"Binibigyan kami ng card pass para sa scholarship. And I saw how determined you are to finish college so I'll give you this. Kung gusto mong mag-apply doon at magpatuloy ng pag-aaral."

"May requirements po ba?" tanong ko.

"Hindi ko alam eh. Wala akong alam sa scholarship na iyon. Pero may meeting sa Dean's Office ngayong 7 PM ng mga nakatanggap ng scholarship."

"Thank you so much po!" buong pasasalamat ko. Nagpaalam na ako para pumunta sa Office of the University President kaso hindi ko maalala kung saan pa dadaan sa Main building ng Nodawn Univeristy.

"Nasaan po 'yung Office?" tanong ko kay Mrs. Martha na paalis na sana.

"Malapit sa Second Library," sagot naman niya.

Nagpasalamat ulit ako at nagtungo na sa Main Building. Ang lalaki kasi ng mga building dito sa NU. Kaya ang layo pa ng lalakarin. Dadaan pa ako sa College of Education, College of Medicine, College of Arts and Science at iba pa. Baka saktong 7 PM na kung makarating sa Dean's Office.

Hinihingal na ako nang makatapak sa Main Building. Kaso, ayun nga, hindi ko alam kung saan papunta sa Second Library nitong building na 'to!

"Excuse.. me.." naghihingalo kong tawag sa isang lalaking papasok pa lang ng building. Nakasuot siya ng uniform na mula sa College of Education. "Nasaan ang Second Library dito?" tanong ko.

"Nasa second floor, sa Left Wing tapos diretso lang, may intersection sa Secondary Main Hall ng Main Building at dumeretso ka sa kaliwang section. Makikita mo roon ang Second Library." Ngumiti siya. Ang bait naman ni Kuya. Ang linis pa tingnan sa uniform niya. Gwapo pa!

"Thank you!"

Nagsimula na akong pumunta sa second floor. Mabuti na lang namemorize ko agad ang sinabi niya. Kaso nakakalito rin pala. Hindi ko na alam kung ano ang kaliwa o kanan. Basta nakahanap ako ng Main Hall, hinanap ko ang Second Library. Nakailang ikot pa ako sa floor kung saan ako ngayon dahil nalito ako sa kaliwa't kanan na sinabi niya dahil sa iba ako nakaharap. Ilang minuto ang nasayang ko at nahanap na ang library, atlast!

Naaninag ko na ang sign ng Office of the University President. Pero agad na umagaw ng paningin ko ang lalaki kaninang pinagtanungan ko. Nasa harapan siya ng naglalakihang pintuan ng office. Nang naaninag niya akong naglalakad palapit, napatingin siya sa akin.

"Uy! Ikaw pala 'yan."

"Uhm.. andito ka para sa scholarship...?" mahina kong tanong.

Napatango siya. "Ikaw din?"

Naiilang man, tumango na lang ako. Parang nahihiya ako na mag-apply ng scholarship agad-agad. Ni hindi ko man ineexpect na darating ang araw na hindi ko na macocontact ang magulang ko para malaman ang desisyon kong ito. Kung nakakausap ko pa naman sila, hindi na ako aapply sa mga ganito. Hindi na ako magkakaproblema.  Pero asan na ba talaga sila?

Sabay kaming pumasok ng kasabay koong taga-Education. May mga tao na rin pala roon. Ayon sa mga suot nilang uniform: isa pang estudanteng taga-Education, isang Architecture at isang Business Management na may hawak na bola. Hindi ako nagkakamali, nakita ko na siya. Isa siya sa Basketball Players sa Cafeteria. Gustuhin ko mang mainis dahil naalala ko ang sinabi ng anak ko pero mas pinili kong magpanggap na wala akong alam.

"Hi, mag-aapply din kayo ng scholarship?" tanong ng kasabay ko sa ibang tao roon. Ang awkward kasi. Parang kanina pa sila tahimik doon.

GumdropWhere stories live. Discover now