CHAPTER THIRTEEN

1.2K 37 2
                                    


NANG makita ni Diamond si Patriz Nicole, nawala ang pagkalasing niya. Noong una nga ay inakala niya na nananaginip lang siya pero hindi, totoo ang kanyang nakita. Ilang sandal na kasi silang nagkukuwentuhan ni Chantal.

Damn, inis niyang sabi. Pareho kasi silang nasa ibabaw ng kama kaya humigit-kumulang, alam na niya kung ano ang nasa isip ni Patriz Nicole.

"Hey," wika ni Chantal.

"Pipigilan mo ba ako?"

Natawa ito. "Bakit ko naman gagawin iyon?"

"Girl friend kita."

"Babaeng kaibigan."

"Yah. Nothing more, nothing less," nakangiting sabi nito.

Napabuntunghininga si Chantal. Hindi na kailangan pang malaman ni Diamond na minahal niya ito nang higit sa isang kaibigan. Na isang araw ay umasa siya na mamahalin din siya nito ngunit hindi nangyari iyon.

Noong una si Vergie, mga bata pa sila noon kaya sabi niya sa sarili na isang araw ay mawawala rin ang pagmamahal nito kay Vergie. Isa pa, langit at lupa ang pagitan nila kaya alam niyang imposible na magkaroon ng happy ending ang mga ito. Nangyari naman ang inasam niyang paghihiwalay ng mga ito pero hindi pa rin siya naging masaya. Paano, nakikita niya kasing super lungkot ito.

Kahit na nga lagi siyang nasa tabi nito at ginamit siya para makalimutan ito ni Vergie, hindi pa rin niya nakuha ang puso nito. Kaya, napapabuntunghininga na lang siya kapag nakikita niya itong nagsisikap para umangat ng husto. Alam niyang kaya nito ginagawa iyon ay para may maipagmalaki kay Vergie pagdating ng araw.

Ewan lang niya kung bakit nagbago ang isip nito kahit mayroon nang maipagmamalaki. Hanggang sa sabihin na lang nito na magpapakasal na ito.

Augh, ang sakit. Akala niya sa paglayo niya ay makakalimutan na niya ang pag-ibig niya sa kanyang bestfriend. Hindi pala. Talagang may mga damdamin na sadyang kayhirap talikuran. Kaya naman, ngayon, hindi niya mapigilan ang mapahagulgol. Kahit maraming pogi sa Canada, iisang lalaki lang ang minahal niya ng buung-buo, si Diamond lang. At sa kanyang pagbabalik, umasa siya nab aka nakalimutan na nito si Vergie at puwede na siyang pumasok sa puso nito.

Ngunit, nahuli na siya ng dating. Kahit wala na si Vergie sa puso ni Diamond, may pumalit naman.

Napabuntunghininga siya at umiling dahil isa na namang Adorableng ang inibig nito. At alam niyang higit na makapangyarihan ang damdamin nito ngayon. Biro mo, kahit na niloko ito ng Patriz Nicole na iyon ay magagawa pa rin nitong patawarin.

Hay, pag-ibig!

MAHAL na mahal ni Patriz Nicole si Diamond, kaya naman sobrang sakit ang tagpong nakita niya. Pakiramdam niya'y dinurog ng pinung-pino ang kanyang puso.

Hindi niya tuloy pinansin ang ina ni Diamond na inaawat ang kanyang pag-alis. Kahit mabait ito sa kanya hindi pa rin siya sigurado kung siya ang kakampihan nito.

Blood is thicker than water, naisip niya. Nisip niya tuloy na baka kaya siya tinatawag nito ay dahil gusto nitong ipamukha sa kanya na kaya siyang palitan ng anak nito anumang oras.

Oh, naghihirap tuloy ng todo ang puso niya nang mga sandaling iyon. Para iyong dinidikdik ng pinung-pino.

"Peachy..."

Hindi iyon ang tunay niyang pangalan kaya hindi siya huminto sa mabilis niyang paglakad.

"Patriz Nicole!"

Hindi pa rin siya tumigil sa kanyang paghakbang. Wala na naman talagang rason para mag-usap pa sila. Alam niyang kapag hinayaan lang niya na magkausap sila, bibigyan lang niya ito ng pagkakataon para saktan siya.

Mapaghiganting Puso (PHR 2016)Where stories live. Discover now