"Tsk, huwag ka ng mag-maang maangan zaiynx! Huwag mong sabihing hindi mo pa naiintindihan ang nakita mo sa plaza?!" asik niya.

Tungkol kay heran? Bakit?

"Gano'n na ba talaga kalaki ang galit mo sa amin zaiynx para magawa mo 'yon kay heran?" Kilalang kilala ko ang boses ng lalaking nagsalita. Si angelo.

"Ang dumi mo naman maglaro zaiynx, talagang si heran pa na wala namang ginawang masama!" si miko.

"We know that you're Zaiynx Stein, and that name can do everything, even to kill someone she knew," sumunod na lumabas si drew.

"Anong pinagsasabi ni 'yo?" tanong ko. Putangina!

"Huwag ka ng mag sinungaling dahil matagal na naming alam ang totoo!" Sigaw ni Vaughn na umalingawngaw sa buong building."Ang kapatid ko! Si heran! Ikaw ang pumatay sa kanya hindi ba?! Hayop ka!"

Natigilan ako sa narinig ko. Ano? Anong ako ang pumatay kay heran?! Nababaliw na ba sila?!

"Trinaydor mo si heran at pinasabog ang sasakyan niya bago ka pa umalis! Putangina zaiynx! Bakit ang kapatid ko pa! At huwag mong sasabihing hindi mo alam 'to! Tangina mo!" Galit na sigaw ni Vaughn.

Nitong isang taon ko lang rin nalaman na wala na si heran at ang dahilan ng pagkamatay niya ay ang pagsabog ng sasakyan niya. May nakalagay raw na bomba sa ilalim nito at iyon ang dahilan ng pag-sabog. At nangyari nga iyon bago ako umalis papuntang France! Pero hindi ko inaakalang ako pala ang inaakala nilang pumatay sa kanya?! Putangina! Paano?! Si heran lang ang nag-iisang taong hindi ako binaliktad kaya bakit ko gagawin ang putanginang bagay na 'yan?!

"Aba Putangina Vaughn! Kahit kailan ay hindi ko gagawin ang bagay na 'yan!"

Hindi ko maintindihan! Bakit ako ang sinisisi nila?! Nababaliw na ba sila?! Hanep! Parang ako pa ay may napakalaking kasalanan sa kanila ngayon?! Kasalanang kahit kailan ay hindi ko magagawa!

"Huwag kang mag sinungaling!" asik niya at itinutok sa akin ang hawak niyang baril.

"Bakit ako ang sinisisi ni 'yo?! Kong ang batayan ni 'yo lang ang iyong nangyari noon ay napakawalang kwenta! Akala ko ba ay lahat alam ni 'yo?! Eh bakit ang pagkamatay ni heran ay hindi niyo magawang imbistigahan ha?! Putangina!" sigaw ko pabalik.

Nakakagalit! Ito ang unang beses ng pagkikita namin ulit sa loob ng tatlong taon kahit pa wala na sa plano ko ang magkaroon ng koneksyon sa kanila ngunit magkikita parin pala ulit kami ng dahil sa maling akala nila! Akala ko ay matagal nang nabigyan ng hustisya si heran dahil alam ko namang hindi sila magpapabaya dito lalo na at isa itong seryosong pangyayari, noong nalaman ko ang pagkamatay ni heran ay wala akong halos makitang impormasyon dahil sobrang luma na noong article na 'yon at nakakainis lang dahil ganito pa talaga ang nangyari!

"Satingin mo ba ay hindi namin 'yan ginawa zaiynx?! At ikaw ang itinuturo ng lahat ng ebidensiya na nakuha namin! At pinaghandaan ko ang araw na 'to para mapatay ka! Hindi ka na makakalabas ng buhay dito!" Sigaw niya at walang pag-aalinlangang pinihit ang gatilyo ng baril niya kaya naman agad kong kinuha ang Switchblade na nasa bulsa ko at inasinta ang bala na papunta sa akin kaya sabay itong nahulog sa gitna.

Madiin kong tinitigan si Vaughn, ngayon ay medyo nasasanay na ang mga mata ko sa dilim at nakikita ko na ang pagmumukha niya.

"Alam kong hindi ka talaga basta-basta kaya syempre ay nag handa ako," untas niya at sumenyas at dahil doon ay itinutok rin nila drew saamin ang hawak nila, pati na ang mga tauhan nila na nasa itaas namin.

Mahihirapan akong gumalaw nito dahil kasama ko si krae! Sobrang rami na ng narinig niya at ang mga nakikita niya ngayon at alam kong natatagpi-tagpi niya na ang lahat. At mas lalo ng hindi siya pwedeng masangkot dito dahil wala naman siyang kinalaman dito!

THE KRYPTON'S LOVE Where stories live. Discover now