'Yung rashguard po sana hehe' pero mapilit si marites at halos ipagduldulan niya sakin ang hawak niya.

'Naku mam sa puti niyo po na yan mukhang bihira po kayo magbeach mas mabuti po kung magtry kayo ng something new' ha? anong konek? hinila niya ako papasok sa fitting room. sure ba siya na pwedeng isukat to? hindi ba unhygienic?

Tiningnan ko ang sarili ko sa salamin. Nakakailang naman to. Lumabas na ako at pwede ko nang bigyan ng best actress award si marites.

'Wow mam! bagay po sainyo! ang ganda niyo po lalo!' medyo nagblush naman ako sa sinabi niya. enebe meretes.

'Hindi ba masagwa tingnan?' umiling naman siya.

'Bagay po sainyo mam. Minsan lang naman po tayo sa beach why not wear a bikini for a change diba?' after ng ilang salestalk powers ni marites eh binili ko na ang bikini. Medyo nakakailang maglakad ng ganito buti na lang hindi ako nag iisa. May mga babae rin na nakaswimwear na ganito. Hindi kaya mahubaran ako nito? Haaay! pasalamat siya at may freebies na beach bucket, shovel and some sand molds kung hindi edi hindi ko to bibilhin.

Naiwan ko yung phone ko sa hotel sayang naman hindi ako makapagpicture dibale gagawa na lang ako ng sand castle para saan pa itong freebies kung hindi ko gagamitin hehe.

'Hi miss do you need some help?' tumingala ako dahil nakaupo ako sa sand. Isang pedring na may pang boy next door ang look ang nasa harapan ko.

'Heloo salamat pero kaya ko na to hehe' Sand castle lang naman yung ginagawa ko hindi naman buong building noh. pinagpatuloy ko na yung ginagawa ko, naglagay ako ng mga shells for design pero si pedring di parin umaalis at nakiupo na din.

'Can I join you?' mukha naman siyang mabait and nasa open area naman kami so wala akong dapat ipag alala.

'Sige the more merrier hehe' binigay ko sa kanya ang bucket and shovel.

'I'm tristan by the way and you are?' Ang cute niya ngumiti parang si Kim Bum, ahh my heaart!

'I'm Al~'

'Wifey!' sabay kaming napalingon ni tristan sa nag aalimpuyo na si ser. Problema nito?

'Se~' kinawit niya ang bewang ko palapit sa kaniya kaya nailapat ko ang mga kamay ko sa dibdib niya. Kung nakamamatay lang ang tingin baka namatay na tong si tristan, ang sama makatingin ni ser eh.

'Get lost or you'll die' dali dali namang umalis si tristan na namumutla pa. Natatae ba siya?

Bumaling naman sa akin si ser. oh ba't galit yan? umandar na naman ata pagka abnormal neto.

'What the hell are you wearing!?' grabe naman di man lang dumistansya ang sakit sa tenga, nakayakap parin siya sakin  ang lapit lapit namin tapos nasigaw pa parang tanga.

'Baka bikini to' bulag ba siya?

'I know! stupid!' stupid eh siya nga itong hindi alam ang bikini.

'I mean why are you wearing....that...' medyo humina ang boses niya ng pasadahan niya ako ng tingin.

'baka beach to' ano ba marites nasan ba utak ni ser?! grrr.

'Don't try my patience woman' huhuhu ano ba! ba't parang kasalanan ko!? I pouted. Wala! kahit anong sabihin ko ako naman lagi ang mali grrr

He takes off his shirt at pinasuot sa akin.

'Don't walk around naked' ehhh!? tapos siya naghubad!? sige nga one plus one nga ser. parang hindi tayo magkalevel ngayon ha.

Ang ending eh hindi naman ako nakapagswimming at nagmukha pa kaming sociopath aba lahat ng mapapatingin samin eh sinasamaan niya ng tingin. Bumalik na lang kami ng hotel dahil tapos na din naman ako magpicture picture buti na lang dala niya phone niya kaya nakihiram na lang ako, doon na lang din ako sa banyo ng hotel room naligo marites yes walang sense ang pagkalawak na dagat dahil di naman ako nakapagswimming grrr.

'Ser nagugutom na ako anong oras na oh, magdidinner pa ba tayo?' mula sa pagtitipa sa laptop sumulyap siya sa wrist watch niya. Napaka workaholic.

'The arrangements should be done by the now, lets go' yes marites! food here I come!

Isang mini floating restaurant ang pinagdalhan sakin ni ser. Di ko nga alam kung restaurant ba talaga toh kasi kami lang naman ang customer. Lumapit naman ang waiter na may tulak tulak na tray. Kumalam lalo ang sikmura ko ng ilapag niya na sa table ang mga pagkain. Sari saring seafoods! buti na lang wala akong allergy hehe chibugan na toh!

Tahimik lang kaming kumakain ni ser at wala akong balak kausapin siya dahil lahat ng atensyon ko ay nasa pagkain. Aba bihira lang ako makatikim ng mga ganitong mamahaling lamang dagat noh.

'Wine mam?' lumapit ulit sa amin ang waiter at sinalinan kami ng wine. Hindi ako mahilig sa wine dahil hindi naman masarap pero ininim ko parin baka sumama loob nung waiter eh tinitingnan niya talaga ako hanggat hindi ko iniinom so no choice.

'In fairness hindi siya mapait ha, may asukal ba toh?' nginitian lang ako ng alanganin nung waiter saka umalis. aba! attitude ka pedring ha!

Napahawak ako sa sentido ng medyo mahilo ako. 'Ser lasing na ata ako, balik na tayo' pakiramdam ko gumagalaw ang paligid. Dumidilim na din ang.paningin ko. Malakas pa ata sa sipa ng redhorse ang pesteng wine na yun. My mind is getting fuzzy.

'Damn it!' Tumayo si ser na napahawak rin sa sentido niya na parang nahihilo sabay dukot ng phone niya bago pa ako mawalan ng malay, nakita ko ang paglapit nung waiter, nakangisi siya habang may hawak na baril na ipinanghampas niya sa ulo ni ser.

Meeting the Mafia BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon