"Yes, my okay lang ako" sagot ko at kiniss siya sa cheek

"Parang malungkot ka yataz ah?" Tanong niya at kumuha ng juice sa ref.

"Hindi po. Baka pagod lang ako sa school, daming activities. Katatapos lang ng academy day" I rolled my eyes. I lied, hindi talaga ako okay.

Well, I'm good in faking my feelings. I'm smiling but deep inside it hurts so bad

Mamamatay na yata ako sa kakaisip ng rason!

"Okay anak. Sige matutulog na ako. Matulog ka na rin, maaga ka pa bukas" sabi niya sabay halik sa noo ko.

"Goodnight po. Love you"

I sighed. Pang ilang buntong hininga ko na ba 'to? Naiinis na ako sa sarili ko!

Kinuha ko ang phone ko nang maramdaman kong nagvi-vibrate ito

"Hello" sagot ko sa tumatawag

"Hi Zoona!" Si Tito Rude pala. Akala ko naman si Jelo na. Masakit talagang umasa, noh?

"Hi Tito Rude, how are you na po?" Sagot ko

"Okay lang anak. Free ka ba tomorrow?" Tanong niya

"Oo naman po. Bakit po tito?" Umupo ako at nagsalang ng popcorn sa microwave oven.

"Bukas na kasi yung start ng photoshoot" excited niyang sabi

"Talaga tito? Sige po!" Hyper kong sagot. Wow!! Excited na ako.

"Sige. Bye, 8 am"

"Bye po. See you tito!" and I ended the call.

Okay! Model mode again. Miss ko na talagang mag-photoshoot. I'm kinda excited. Kailangan ko siguro ng pagkakaabalahan para hindi ko iniisip yung Jelo na yun! Nakakainis talaga siya!

"I hate you! Bahala ka sa buhay mo" naiinis kong bulong habang kinuha ang luto nang popcorn.

Magmomovie marathon na lang ako tonight! Mabuti pa nga. Haysss, buhay!

Kinabukasan ay nagising ako ng maaga. 8 am ang photoshoot kaya kailangan ko nang bumangon.

I did my morning routine. Naglagay ako ng maraming lotion para hindi maging dry ang skin ko. Baka madismaya pa yung mga tao sa studio. Well, makinis naman ang skin ko.

Nagdrive ako gamit ang sasakyan ni Mommy. Trip ko lang. May bago na naman siyang car eh.

Nandito na ako ngayon sa studio. Ang gaganda ng mga damit. Nakakamangha talaga!

"Uhm, Zoona. May kasama kang magpo-photoshoot, partner mo" ani ni Tito Rude

"Sino po?" Tanong ko habang nakapikit sa harap ng salamin. Nilalagayan na kasi ako ng eye shadow.

"Basta" sagot ni Tito at lumabas na siya ng studio. Well, okay!

Nang matapos ang make-up ay nagbihis na ako.Ang ganda ko talaga. Ang ganda pa ng mga damit! Perfect!

Maya-maya ay bumalik si Tito Rude.

"Ahhh Zoona, nandito na yung kasama mo" tumingin ako sa kanila.

What? Napatayo talaga ako!

"Jelo?" Gulat kong sabi.

"You know each other, don't you?" Tanong ni Tito Rude. Hindi niya ba alam? Akala ko alam niya yung relasyon kuno namin ni Jelo?

"Ahmmm, She's my girlfriend, Tito" sagot ni Jelo.

Poker face.

I flushed. Hindi pa pala tapos ang pagpapanggap. Akala ko kinalimutan na niya ang lahat. Hindi ko na talaga siya maintindihan. Kabanas!

"Oh really? Talaga?" Tanong ni Tito Rude sakin. "Bakit hindi ko alam 'to? Zoona, hindi mo sinabi hija?"

"Ahmm. O-opo. Sorry tito. Akala ko po alam niyo. He-he"

"This is so unbelievable, eh bakit parang hindi niyo alam na may photoshoot?" Kunot noo siyang tanong

Kasi po hindi po kami talaga. Fake lang po! Gusto kong sabihin pero huwag na. I'm worried about the contract..

"I'm busy po kasi. Pwede nang mag-start?" Sagot ni Jelo

Cold!

"Okay okay! By the way, you look so pretty Zoona" ani Tito

I know right!

Nginitian ko si Tito. Habang si Jelo ay nakatitig lang sakin. Maglaway ka ngayon! Bahala ka sa buhay mo!

Nagbihis na si Jelo at sinimulan na ang pictorial. Ang gwapo niya talaga! Nakakainis! Alam mo yung naiinis ka na lang sa kagwapuhan niya?

Smile dito, smile diyan. Parang naiilang ako. Parang aatakihin na yata ako sa gwapong nilalang na kasama ko ngayon. Ang hot niya lang! Super!

I need air! I need space! My gosh!

"Change outfit! You look perfect together" sabi ng photographer.

I smiled. Well!

#

The Heartless Bitch (COMPLETED)Where stories live. Discover now