunok ako sa uri ng pagkakatingin niya saakin, para akong kinikiliti.

Wicked Angel (Part Two) The Truth UntoldWhere stories live. Discover now